Chapter FIFTEEN: Revelation Sucks

4 0 0
                                    

<Liana's POV> 

Buset naman oh. Ilang oras na akong nakaupo't nakatali dito. Di pa nakuntento, talagang naka-blindfold pa ko. Makawala lang talaga ko dito, gugulpihin ko pasimuno nito. "Hoy, ayan na ung pagkain mo." may biglang nagsabi sa'kin. "Common sense naman. Paano ko kaya makikita yan, eh may piring mata ko?" tanong ko dun sa nagsalita. Bigla naman akong nakarinig ng tawanan. "Magsitigil kayo!" sigaw nung nagbigay ng pagkain. Tumahimik naman agad. 

"Hoy, wag mo akong pinaglololoko ha. Di mo kailangan yang mata mo. Bakit, mata mo ba nakain?" sagot niya. Aba. Palaban. "Actually, may point ka. Sige, kakain ako ng naka-blindfold, basta ba sampolan mo ako kung paano eh." sagot ko naman sa kanya. Pag gantong gutom ako, ang hilig ko mang-trashtalk. "Eh paano mo mapapanood kung naka blindfold ka?" tanong niya. Gago ka, di ako papalamang sa'yo. 

"Akalain mong naisip mo un. More importantly, akalain mong may isip ka?" I retorted sarcastically. Liana- 3; Hoodlum- 2. "Argh! Peste naman oh!" frustrated na sigaw ni Hoodlum sabay tanggal sa blindfold ko. "Ayan, masaya ka na ba?!" asar na tanong niya sa'kin. It took me a while bago maka-adjust. Tiningnan ko si Hoodlum. "Actually, nawalan na ko ng gana. Ang pangit mo kasi." sabi ko. Saka, Duh! As if kakainin ko un bigay niyang mukhang kaning-baboy. Yuck.

<Anne's POV> 

*dismissal 

Hay salamat. Uwian na din. Wala akong kausap maghapon. Si Liam naman... Hays. Ewan ko sa kanya. Naka-ilang text at tawag na un pero di ko sinasagot. Bahala siya jan. 

Palabas na ako ng gate when I felt someone held my arm. Paglingon ko, tss. Si Liam lang pala. "Ano?!" tanong ko sa kanya. "Bukas na tayo magpractice. Sure na." he said. "Bahala ka." passive na sagot ko. I headed for the exit but pinigilan niya ulit ako. "Anne, may problema ba?" tanong niya. Great. 

"Problema?! Wala naman. Naiinis lang ako pag nakikita ko yang pagmumukha mo." I told him. "May nagawa ba ako?" he asked. "Just don't talk to me again." sabi ko. I attempted na bawiin ung braso ko pero hinigpitan niya lalo ang hawak. "Anne..." he started kaso biglang may brasong pumulupot sa katawan niya. 

"Let's go home, Liam. I'm beat." sabi nung babae. Wait, did she just said "let's go home"? "Just a moment, Song Yi. I just need to talk to her." sabi niya dun sa babae. Tiningnan naman ako nung Song Yi. "Oh, are you Liam's flavor of the day?" she taunted. Di ko na napigilan ang sarili ko. I forced my arm out of Liam's grip and delivered a slap on his face. "STAY AWAY FROM ME!" I yelled at him and started walking away. 

Gusto ko sanang puntahan si Allen kaso problemado din un kay Liana. Desperate, I pulled out my phone and called the person na inakala kong di ko na kakausapin ulit. 

"Hello." he picked up after three rings. 

"Odiya?" I asked, my voice breaking. (Where are you? [Korean])

<Liam's POV> 

*Manalili residence 

Binalibag ko ung front door pagpasok ko. Song Yi followed suit. "This is all your fault!!" I told her as soon as she closed the door. "What did I do?!" she asked. I huffed angrily. "YOU RUINED EVERYTHING!" I told her. Nilabas ko ung phone ko at sinubukang tawagan si Anne pero di niya sinasagot. Habang ginagawa ko un, Song Yi said "I RUINED EVERYTHING?! The fuck, Liam!! Dalawang araw pa lang ulit akong nasa buhay mo! DALAWANG ARAW, Liam! Rome wasn't built nor destroyed in a day or two, alam mo ba un?!". 

"Bakit ka pa ba kasi bumalik sa buhay ko, ha?! Bakit kailangan mo pang dumating para--" 

*SLAP! 

Un ang pumutol sa mga tanong ko sa kanya. When I looked at her, Song Yi's tears are racing down her face. "Why did I come back? Un ba ang tanong mo, Liam?! Un ba?! Gusto mong sabihin ko sa'yo kung bakit?! FINE!! I came back dahil sa'yo! BECAUSE I BELIEVED IN YOU AND YOUR STUPID PROMISES!" Song Yi told me. Then she gave me a sad smile. "I'm really, really stupid to think na after all those years, maaalala mo pa rin si Song Yi. Si Song Yi na pinapatawa mo. Si Song Yi na minahal ka. Si Song Yi na PINAASA mo. Si Song Yi na pinangakuan mo ng kung anu-ano." she said then sighed. Nagsimula na siyang umakyat papunta sa kwarto niya, pero bago siya tuluyang umakyat, she still managed to tell me one thing. 

#ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon