Kabanata 23

101K 4.2K 13.4K
                                    

Ito na nga dahil bina-bash niyo na ako sa epbi, mag-update na ako.


Kabanata 23:



"Senyora! Kaunti na lang po, makakalabas na tayo!" rinig kong masayang sabi ni Anna sa akin habang naglalakad-takbo kami sa masukal na kakahuyan.

Hinang-hina na ako, wala ng pakielam sa pinaghalong putik at pawis sa aking katawan.

Hindi ko siya sinagot, pinunasan ko ang aking luha habang tumatakbo kami. Halos mapahiyaw ako sa gulat nang may narinig akong putok ng baril papunta sa aming gawi.

"Senyora!" Hinawakan ni Anna ang aking ulo animong pinoprotektahan.

Mas bumilis ang takbo namin, nang makalagpas kami sa malalapad na puno ay hinila niya ako papunta sa matataas na damuhan, hindi ko na inisip kung masugatan ako dahil sa matatalim na kahoy at tinik.

Tinakpan ko ang aking bibig habang patuloy na tumutulo ang aking luha. Nakarinig kami ng mga yabag ng kabayo papunta sa aming gawi. Sumilip ako at halos manginig ang aking katawan nang makita ang halos sampong lalaki na nakasakay sa mga kabayo.

My eyes were directed at my favorite white horse. Gavril, holding the horse leather halter while his other hand gripped a gun. He looked so dangerous. There were no emotions through his eyes, but I could see how mad he was.

"Dito! Dito ko sila nakitang tumakbo!" Narinig kong sabi ng isang lalaki.

"Hindi 'yon makakalayo, natamaan ni Boss Gavril ang isa!"

My eyes widened at the thought of what they were saying. I looked at myself to see if I had a gunshot wound, but nothing. I slowly turned to Anna.

Anna covered my mouth using her little hand.

Narinig kong muli ang yabag ng kanilang kabayo palayo sa pinagtataguan namin.

Nang tuluyan silang makalayo ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay sa aking bibig, malakas akong napasinghap habang nakatitig sa dugo sa kaniyang tiyan.

Nabaril siya, binaril siya!

"A-Anna..."

"S-Senyora, ayos lang po ako," sabi niya pero tumutulo na rin ang luha niya na kanina pa pinipigilan.

Kinalkal niya ang bag na dala namin, may kinuha siyang notebook doon, pinunit niya ang isang pahina at gamit ang sariling dugo ay may isinulat siya roon.

"A-Anong ginagawa mo, tara na umalis na tayo, b-baka bumalik sila." Ulap na ang luha sa aking mga mata, halos nanlalabo na ito.

Inabot sa akin ni Anna ang papel na puno ng dugo niya at ang bag bago siya pilit na ngumiti sa akin.

"I-Iyan ang address ng bahay namin, nandyan din k-kung paano ka po makakapunta."

"Anong pinagsasabi mo, tara na Anna, kaya mo bang tumayo?" Sinubukan ko siyang hawakan sa braso pero tinulak niya ako.

"Umalis ka na!"

"Anna..."

"U-Umalis ka na p-please, Senyora. Lilituhin ko sila, p-para makalayo ka, h-hindi rin ako makakatakbo na kaya tumakas ka na!"

Marahas akong umiling dahil hindi ko siya iiwan, ayaw ko siyang iwan. Pilit ko siyang hinahawakan para makaalis na kami, sinapo niya ang tiyan saka muli akong tinulak halos mapasigaw ako nang tumayo siya at umalis sa pinagtataguan namin, sa huling pagkakataon ay nilingon niya ako.

"P-Pasabi na lang kila N-Nanay na, pasensya na, h-hindi ako makakauwi na sa pasko o baka... kahit kailan." Mabilis siyang nagtatakbo, papunta sa kabilang gawi.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon