Simula:
Royal Highness. The Majesty. The Lavelle's Heir. Words that have already been attached to my name.
Isn't it funny how my life was planned out before I was born? To be the perfect and righteous Ebony Lavelle. Akala ng karamihan ay kapag mayaman at mas nakakaangat ng pamumuhay sa iba ay mas masaya dahil nakukuha namin ang mga bagay na gugustuhin namin pero may mga kapalit din ang bagay na ito, parang sumpa sa pamilya na hindi ko pwedeng bitawan. Being part of the Lavelle family is not the end of my story.
I can't leave the mansion without my bodyguards. I don't have the same circle of friends as a typical twenty-two-year-old woman. They say people are watching me and one wrong move may damage our family name. Therefore, I can't handle my social media accounts. I have admins for that.
I need to be beautiful in their eyes all the time, ni hindi ako pwedeng sumimangot dahil baka kinabukasan ay nasa balita na ako, that I'm depressed. Gano'n kabantay ang bawat kilos ko.
Minsan tuloy ay iniisip ko kung bakit ba ako nandito? Bakit ako ipinanganak?
Ginusto ba ng mga magulang ko dahil mahal nila ang isa't isa, o dahil kailangan lang nila matawag na may kumpletong pamilya kaya ako nandito?
"Senyora Ebony, dumating na po ang regalo para sa 'yong kaarawan ng iyong ama," imporma ni Mersita na kakapasok lang ng aking kwarto, siya ang pinaka matandang kasambahay rito, mahigit singkwenta na siguro.
I can't call her 'Manang' or use 'Po'.
Ang sabi ni Mamá ay mas mataas ako sa mga katulong kaya hindi ako dapat bumababa sa estado nila, sila ang dapat gumalang sa akin at hindi ako, maski mas matanda si Mersita.
"Mukhang napaaga kaysa no'ng nakaraan taon. Binuksan mo ba? Anong laman?" tanong ko bago sumimsim ng alak sa aking hawak na kopita.
Inayos ko pa ang pagkakabuhol ng tali sa suot kong itim na roba habang nanatili akong nakatanaw sa labas ng aking teresa. Kakatapos ko lang magbabad sa milk tub na pinuno niya kanina.
Nilingon ko si Mersita nang hindi siya sumagot, kagat-kagat niya ang kulubot na niyang labi, doon ko rin pansin ang nililipad niyang mga puting buhok tanda ng katandaan. Siya na rin ang kinagisnan kong nag-aalaga sa akin simula pa bata ako, matagal na siya sa pamilya namin at mas madalas ko pa nga siyang nakakasama kaysa sa mga magulang ko kaya mas kilala na rin niya ako. Minsan nga'y nakukuha ko na pati ang pagsasalita niya.
"What?" sikmat ko't tinaasan siya ng kilay.
"A-Ah, Senyora hindi po siya nakabalot kaya nakita ko." Kumunot ang noo ko. Is that so? "Eroplano po, Senyora. E-Eroplano ang regalo ng ama m-mo." Sinubukan niyang maging pormal ang boses pero sa huli ay nanginig pa rin.
Hindi ko alam kung natatakot ba siya o natatawa.
Sandali ko siyang tinitigan, really? Parang hindi ko ata narinig kanina ang paglapag no'n, o baka tulog pa ako nang dumating sa airport namin sa likod lang din ng mansyon.
Maybe I'll check later, I'll visit the golf course too after my brunch.
"What color?" balewalang sagot ko habang sinusuklay na ang aking buhok na hanggang beywang. "I hope it's not pink. I have pink na, right?"
Nilagok ko na ang natitira pang alak sa aking baso saka inilapag iyon sa puting lamesa sa gilid na kaagad niyang nilinis at pinagsama-sama sa tray.
"Kulay pula na may kaunting puti ho." I have an airplane already. Last year, Daddy bought me an island in Palawan naman.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 1: The Servant
General FictionConrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retired soldier to be her bodyguard. Gavril Valdemar is a strict, cold, possessive, and grumpy man who has a scar on his left face. Even though he...