Kabanata 1

171K 5.4K 4.3K
                                    


Kabanata 1:

"Papá, why did you give an old bodyguard?" I grunted, sinubukan kong kumalma pero hindi ko kaya. "I think he can't even run or punch. Paano po kung may nagtangkang dumukot sa akin? Baka nirarayuma na 'yang Gabo na 'yan, oh crap that name!" I ranted in so much frustration.

Hindi ako makapaniwalang bibigyan talaga ako ng matandang bodyguard ni Papá.

Anong magagawa ng matandang 'to para ipagtanggol ako kung sakali? Baka ako pa ang umalalay sa kanya niyan dahil sinasaktan siya ng tuhod at balakang.

I can imagine na! Gosh.

Papá sighed in the other line, kaninang tanghali ko pa siya tinatawagan pero ngayon ko lang siya nakausap kung kailan gabi na, hindi siya makasagot at puro sekretarya lang niya ang nakakausap ko simula kanina.

Sariling anak na nga pero kailangan ko pang magpa-appointment para lang makausap siya. I envy those who are with their parents and can talk with them whenever they need.

"Mi Princesa, Mr. Valdemar is very trustworthy."

Marahas akong umiling kahit hindi niya nakikita dahil hindi naman iyon ang punto ko rito.

Mukha bang mapagkakatiwalaan iyon? He looks like a villain, corrected . . . old uncle villain in some movies.

"Papá, nasabi mo na 'yan. Ang tinutukoy ko ay bakit siya? Ang dami naman mas bata, saan mo ba nakuha ang isang 'to? Ka-edad mo ba 'to? Is he your childhood friend? Oh my god! He's a Tito na!" Kahit siya pa ang pinaka mapagkakatiwalaan sa lahat ng kilala niya, paano niya magagawa ang trabaho nang ganito?

Sayang ang ibabayad.

"Watch your mouth, Ebony. What I am asking you to do is to try him."

"No. I want you to fire him," mabilis kong sabi, kaagad kong narinig ang buntonghininga niya na para bang may mali akong nasabi.

"Mi Princesa, I don't have enough time for this. I have an appointment, a meeting for investment with the Duke of England. Naiintindihan kita pagkatapos ng nangyari sa huli mong guwardiya ngunit iba ang isang 'to. sa ngayon ay gawin mo ang gusto ko at ng 'yong Mamá. Mas mapapanatag siya kung kilala namin ang nagbabantay sa'yo habang wala kami. Please, respect and be nice to him."

Hindi malumanay ang kanyang boses, pero hindi rin naman galit para bang sinabi niya lang iyon dahil iyon ang dapat kong marinig mula sa isang ama.

Napailing ako nang tuluyan ng pinatay ni Papá ang tawag ng hindi nagpapaalam. Paniguradong araw na naman o baka umabot pa ng linggo bago ko siya makausap muli lalo naman si Mamá, maybe she's with her amiga and playing casino like usual.

Lavelle's family was originally from Spain, my great, great grandfather was a second son of the royal family. Malayong kamag-anak ng mga hari at reyna sa Espanya na pumunta rito sa Pilipinas noon para magtayo ng mga negosyo. Samantalang ang pamilya naman ni Mamá ay galing sa pamilya ng mayayamang angkan ng politiko sa Cebu.

Kahit nga hindi na magtrabaho habang buhay ay hindi naman kami siguro mauubusan ng pera. Kahit kaapu-apuhan ko ay nakaplano na, narinig ko noon sila Mamá at Papá na nag-uusap tungkol sa tinakda kong pagpapakasal sa isang mayaman lalaki mula sa isang pamilya sa Cagayan.

Pagkakasundo upang umikot ang pera, pagpapalago ng yaman na minana pa mula sa aming angkan.

I want to work and earn my own money, but my parents won't let me.

Ang sabi ni Mamá, ang kailangan kong pag-aralan ay kung paano maging mabuting asawa, alagaan ang sarili para magustuhan ako ng aking mapapangasawa sa oras na makapili na sila.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon