Kabanata 30

107K 3.5K 5.2K
                                    

Warning: Slight 🔞

Kabanata 30:

Nag-angat ako ng tingin kay Gavril, gumalaw ang kaniyang panga bago ako hilahin palayo roon sa maraming tao. Narinig ko pang tinawag siya ni Adilyn at ng kaniyang ina.

Umakyat kami sa second floor, ang maingay na tugtog ay unti-unti ng humina. I wonder where's Mersita, siya ang isang dahilan bakit ako pumunta rito. Siya naman talaga ang gusto kong makita e, ayoko naman makita iba. Tsk.

Tumigil kami sa paglakad sa pamilyar na veranda na madalas kong tambayan noon.

Kaagad humaplos ang malamig na hangin nang makalabas kami roon.

"Sorry," sabi niya kaagad.

Hindi ko maitago ang busangot sa mukha ko. Nakaharap ako sa malawak na lupain kahit madilim ay bahagyang tanaw pa rin dahil sa buwan at mga ilaw sa mga poste.

Sumandal si Gavril sa railings, nakatalikod sa tanawin sa labas at nakaharap sa dinaanan namin.

"Paano 'yan? Ayaw ng magulang mo, huh?"

"Wala naman silang magagawa, nasa tamang edad na ako."

"Tatanggalan ka ng mana." I reminded him his father's words.

Suminghap ako, nilingon ko siya't naabutan na nakalingon pala sa akin habang nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib animong pinag-aaralan ang emosyon ko.

"Sa edad kong ito, tingin mo ba ay may pakielam pa ako sa mana? I only want us to fix everything. You're my priority, Ebony. Putangina, tagal kong naghintay, ngayon pa ba ako aatras?"

Umihip muli ang hangin, inalis niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking balikat.

"Are you drunk?" tanong ko dahil namumula pa ang mukha niya at kung ano-ano ang pinagsasabi.

Mahina siyang tumawa, kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Inilibot ko iyon sa madilim na lupain nila na dati kong nililibot noon.

"Hindi ako lasing, hindi na ako umiinom ng matatapang na alak, your highness."

I rolled my eyes. "Liar. Uminom ka noong party sa Cagayan."

Sandali siyang hindi nagsalita. "Juice lang 'yon. Hindi na ako umiinom simula nang may nagawa akong malaking kasalanan noong huli. I don't want to do that again."

Kumunot ang noo ko't nilingon siyang muli, halos magulat pa ako nang ibalot niya ako ng kaniyang malalaking braso habang nanatili siya sa aking gilid.

"Gav..." gulat na wika ko sa yakap niya.

"Sorry sa sinabi nila Mommy at Daddy. Alam kong ganito ang mangyayari, paniguradong madami pa rin silang masasabi pagkatapos ng gabing ito. I am prepared to deal with the consequences of this. This news will be publicly released tomorrow, for sure. I have an early morning meeting with my investor, but I can reschedule it. I'd like to speak with your parents in person, Alora Ebony."

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga.

"Gusto kong magpaalam muna na hinihingi ko ang kamay ng kanilang tigapagmana," dagdag niya.

Pinilit kong lumingon sa malayo dahil kapag lumingon ako sa gawi niya ay alam kong sobrang lapit na ng aming mukha.

"W-Wala sila roon. Ako na lang ang kakausap."

"Hm... gusto ko sanang makausap muna sila."

"T-Then what should we do? Stop the wedding this week? Okay lang, sige."

"Hell no!" sigaw niya, suminghap siya't ipinirmi ang baba sa balikat ko kahit na higit na mas matangkad siya. "God, mababaliw na talaga ako, hindi ko na alam gagawin ko sa'yo."

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon