Chapter FOURTEEN

6 0 0
                                    

<Liana's POV> 

Di pa ako nakakarating sa may gate ng bahay when I saw this car na naka-park sa tapat. Nagpalit na naman ba ng kotse si Daddy? Imposible. Andun sa garahe ung Ford Escapade namin eh. Siguro bisita. Hmph. Ewan. 

Pagbukas ko ng pinto, natigil sa pagu-usap sina Daddy. Sabi na may bisita eh. Lumapit ako sa kanila then kissed Chichi on the cheek. "Kore wa watashi no musume, Liana-chan desu." that's Chichi introducing me to his visitors. (This is my daughter, Liana.) 

I gave them a bow then muttered "O-genki desu ka?". They gave me a smile and nodded. "Excuse me, but I got loads to do." I said and sprinted up the stairs. Shet. Di na ako ganun ka-comfortable mag-Nihonggo ah. Tsk. 

Pagdating ko sa kwarto, nagbihis agad ako. Then I fired up my laptop. Tama ako. Online si Liam. I immediately messaged him. 

Liana Tanaka: What's with the hurry kanina? Aga mo umuwi ah. 

Nag-reply naman agad siya. 

Liam Manalili: Mahabang storya. Tinatamad ako mag type. Tawagan kita. 

True to his word, tumawag nga siya agad. "Hello. Anyare?" tanong ko agad. "Liana, please. Kung may mangyari man, promise me makikinig ka sa side ko. Please." sabi niya. Pero kahit naguguluhan ako, I said "Sure. I promise.". 

Liam sighed on the other line. "It started-- my mo-- earl--" anyare? "Choppy ka, Liam." I told him kaso biglang naputol ung tawag. I checked my phone. Walang signal. Pati Wi-Fi connection nawala sa laptop ko. 

Tumayo ako sa kama then went to my desktop. I checked the connection status. Wala din. Anyare? Binuksan ko ung stereo ko. Pati radio walang masagap. I turned the TV on. Wala din. Kelan pa naging dead zone bahay namin? Chichi knows how much I hate it pag walang signal. 

Lumabas ako ng kwarto para sana tanungin si Haha kung anong meron pero paglabas ko pa lang ng pinto, may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko. 

I suddenly felt dizzy tapos nawalan na ko ng malay.

<No one's POV> 

*2 hours later, Tanaka residence 

"Liana-chan! Dinner's ready!" pagtawag ni Katherine sa anak niya. Nag-aalala na siya dahil hindi pa ito nakain mula ng dumating. Nakaupo na sa puwesto niya ang asawa niya. Nang walang sumagot buhat sa kwarto ng anak, nagpasya ang mag-asawa na akyatin ito sa kwarto nito. 

Pag-akyat sa 2nd floor, nagulat sila dahil nakabukas ang pintuan ng kwarto ng anak. Alam nilang ayaw na ayaw nito na hindi sinasarado ang pinto. Dahan-dahang binuksan ni Shinichi ang pinto at "Liana-chan?" tawag nito sa anak. Walang sumasagot. Napaka-tahimik ng kwarto ni Liana, na lalong dumagdag sa kaba ng mag-asawa. Sinubukang tawagan ni Shinichi ang cellphone ng anak ngunit laking gulat nila ng makarinig ng ring galing sa night stand ni Liana. 

Andoon ang cellphone nito. 

Inikot ng mag-asawa ang kwarto ng anak. Kinuha ni Katherine ang cellphone ng anak at tiningnan kung sino ang huling nakausap nito. Isang papel naman ang napulot ni Shinichi na halos ikinaguho ng mundo niya. 

Ipinakita niya sa asawa ang papel na nagsasabing: 

"We have your daughter. If you want to see her alive, bring a sum of ¥ 85,000,000 at the back of ***** building located at *****, ******. We're gonna wait until 12 am on Friday. Don't call the police." 

At that time, isang solusyon lang ang naisip ni Shinichi. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at... 

"Moshi-moshi." 

"Chichi, tasukete itadakemasen ka?" (Father, can you help me please?) 

"Doshite, musuko?" (What's the matter, son?) 

#ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon