Chapter ONE

48 0 0
                                    

<Liana's POV>

"Ana!! May nametag ka na?" tanong sa'kin ni Anne, seatmate ko. Oo nga pala. Kailangan un sa English. >.<  

"Ako pa, siyempre meron." then pinakita ko ung simple kong nametag:  

Ana  

Liana Camille Tanaka  

"Adik naman. Mukha kang service crew sa fastfood!" sabi niya. "Shut up. At least unique nametag ko." sabi ko.  

I'm Liana Camille Tanaka, 16 years old, 4th year high school. Member ako ng NBSB (No Boyfriend Since Birth) club, parang ung closest teacher ko, si Ms. Rizza. Teacher ko siya nung 2nd year sa Values Ed. Lampake, pareho kaming maka- Harry Potter. Si Anne, classmate ko last year. Oh, wait, di siya ang bestfriend ko. Si Bestfriend Ella, nasa section 8. Section 2 ako eh.  

*krriingg!  

"Breaktime na rin sa wakas." sabi ni Anne. "Gutom lang?" sabi ko. "Yan tayo eh." then lumabas na siya. Lumapit naman sa'kin si Rachelle, classmate ko mula 3rd year. "Ana, tara labas." sabi niya. Nag ipon pala mga tropa sa may hagdan. Pagdating namin dun, sumigaw si Josephine. "Ana!" Huwaw, basag ang eardrums ko. >.<  

"Problema mo?! Nadugo na tenga ko, oh. Basag si Eardrums." sabi ko, sabay tawa. "Over naman." sabi niya. "Tara, canteen." sabi ni Lyka. "Bakit, libre mo?" tanong ni Diana. "Pag nagyaya libre agad?" sabi ni Lyka. "Di ba pwedeng gutom muna?" sabi ko, sabay tumawa kaming lahat. Ganyan kami. Wagas kung magbarahan pero for better for worse naman. ^_^  

Pagdating sa canteen, andun pala sina Bestfriend. Of course, ang salubong niya sa'kin: malaking HUG. Yeah, losers. Yan kami eh. Lampake.  

"Uy, best, classmate mo na naman si Anne. Wag ka na papatalo, huh?" sabi niya. Si Anne kasi ung top 1 namin last year, di kasi ako nagseryoso nun eh.  

"Siyempre naman, ako pa. Mas mabait na ako ngayon." sabi ko.  

"Naku best, siguraduhin mo lang." sabi niya sakin na parang nananakot. "Yes boss." sagot ko sabay roll ng eyes.  

Habang nakain, nagkwentuhan lang kami. Nung nag-bell, balik na kami sa classroom.  

*English <last subject>  

"Ana" tawag sakin ni Ms. Pinky, teacher namin. Lumapit naman ako. Inutusan lang naman ako mag-sulat sa board. Do I look like the class secretary? Kamon. -_-  

Nung lumabas si Ms. Pinky, may nilalang na tumawag sakin at inabala ang pagsusulat ko. Paglingon ko, ung classmate ko lang palang mukang gangster. Take note, he called me by my first name. Feeling close? Anyway, nilingon ko siya.  

"Yes?" tanong ko.  

"Anong page yang sinusulat mo? May libro kasi ako, dito ko na lang kokopyahin." sabi niya.  

"Page 92." sagot ko sabay flip ng hair then nagsulat na ulit ako. Narinig ko pang binulungan siya nung katabi niya: "Ini-snob ka naman." tss. Bakit? Close ba kami para ngitian ko pa siya? Itsura niya.  

After ko magsulat, nag bell na. Inayos ko ung gamit ko, hiniram ko na din notebook ni Anne para makapagsulat ako.  

Pagbaba namin ni Rachelle, andun na sina Josephine. "Anyare sa'yo, Ana?" tanong niya. Naka pout kasi ako.  

"Badtrip kasi ung 1 classmate namin ni Rachelle. Makatawag sa first name ko, wagas. Di naman kami close. Take note, mukha pang gangster. Hmp." sabi ko sabay irap. Nagtawanan sila.  

"Ayie!! Dalaga na siya, lumalandi na!" sabi ni Diana.  

"Tandaan mo, the more you hate..." -- Josephine  

Tapos nagsabay sabay sila:  

"THE MORE YOU LOVE!!!"  

What?! Me?! In love??! I'd rather die single kesa ma-inlove sa gangster na un!! Its just like, capital EEEEWWW!!!  

#ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon