Kabanata 2:
As the door of my helicopter opened, I placed some of my hair on the right side of my shoulder. Lumilipad-lipad ang ilang hibla no'n kaya sinikop ko sa aking kanan balikat habang hinihintay tuluyan makababa si Gavril.
Kakalapag lang ng sinakyan namin na helicopter sa rooftop ng isang private building sa Pasay. Bibiyahe na lang daw kami by land papuntang public market na tinutukoy ko para hindi agaw atensyon. I haven't tried it there, but I know that place. I saw it once on television.
Ang sabi pa ni Mersita noon ay mura lang daw ang tinda na pagkain roon kaya gusto kong makita.
May mall kami sa mansion pero hindi naman iyon gano'n kalaki katulad ng iniisip ng iba, more on groceries lang ang laman no'n dahil binabawalan ang mga trabahante maglabas-pasok ng hacienda para sa kaligtasan namin.
Anong bibilhin ko roon? Chips? Soda? Eh, diet nga ako!
Sawang-sawa na ako roon at isa pa, gusto kong subukan kung talagang magaling ba 'tong lalaki na ito katulad ng sinasabi ni Papá.
Okay, I will try but . . . I still don't like him.
Baka naman ulyanin na 'to? My gosh, baka ako pa ang maghanap sa kanya mamaya kapag naligaw siya.
Nang ilibot ko ang paningin sa labas ay nakita kong may nakaabang ng staff sa amin. Naunang siyang bumaba habang inaayos ang suot niyang leather jacket. My eyes narrowed when two women in hotel uniforms greeted him, their smiles were broad, especially when he nodded at them.
I scanned them. They have nice bodies. I think they are older than me.
Anong nakakatuwa huh?
"Magandang araw po, Sir," bati sa kanya ng mga babaeng staff, akala ata nila ay kamag-anak ko. Wow.
Girls, that's my guard!
Imbes na sagutin ang pagbati ng dalawang babae ay humarap siya sa akin at naglahad ng kamay para makababa na ako.
Oh, Tito Gabo is a snob ha.
Taas-noo akong bumaba sa helicopter ng hindi tinatanggap ang kamay niyang nakalahad, kumunot ang noo niya roon ngunit sa huli ay binaba na lang niya ang kanyang kamay.
Nakita kong may sinabi siya sa piloto na naghatid sa amin at sa isang lalaki pa, masiyadong malakas ang hangin kaya hindi ko na maintindihan.
Mukhang maghihintay lang sila hanggang makabalik kami.
Iminuwestra niya ang kamay sa may pintuan ng rooftop.
Binati rin ako ng mga staff nang madaanan ko sila ngunit hindi ko sila nilingon at binati pabalik.
Tuluyan akong pumasok sa pinto, kailangan lumiko para sumakay naman sa lift na nandoon. Napagtanto kong mas mataas ang posisyon ng isa sa mga babae dahil sa kanyang uniform.
May tinatanong siya kay Gavril tungkol sa oras kung kailan kami makakabalik at kung dito ba kami mag-stay mamayang gabi, hindi ko narinig ang sagot niya dahil nasa likuran ko sila't nakasunod sa akin pero narinig ko ang halakhak ng mga babae.
Una akong pumasok sa lift, hindi sumunod si Gavril at naiwan sa labas kasama ng dalawang babaeng staff. Naningkit ang aking mata, he likes too much attention huh?
"Valdemar." Sinenyasan ko siyang pumasok na gamit ang aking mata.
Then what? I will wait for him downstairs when I get there? No way. Bakit hindi na lang siya sumabay para hindi sayang sa oras.
Gumalaw ang kanyang panga. Oh, you don't like people calling you by your surname? Bakit nakakabastos? What do you want? Uncle Vardi?
"Yes, your highness?" he answered.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 1: The Servant
General FictionConrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retired soldier to be her bodyguard. Gavril Valdemar is a strict, cold, possessive, and grumpy man who has a scar on his left face. Even though he...