Kabanata 28

115K 3.5K 3.3K
                                    



Kabanata 28:


They say your most difficult battle is your unhealed emotional trauma. But I think the worst part is how you deal with the person who gave you that feeling and scars.

Katulad ng sabi ng mga Cervantes, pwede ko naman kalimutan na lang o hindi na gumanti.

Mamuhay na lang ng tahimik sa ibang bansa kasama ang mga bata ngunit hindi ako gano'n, hindi ako mapapanatag lang lalo't alam kong may mga bagay pa akong hindi nalalaman.

I want a revenge, I need it.

Hindi natatapos ang lahat sa pagbalik ko sa totoong pamilya.

I sighed as I sat on Gavril's bed in his hotel room. I turned my gaze to the balcony where he was, talking on the phone. Bumitaw lang siya sa yakap kanina nang tumunog ang kaniyang telepono, nakita ko ang galit sa kaniyang mukha nang makita kung sino ang tumatawag bago siya nagpaalam na kakausapin iyon.

Gusto ko sanang marinig ang usapan nila ngunit paniguradong mahahalata niya ako kung lalapit ako.

I want to slap myself for changing my plans so easily.

Kaya ko naman silang pahirapan kahit hindi ako mismo ang kikilos, ngunit sa mga sinabi niya kanina ay mas may naisip akong mas magandang ideya.

Tutal ang matandang manok na ang lumalapit sa palay, papatukain na lang.

It would be better if I could see their suffering in my own eyes. Hindi ba't mas maganda ngang mas makita ko mismo, mas matutuwa ako no'n.

I sat up straight when I saw him finish talking on the phone. He had a serious face when our eyes met. I could see the tiredness there. He loosened his necktie as he stopped in front of me.

Tumingala ako sa kaniya, hindi siya ngumiti gano'n din naman ako.

I wanted to slap him using my stilettos, but I managed to calm myself.

Tutal ay nasimulan ko na, papanindigan ko na rin. Madali lang ito, aarte lang ako na kunwaring ayos na kami, na naniniwala ako sa kaniya.

Umupo si Gavril sa kama, gawi sa aking kanan. Tuluyan niyang natanggal ang kaniyang necktie, binuksan niya ang dalawang butones sa gawing leeg ng longsleeves niyang itim.

"Are you... okay?" malumanay kong tanong.

He cleared his throat.

"The clothes company has a crisis now. My secretary called," he mumbled.

I faked my shock, salubong ang aking kilay kunwaring walang alam sa bagay na iyon.

Of course I know.

Hindi nga ba't iyon ang unang plano ko, ang unti-unting alisin sa mga Lavelle ang mga bagay na mayroon sila, like how they robbed everything from me. 

"Lavelle's Clothing Manufacturers? What happened, Gav?" I said smoothly.

Gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil ako mismo ay hindi ko naiisip na magagawa ko ito.

He wet his lips using the tip of his tongue. He massaged the back of his neck.

 "Nagkaproblema sa factory, nasunog kanina lang ang secondary building, kung saan ang packaging area, may mga nasugatan dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy. Some exports items lost. Inventors are pulling out. Damn." Itinukod niya ang mga siko sa kaniyang tuhod saka niya sinapo ang noo.

Alam kong kilala na noon ang mga negosyo ng Lavelle ngunit nang siya ang humawak ay mas lumago ang mga ito.

Hindi ko inaasahan na sabihin niya iyon sa akin o sadyang ginusto niyang sabihin para tulungan ko sila, huh?

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon