Chapter TWO

33 0 0
                                    

<Liana's POV>  

AAARRRGGGHHH!! I can't take this anymore! Hanggang sa FB pinag-uusapan ako ng tropa! Tama bang ipakalat pa sa net ung unexplainable behaviour ko daw? Nag post kasi si Rachelle.  

Rachelle Taniegra: AYIE!! Si Liana Tanaka, lume-level up!! Nakahanap ka na ng katapat mo, Ms. Maldita!! Hahahaha! (47 likes)  

Tapos andaming comment:  

Diana Bardon: hahahaha! Ang benta ng expression ni Liah kanina! (25 likes)  

RM Mariano: bakeett? Anyare? May lovelyf na si Pres? (32 likes)  

Gelay Bautista: wwwhhhaaattt?! Nag 4th year lang kau lumalablyp na kau?! (17 likes)  

Anne Garcia: wait, do u mean like na ni Liana un clasm8 nmen??  

Ella Lorenzo: huwat?! May ka- pair na ang bestfriend ko? Who's the lucky duck? ^_^v (27 likes)  

Josephine Pepito: hahahaha! Ella Lorenzo, may d ka alam s bestplen mo! (7 likes)  

At dahil mabait akong nilalang  

Liana Tanaka: excuse me, times two, I DON'T AND WON'T LIKE THAT GUY!! Yuck lang! (37 likes)  

At dahil mga tunay silang kaibigan kaya  

Anne Garcia: wahahahahaha! Denial queen! (29 likes)  

Ella Lorenzo: best?! Is dat u?! (19 likes)  

Rachelle Taniegra: naku Liah, ang choosy mo! (14 likes)  

Diana Bardon: ang pogi nga nun eh! (20 likes)  

Wtf?? Mga bulag!  

Liana Tanaka: pogi?! Un?! Eh kuko nga lang siya ni Kristoffer Martin eh! (37 likes)  

Anne Garcia: wahahahaha! Eh di part pa dn ni Kristoffer Martin! Caught in the act si Liah! (52 likes)  

At dahil napakahaba ng pasensya ko, nag log out na lang ako. Badtrip eh.  

*School, next morning  

Pagpasok ko pa lang ng gate, nakita ko na agad sina Josephine, nagkukumpulan sa may bleachers. Lumapit ako.  

"Oh, ano meron?" tanong ko sa kanila. "Eto na pala ang denial queen eh." sabi ni Rachelle, sabay tumawa silang lahat. Mga tunay na kaibigan. -_-  

Papaalis na sana ako dun ng biglang may nagtakip sa mata ko. At dahil sobrang badtrip na ako, masasampolan ko ito ng kamalditahan ko. "Aalisin mo yan sa mata ko o puputulin ko yang kamay mo?" ayan ang aking nagmamalditang linya.  

"Ouch naman, wala man lang 'good morning'." sabay inalis niya ung kamay niya sa mata ko. SSSHHHEEEMMMSSS!!! I know that voice! Humarap ako sa kanya, at di nga ako nagkamali. It's HIM!  

"Oh, A-Allen. Ikaw pala. Sorry, medyo BV eh." sabi ko. Shems! Bakit ba nakaka speechless ang isang 'to? Oh, yeah right. Nalimutan ko siya ipakilala. He's Allen Pamaran, ang aking *ehem* crush *ehem* na taga 1st section. President siya ng Science club at member ng 4th year cheer dancers. Aside that, he's very good in Math, mabait, gwapo, matalino, pogi at... Basta he's my ideal one! Classmate ko siya nung 1st at 2nd year.  

"Oh, I got it. Ako na lang magtatanggal ng BV mo. Good morning, Liah." naka smile na sabi niya sa'kin sabay pat ng head ko. Nag smile lang ako at binati din siya ng "Good morning, Allen.". Oh ha. Ako na the best! *^_^*  

Nagkwentuhan lang kami saglit, then he got my folder. "Hatid na kita." sabi niya. Siyempre nung una tumatanggi ako. Pakipot effect. But sinasabi niya: "I insist." then may choice pa ba ako kundi ang ihatid niya? Eh! Kilig vibes!  

Pagdating sa room, siya na naglagay ng gamit ko sa table ko. At dahil dun, yung mga classmate ko, napatingin sa'min. Tapos hinatid ko si Allen sa may pinto. "Salamat sa paghatid." sabi ko. He pinched my nose and said "Anytime. Sige, punta na ako sa room." tapos nagpunta na siya sa room nila. Napa smile na lang ako then nagpunta na sa seat ko.  

"Kwento, anyare?" sabi ni Anne pagkaupong-pagkaupo ko. "Saan?" tanong ko habang nakangiti pa din. "Hala. Anong saan? Bakit ka hinatid ni Allen? Kayo ba?" sunod sunod niyang tanong. "Pag hinatid mag on agad?" tanong ko, ala- Vice Ganda. Tinaasan niya ako ng kilay. "Ok, ok." pagsuko ko. "Nagprisinta po siya na ihatid aketch. The end. Un lang." sabi ko. Reaction ni Anne? Ayun, kinilig din. :-)  

*breaktime  

"Hoy, Liana Camille Tanaka, bakit mo naman kami iniwan sa may bleachers kanina?" pambungad na sermon sa'kin ni Josephine pagbaba pa lang namin ni Rachelle. "Oo nga. Anong nangyari?" tanong ni Lyka.  

"May anghel-- oh, mali. May GWAPONG anghel na lumapit sa'kin at dinala ako sa langit." naka-ngiting sagot ko. Lampake. Ganyan ako kiligin. Wag epal.  

"Woah, anong nangyari sa maldita side mo?" tanong ni Diana. "Kayo naman. Minsan lang ako kiligin kontra pa kayo." sabi ko. "Hindi kasi bagay, Liah." pang-aasar ni Rachelle. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya tapos inakbayan ako. "Hahahaha! Joke lang, eto naman. Love you, Liah!" sabi niya.  

Dumeretso na kami sa canteen. Sa labas pa lang, dinig ko na ang tawa ni Allen. Shems. Bakit ba andito kasi 'tong isang to? Oh, wag tanga, Liah. Natural breaktime eh. Kamown.  

Pumasok kami. Nakita niya agad ako tapos lumapit siya sa'kin. "Hello, Liah." sabi niya. Nag-hi ako tapos nagpunta na sa isang stand dun para bumili.  

"Matapos kang kiligin, iiwasan mo lang?" sabi ni Diana. Ngumiti lang ako. Pagkabili ng Piattos, nagulat ako kasi may nang-backhug sa'kin. Lumingon ako at nakita ko si *gulp* Allen -- at sobrang lapit ng pogi niyang mukha sa'kin.  

"Galit ka ba sa'kin?" tanong niya. Naka-puppy eyes pa nga ang loko. Ano ba yan. Wag ka na magpa-cute, poging-pogi ka na. :">  

"A-ano ka b-ba. Hindi ah." shems, ako na nauutal. Kasalanan ko bang nakaka-mesmerize siya? Wait a minute. Dictionary please. Ansabe ng mesmerize? Hahaha!  

"Eh bakit ka naiwas?" tanong niya. Ikaw kasi. Nakaka-tantalize ka kasi. Shet. Kanina mesmerize, ngayon naman tantalize? Adek.  

"Eh kasi baka may makakita sa'tin, magsumbong pa sa gf mo." sagot ko. Yes, ayan ang masakit na katotohanan. May girlfriend na siya. :'( Aww, taken na si Allen ko. Ahuhu.  

Pero syempre di ko iniiyakan un. Alam ko namang may advantages ako sa gf niya. Ganito. Pag si Allen may problema, sa'kin una tatakbo yan para umiyak. Ako din una niya naiisip pag kailangan niya ng advice. Oh ha. Kabog ang gf niya. >:-p  

"Hayaan mo yun, di naman selosa yun eh. Wag ka na umiwas please." sabi niya. Anubey. Kinikilig aketch. *^_^*  

"Hayst. Ok fine." sabi ko. Takte namang buhay 'to oh. Tanong lang ha: Bakit mahirap iwasan si crush? Tao lang din naman yan ah. Nginitian ako ni Allen tapos kinurot ung pisngi ko. Oh, tingnan niyo 'tong nerves ko. Bakit pag iba nagawa nun masakit? Pero pag si crush, ok lang? Abnormal lang eh.  

"Punta na ako sa room, Liah. Bye." paalam ni Allen sa'kin. "Ok. Bye." sabi ko na lang. Pero, di ko napaghandaan ung sunod niyang ginawa: he kissed me on my forehead. After nun, umalis na siya. Shems. Bakit feeling ko ang pula- pula ng mukha ko?  

#ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon