Kabanata 17:
Hindi ko maialis ang aking tingin sa lalaking nagpakilala sa akin na magiging asawa ko, kasalukuyan kaming nasa veranda sa ikalawang palapag ng mansyon. Nilingon ko si Mersita na maglapag sa amin ng tasa na may tsaa, mahaba ang kanyang nguso at nang makitang nilingon ko siya ay yumuko siya bago mabilis na tumalikod.
Nahagip ng aking mata si Gabo sa malayo, sa dulo ng hall malapit sa elevator kasama ang mga guard ni Count Maddox, nandoon lang sila at nagbabantay sa amin.
Ang ibang guard ay naka-iwas tingin habang halos hindi naman kumukurap si Gavril habang deretsyo ang tingin sa amin, seryoso ang kanyang mukha, kaya kinabahan ako.
Bigla kong naalala ang ginawa ko kanina na pag-alis ng aking kamay sa kanya kaya nag-iwas ako ng tingin.
Count Maddox, who was sitting in front of me, sipped on his tea. He looked outside our balcony. He scanned our garden and the farm in the distance.
"Ipinadala ako rito ng iyong ama, dapat ay magkakasabay kami patungo rito ngunit hindi natuloy ang kanilang pagdating," tagalog na tagalog na sabi niya sa kabila ng banyagang itsura, mukha siyang may lahing Spanish dahil sa tangos ng ilong at porma ng mata.
"M-Marunong kang magtagalog?"
Count Maddox nodded. "I'm still studying your language and culture, Milady. Hindi ba't dapat lamang matutunan ko ang wika ng aking mapapangasawa?" pormal na boses niya.
I took a deep breath and sat there straight.
Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa kanya. Naisip ko na noon na hindi si Gavril ang ipapakasal sa akin, pero may parte sa akin na umaasa hanggang kahuli-hulihan. Na baka umaarte lang siyang hindi siya at parte lang iyon ng test para sa akin.
Ngayon, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, anong gagawin ko ngayon nandito na ang lalaking magiging asawa ko?
I'm scared. I don't want to make a mistake for our family, for Lavelle.
"I-I don't know what to say," pag-amin ko sa lalaki sa aking harapan.
Seryoso niya akong tinitigan, bahagya niya akong pinasadahan ng tingin. Kahit nahuli ko iyon ay parang hindi naman siya nahiya.
Ako ang biglang nahiya, kahit hindi ko sabihin ay nakakaintimida ang kanyang itsura lalo na't matalim tumitig ang kanyang berdeng mata.
"I saw some of your pictures and you looked different from there," deretsyahan sabi niya, hindi ako nakapagsalita. He is telling the truth. I know I've changed a lot. "Anyway, I don't care as long as you're healthy. I want a wife that can take care of me, our child, and also herself."
Para bang isang business meeting lang para sa kanya ang sinasabi niya at ako ang ka-business partner niya.
"Bakit parang ang dali lang sa'yong sabihin 'yan?" I can't help but ask.
Sabi ko noon ay handa na ako, kung sino at kailan man dumating ay handa ako pero ngayon ay alam kong nagdadalawang-isip ako sa kasal na ito.
Tama nga si Gavril, hindi siya ang mayaman na lalaking ipapakasal sa akin. Na isang mahirap na guwardiya lang siya na nagsisilbi sa amin pamilya katulad ng ibang tauhan.
Biglang bumigat ang paghinga ako dahil umaasa akong siya iyon, na mayaman din siya katulad ko para pwede kaming dalawa, para ayos lang kung maging kami.
"Bakit hindi, Milady? Hindi ba't iyon naman talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito? Ang bumuo ng mga susunod na tagapagmana. Hindi na rin ako bumabata, I'm already twenty seven and I need a heir. I want a baby this month." He sipped on his cup again, I saw his eyes landed on my neck.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 1: The Servant
Ficțiune generalăConrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retired soldier to be her bodyguard. Gavril Valdemar is a strict, cold, possessive, and grumpy man who has a scar on his left face. Even though he...