#LetTheEarthBreathe
Kabanata 32:
I am not a saint, courteous, or humble person like everyone else. I admit, I am not perfect. I live with flaws. I don't know if I will ever change that because I have one behavior that I can't get rid of.
I don't like the feeling of losing.
I am Countess Alora Ebony Donavan Cervantes.
Hindi ako papayag ng gano'n lang, noon pa man o kahit ngayon. Isa lang ang alam ko, ang mas angat ay mas may kapangyarihan, ang paniniwalaan at igagalang.
I should be happy, right? Since they're losing now.
Tinanggalan siya ng mana, nawalan din ng karapatan sa mga personal na gamit katulad ng kotse, damit at pera na nasa loob ng mansyon. Tanging telepono at wallet na lang ang naiwan sa kaniya na kaniyang dala-dala nang ipadukot at ipa-torture ko siya.
Hindi na raw muling pinatapak sa mansyon ng mga Lavelle si Gavril nang makauwi siya maski ipagamot man lang.
Ang motorbike na kaniyang gamit ay ipinahiram lang pala sa kaniya ng isang guard niya noon na naawa sa kaniya.
Miyerkules pa nangyari iyon at Linggo na ngayon, ilang araw na siyang natutulog lang sa mga waiting shed o kahit saan dito sa Pampanga malapit sa akin.
And I know the reason, because of what happened at the party. Ako ang may dahilan kung bakit nangyari iyon.
Dapat maging masaya ako, ito na nga 'yong gusto ko e, ang magkasira sila mismong pamilya pero hindi ko iyon maramdaman.
I can't feel satisfaction. Is this not enough? What is missing? I am already succeeding in my plans. I got their properties without any problems. Their world is becoming small; they can't even move outside the mansion. They are suffering, in pain. Everything is in my hands now, but I am not happy.
I sighed as I looked at the clock.
This is our supposed wedding day.
Mamayang alas-singko ang usapan namin noong huli namin kita ng Friday.
Nagte-text siya ngunit hindi na ako nag-reply, kaninang umaga nakatanggap ako ng text galing sa kaniya at sinasabing huwag kong kakalimutan kumain, na miss na niya ako.
Kami lang ang magiging tao mamaya, ang magkakasal at alalay nito.
Bumaba ang tingin ko sa gown na nasa aking kama, dumating ito kaninang alas-siyete.
Alas-nuwebe pa lang ng umaga kaya may ilang oras pa ako.
Bigla kong naalala ang tagpo namin ni Gabrel, kambal ni Gavril kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala at sa katunayan ay hindi ako naniwala kaagad.
Paanong nangyari 'yon?
Akala ko nga ay nananaginip lang ako ngunit hindi, may kapatid si Gavril.
Hindi rin kami matagal nakapag-usap dahil nang bumukas ang elevator ay nagmamadali na siyang umalis. Hindi na ako nakapagtanong pa bukod sa pagpapakilala niya.
He said he saw me watching them... Adilyn. He recognized me and knew who I was.
Mas lalo akong naguluhan. Kung gano'n ay siya ang nakita ko noon gabi ng party? Pero kung gano'n nga, bakit nila iyon ginawa? Mag-asawa ba sila? Anak nila 'yong bata na inakala kong anak ni Gavril? Pero ang natatandaan ko ay may gusto si Adilyn kay Gavril kaya nga siya galit na galit sa akin noon.
Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip. Ilang beses ko na ba siyang nakita? May mga pagkakataon ba noon na siya ang kausap at kasama ko at hindi si Gavril? May mga panahon ba na nagpapanggap siyang si Gavril?
BINABASA MO ANG
Conrad Series 1: The Servant
General FictionConrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retired soldier to be her bodyguard. Gavril Valdemar is a strict, cold, possessive, and grumpy man who has a scar on his left face. Even though he...