Kabanata 33

110K 4.2K 4.6K
                                    






Kabanata 33:



Nakita ko na noon kung paano siya magalit, matawa, magselos at magtampo pero ngayon na nasa harapan niya ang aming anak. May kakaibang emosyon pala siyang hindi ko pa nakikita. Hindi ko mapangalanan dahil malikot ang kaniyang mga mata animong pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha ni Gael na nasa kaniyang harapan, tinututukan siya nito ng laruang espada sa kaniyang leeg.

He seemed surprised, confused, hurt and furious. All of those feelings were twisted together.

Mas nahabag ako nang makitang hindi niya alam ang gagawin. I can't even move, parang nag-slow-motion ang lahat lalo na't alam ko na ang nasa isip niya.

I was so sure of my actions and decisions, but now I'm not sure anymore. And they're right; one of the worst feelings is doubting the decision you made before. Iyon na e, siguradong-sigurado na ako noon na itatago ko si Gael, na galit ako sa kaniya, na pagdudusahin ko sila, pero bakit parang sa mga maling tao ko binubunton ang ganti na para dapat sa iba?

Unang tingin pa lang, alam ko na, malalaman niyang anak niya si Gael.

I can't hide it, and even more so, I can't deny it. My child is the living evidence that one of our children is alive.

Awang ang kaniyang labi habang nakatingin kay Gael, para bang nanghina siya sa sinabi ng bata dahil tuluyan siyang napaupo sa malamig na sahig ng airport.

Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig at tumutulo na ang aking luha habang nakatingin sa likod ni Gael. He's trying to protect me against his father, and it hurts me. Kung dati ay ang ama niya ang bantay ko, ang pumuprotekta sa akin ay ngayon ay anak namin, walang pinagkaiba sa ama.

Hindi ko inaasahan ang ganito, akala ko ay nasa loob na si Gael.

Of course, he's here!

Alam kong ihahatid kami paalis ng bansa nila Mommy at Daddy kasama ang mga bata, pero nawala sa isip ko na maaari siyang lumabas, akala ko ay nasa loob na sila at nag-aabang sa amin ni Ephraim.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula magpaliwanag pero alam kong hindi ito ang tamang oras, may buhay na nakasalalay sa akin kaya mariin akong pumikit upang ikalma ang aking sarili.

Nang dumulat ako ay halos mangatong ang aking tuhod nang magtama ang aming mata, natakot ako sa galit na nandoon, pero kaagad din 'yon nawala at napalitan ng sakit na ngayon ko lang nakita.

Umawang ang kaniyang bibig animong nahihirapan siyang huminga bago muling ibinalik ang tingin kay Gael.

"Mommy! Don't cry na, I will protect you!" he said firmly.

Hindi ko maialis ang titig ko ay Gavril, mas nag-unahan pa ang aking mga luha. I bit my lower lip as I noticed tears forming in his tired eyes.

Ilang beses ko na siyang narinig umiyak, laging nasa aking balikat ang kaniyang mukha noon kaya hindi ko nakikita pero ngayon ay kitang-kita ko kung paano mag-ulap ang mga luha sa kaniyang pagod na mga mata.

He looked lost; he looked like he had already surrendered.

Akala ko ay masakit na ang ipinaranas ko sa kaniya nitong mga nakaraan araw pero may mas sasakit pa pala. Ngayon ay kita ko kung paano ko siya nasaktan at hindi ako masaya roon.

"Why are you crying? I am not even hurting you. This is just a toy! See! Look!" inosenteng sabi ni Gael saka pinailaw-ilaw ng espada niya animong natataranta pa siya dahil umiiyak si Gavril sa kaniyang harapan.

Mas lumakas ang kumawalang hikbi sa bibig ko. My innocent baby.

"Gael!" boses nila Mommy sa malayo, narinig ko rin tinawag ako ni Ephraim ngunit nasa aking mag-ama na ang aking buong atensyon.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon