Kabanata 12:
Tapos na akong maligo pero hindi pa rin ako makalabas sa banyo, bumaba ang tingin ko sa malaking shirt na suot ko na pinahiram ni Gabo sa akin. Kakatapos lang namin kumain ng gabihan, I don't like the food; smoked fish and salted duck eggs with tomatoes; but I was hungry because I hadn't eaten since lunch.
Nakakonekta ang banyo sa kusina kaya naman naririnig ko siyang nagliligpit at hugas ng aming pinagkainan. Kanina pa niya nahuhulog-hulog ang mga plato at baso.
"Bakit hindi mo pa basagin lahat?" bungad ko pagkabukas ng pintuan ng banyo.
Kaagad siyang napalingon sa akin, his eyes dropped on my legs then back to my face, I rolled my eyes because I'm not wearing any shorts, tanging malaking shirt lang kasi ang binigay niya at brief, ayoko ngang isuot 'yon baka mamaya may baby sperm niya pa iyon edi napunta sa akin.
My gosh, my imagination was ruined and colonized by this stupid old man.
Nawawala ang poise ko sa kanya.
"Are you done? Pwede ka ng umakyat, your highness," seryosong utos niya.
Tumikhim siya saka bumalik sa paghuhugas ng plato, mas maingat na ngayon.
Napanguso ako't tumayo lang sa gilid niya at pinanuod siyang maghugas, ang totoo ay natatakot akong umakyat sa itaas. Nakakatakot kaya ang bahay na 'to, baka mamaya ay may multo pala rito, kaya hihintayin ko na lang siyang matapos.
Bumaba ang tingin niya sa akin, sumandal ako sa lababo habang naka-krus naman ang aking mga braso sa harap ng dibdib.
"Kanina ka pa riyan, hindi mo pa tapos," I ranted, as usual.
"So kanina mo pa ako pinapansin, your highness gano'n ba?" he fired back.
Napairap ako, hindi ko maiwasan mapansin ang malaki niyang braso, may tattoo sa kabila, sa kabila naman ay may mga peklat, kita ko ang mga balahibo niya roon.
I should be terrified of him right now. I'm uncomfortable, too, because I know his secret, but I'm not scared at all. Is it stupid of me to feel more confident knowing that someone admires and appreciates me?
"Do you want to do dishes?" tanong niya, ipinakita sa akin ang mga bula galing sa kanyang kamay.
Napaismid ako. "Duh, don't play with me. Ayaw mo lang maghugas, ang sabihin mo tinatamad ka, kanina pa riyan dalawang plato, kutsara at baso lang naman iyan."
"Bakit, ikaw Senyora marunong?"
"Bakit ko naman gagawin 'yan may katulong kami." What a stupid question, gwapo nga bobo naman.
"Hm, dapat matuto ka lalo na't mag-aasawa ka na hindi ba?"
"Mayaman ang asawa ko," I said, pouting my lips as I realized what I'd said.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi, lumakas ang kabog ng puso ko dahil naisip kong siya rin ang mapapangasawa ko. Paniguradong iniisip niya pinagmamalaki ko siya.
Hindi porket malaki siya . . . sa height. Ipagmamalaki ko na siya.
"Paano kung hindi pala mayaman? Papakasal ka pa rin?"
As if I have choice.
Hindi ako nakapagsalita, kung siya ang magiging asawa ko paniguradong mag-aaway kami araw-araw parang hindi ko ata kayang maging mabait sa kanya at isa pa, naiisip ko pa lang na kailangan namin ng anak katulad ng gusto nila Mamá, mamatay na ata ako.
Hindi ko iyon kaya, sigurado ako. Dead on the spot, cause of death; stab.
"Gabo!" galit na sigaw ko nang pahiran niya ang ilong ko ng bula.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 1: The Servant
General FictionConrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retired soldier to be her bodyguard. Gavril Valdemar is a strict, cold, possessive, and grumpy man who has a scar on his left face. Even though he...