JANE'S STORY : CHAPTER NINE - Is This What They Call as Date???

220 2 0
                                    

Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO!

By IhEaRtZeRoThEhErO

JANE’S STORY : CHAPTER NINE

Is This What They Call as Date???

Di ako makatulog; naisip ko ang tindig ng kanyang mata — nasa isip ko si Matthew mula umaga hanggang magdamag…

He’d saved me from Prince. Respect me with all his pride but not…love me. He does not love me as how I love him. He loves my bestfriend, and I can’t change that fact. It feels like I was slapped.

The mere fact he was not feeling anything for me.

I closed my eyes and suddenly dreamed of him.

I dreamed that he was with me. We walk with our hands locked. He was smiling and talking about things but I can’t understand it until he said, “Kung alam mo lang sana…”

I woke up after that. Sun was about to shone…

I saw his beautiful face outside…but…yes it was him.

Naligo na ko, stop muna nga yang ENGLISH-ENGLISH na yan…

Paglabas ko kausap na niya si mama, ngumiti sa kin si mama, senyales na pumayag na siya.

Lumabas na kami ni Matthew ng bahay at nagpaalam kay mama. Feeling ko, (umiral na naman ang pagkaambisyosa ni Jane) na kaming dalawa…at…at magdedate kame…feelingera talaga ako.

“Kayanin mo kaya ang hiking natin?” ani Matthew.

“HIKING?” kaya ko kaya yon?

“Kakayanin mo yon, kasi…andun ako!” ani Matthew.

“KAPAL! marunong ka pa bang mahiya…” wika ko sabay talisod sa isang bato…

Muntik na akong madapa, pero nasalo na naman ako ni Matthew.

Katulad dati…hawak niya ko sa bewang at magkadikit ang aming katawan…halos magkahalikan na nga kami e…

Umayos ako ng tayo at kapwa kami namula sa nangyari.

Nagpatuloy na kaming maglakad at halos marating na namin ang meeting place…

“…Sana kahit mahirapan ka, magustuhan mo pa rin ang lugar na yon…gusto ko kasing mapangite ka kahit minsan” ani Matthew.

Anu bang pinagsasabi nito? Nagpapractice ba to ng sasabihin kay Lynn…

“Nagpapatawa ka ba? Kahit di ka na magpatawa, matatawa na ko sa mukha mo…” wika ko.

“Bakit mukha ba talaga akong clown?” ani Matthew sabay pagpapanget sa mukha..

“Natatawa na ko kahit di ka magganyan, adik ka talaga!” wika ko.

At narating na namin ang meeting place — sa bahay nila.

Pansin ko lang, wala si Mica, Lynn at Prince… Masosolo ko na pala tong unggoy, hahaha (evil laugh)

***

Grabeng Hill to, kala mo bundok na e…maliit lang pero ang hirap akyatin. Masyadong matarik at madulas…mukha na nga kong tanga dito, halos ginagapang ko na lang ang daan para di mahulog…

Pagka-akyat ko at di maganda ang lugar, tatalon talaga ako sa taas…tok! tok! tok! (tatlong katok, baka matutoo e…mahirap na)

Pawis na pawis na ko at uhaw na uhaw ng matapos ang kalbaryo ko…

Ang ganda ng lugar. Parang nasa ibang mundo lang talaga ako. Parang yung sa mga movie…itataas ko ang kamay ko at sisimutin ang bango ng hangin…at aray! Mamatok ba.

“Ang OA mo, lika punta tayo sa ilog, mas maganda dun…” ani Matthew sabay hila sa akin…

“KJ mo talaga…kutong to, kala mo kung sino ka, bakit dika ba nag-iimagine..ha?!” tanong ko.

Ngiti lang ang ganti niya sa akin at ilang sandali pa ay naabot na namin ang maaaring pinakamagandang lugar na nakita ko.

Ang ganda talaga. Sana nandito kayo…hehe.

Lalo na kung ang kasama niyo ay yung taong mahal niyo, kahit na pangit yung lugar, maaappreciate mo kasi andyan yung mahal mo.

Nakatulala lang kami ni Matthew sa ilog…pinapanuod ang agos… pinakikinggan ang musikang nakatago rito…

“Sorry sa paggamit ko sa yo..” ani Matthew.

“Okay lang yun…”sagot ko.

Tumingin siya sa akin…

“Pero mali ang taktika mo, akala mo ba mas mapapalapit siya sayo kung pagseselosin mo siya? Hinde noh! Mas pipiliin niyang ilet go ka!” wika ko…sabay tayo.

“Ganun ba?” ani Matthew.

“Oo, di na uso ang ipaglalaban ka pa, sa ngayon!” sagot ko.

Tumayo din si Matthew at…

.

.

.

Hinalikan ako sa kamay….

Itutuloy…

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon