* One week later
<Anne's POV>
Kanina pa ako may POV yet di pa ako nagpapakilala. I'm Anne Garcia, classmate ako ni Liana since 3rd year. Nasabi na ba ni Liana na may club kaming sinalihan? Yep. Although magkahiwalay kami, we're both performers. Di pa ba halata? I joined the Dance club while sa Singing club naman si Liana. Oh, ha.
Speaking of Liana, medyo tahimik siya these past few days. Effect na rin siguro ng nakita niya. Di siya lumalabas ng room mag-isa, at umiiwas din siya kay Allen. Pag lumalapit un sa kanya, ang cold ng pakikitungo niya unlike dati na ang close nila. Isang tanong, isang sagot -- ganyan na siya makipag-usap kay Allen. Mejo nakakapanibago.
Papunta kami ngayon ni Liana sa club room, may meeting daw. Ano ba yan. Instead na kumakain kami eh. Iisa lang naman ang club room namin, kumbaga branches lang ang Dance at Singing club.
Pagpihit ko ng doorknob sa may clubroom, may humila sa kabilang side. Mejo na-out of balance ako pero nahila agad ako ni Liana.
"Pfft. Naturingang member ng dance club ang lampa naman." nagpipigil ng tawang sabi nung lalaking humila ng pinto. Teka nga?! Anong sabi niya?! Lampa?! Ako?! THE NERVE OF THIS GUY!!!!
Siya nga pala si Liam, school hearthrob at ang lalaking walang ibang alam gawin kundi ang asarin at sirain ang araw ko. Magka-club sila ni Liana although di ko pa siya naririnig kumanta. Matangkad siya, gwapo rin minus the ugali. Nakaka- turn off kasi ung ugali niyang ubod ng yabang at akala mo ay napaka-gwapo niyang nilalang.
"Oh, wag mo akong titigan, Ms. Piglet. Baka ma-inlove ka sa'kin." sabi niya. See?! Ang yabang di ba?! "Excuse me?! Tingin mo naman napaka-gwapo mo?!" mataray na sabi ko sa kanya. "Oo naman. Admitted na yan, matagal na." sabi niya tapos tinalikuran kami. Nang mejo nakalayo na siya sa'min, nag-wave siya sabay sabing "Bye, Ms. Piglet!!" THE NERVE!!
Pumasok na kami ni Liana. Tinawag siya ng voice coach nila tapos tinawag din ako ng choreographer namin. Attendance. Psh. After ko mag-sign, lumapit ako kay Liana. Siomai talaga. Di ako maka-get over sa ginawa nung Manalili na un! Grabe! Tawagin ba akong Ms. Piglet?!
Nag-start na ung meeting. May upcoming program pala at magpe-perform kami. As initiation daw sa new members (kami nina Liana), solo performance daw ang gagawin namin. Shems! Solo naman?! Ano ba yan?!
BINABASA MO ANG
#Confused
Teen Fictionformerly titled as "Hate->Love?" , the story chronicles about two classmates and friends, Liana Camille Tanaka, a half-Japanese student and Anne Garcia, who's confused about their feelings for their own "special someone". Will they find a way out...