Kabanata 24

108K 3.8K 6.5K
                                    



Kabanata 24:


Mahal kong Senyora Ebony,

                  Hindi ko lubos maisip na dadating ang panahon na kailangan kong magpaalam saiyo. Alam kong magiging mahirap ito ngunit alam kong malalagpasan mo.

Senyora Ebony, alaga ko.

Ipagpatawad mo kung inilihim ko saiyo ang mga nalalaman ko dahil hindi rin naman ako sigurado.

Pilit akong pinapaamin ng mga Lavelle, ginigipit ako sa totoong pagkatao mo ngunit pinanatili kong tikom ang bibig ko para saiyo, para makabawi kahit sa huling hininga ko.

Hindi ko na papahabain pa dahil hindi sapat ang oras ko kaya sana ay mabasa mo ito.

Si Gabriela ay isang kasambahay na nakasama kong nagsilbi sa mga Lavelle sa matagal na panahon. Natatandaan ko pa ang unang pagtapak namin sa bahay na ito, galing kami sa iisang maliit baryo sa Pampanga at parehas pumunta sa Batangas, nakipagsapalaran para sa pamilya.

Ang pinagkaiba lang namin ay may kasintahan si Gabriela nang pumasok sa pamilyang ito at hindi ko sigurado kung naghiwalay ba sila.

Maayos noong una ngunit pansin kong may kakaiba sa ugnayan ni Mr. Lavelle at Gabriela, halos kaedad lang namin ang iyong Papá noon. Binata pa kaya madami rin nahumaling talaga. Pansin ko noon ang kakaiba sa kanila, kung hindi lang mayaman ang iyong Papá at mahirap si Gabriela ay iisipin kong maaari silang dalawa. Napatunayan ko pang may namamagitan sa kanila dahil mismo siya ang umamin sa akin na magkasintahan na sila at mahal nila ang isa't isa.

Natakot ako para kay Gabriela, dahil alam kong hindi maaari ang mga nasa pantasya niya.

Isang nasa taas ay bababa para lang magkasama sila?

Saksi ako sa bawat lihim nilang pagkikita sa sulok ng haciendang ito, saksi ako sa bawat pagtawa nila kapag magkasama, saksi ako sa mga matatamis na bulungan na parang walang hangganan, sa mga luhang dumurog din sa akin nang biglang pumasok sa eksena ang 'yong Mamá.

Saksi ako kung paano gumuho ang lahat ng masasayang pangarap ni Gabriela para sa kanilang dalawa. Parang isang kurap lang ay lahat naglaho sa kanila, parang isang bula na tinapakan at kinalimutan na, iniwan ng iyong Papá si Gabriela at nagpakasal sa iyong kinilalang Mamá.

Alam ko, sobrang nasaktan si Gabriela roon lalo't na at patuloy pa rin siyang nagsisilbi sa pamilya.

Hindi siya ipinaglaban ng iyong Papá, katulad ng kinakatakot ko. Siya lang ang totoong nagmahal sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung may maayos silang hiwalayan pero bigla na lang lumamig ang pakikitungo ni Mr. Lavelle sa kaniya.

Nabuntis ang iyong Mamá, ilang buwan lang din pagkatapos ng kasal nila. Nagdalang tao din si Gabriela ngunit sinasabi niyang ang kasintahan niya sa Pampanga ang ama.

Si Gavril Valdemar, anak ni Gabriela Valdemar at Gustavo Valdemar.

Umuwi si Gabriela sa Pampanga nang manganganak na siya, walang naging problema dahil tinanggap pa rin siya ni Gustavo, ang iniwan niyang kasintahan noon sa Pampanga.

Habang masakit naman ang dinanas ng mga Lavelle dahil namatay ang unang anak nila.

Hindi nakaligtas ang unang tigapagmana na dapat sana ay iyong Kuya.

Tandang-tanda ko pa ang hinagpis ni Mrs. Lavelle, ang galit ni Mr. Lavelle. Dumating sa punto na pinili nilang itago ang nangyari sa unang anak, walang lumabas na balita, walang nakaalam at kinalimutan na lang.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon