JANE'S STORY : CHAPTER ONE
Magkasama kami ng bestfriend kong si Lynn habang naglalakad sa gilid ng basketball court. Pupunta kasi kami sa “Contemporary Writer’s Office”, ang opisina ng mga journalist sa eskwelahan. It was located just a few steps away from the court.
Matagal na akong takot sa bola -- takot na matamaan nito. Di kasi ako athletic, at honestly, nakakahiya mang sabihin ay, wala talaga akong alam na laruing sports. Nakakahiya mang aminin ay lampang-lampa talaga ako. Sa katunayan nga ay pinagtatawanan nga ko ng mga classmates ko kapag P.E. namin, but I don’t mind them. Di ko lang siguro talaga forte ang bodily kinesthetics.
Mabilis ang ginawa kong paglalakad para lang di tamaan ng bola, pero..
...kung sinuswerte ka nga naman, NANALO AKO NG ISANG MILYON! hinde, joke lang:D, tinamaan ako ng bola, sa mukha pa!
Ano nalang mukhang ihaharap ko kay Prince? Si Prince ang tumunaw ng nagyeyelo kong puso, siya ang pumukaw sa natutulog kong damdamin, nagpapatingkad ng kupas kong mga araw -- simply, siya ang crush ko. Gwapo siya, matangkad, maputi, tsinito, payatola at di athletic. Pero paminsan-minsan nakikita ko siyang nagbabasketball.
At nang makita ko, kung sino ang nakatama sa akin, DUGO ANG ILONG KO!
Alam ko na kung sino ang iniisip mo
si Prince?
Pero sorry, hindi siya ang nakatama sa mukha ko, pero nasa likod siya nito, awang-awa sa sinapit ko.
Yung baliw naman na nakatama sa aken, di alam kung anong magiging reaksyon, kung tatawa ba o maaawa sa ‘kin...pero teka ba’t siya biglang yumuko? Magsosorry ba siya?
Huminto ang lahat, pati yata yung mga ibong lumilipad, huminto, yung mga naglalakad na langgam...
napahinto ko rin, astig!! Pati rin yung laway nung isang nanonod nahinto rin sa ere! Pero joke lang:D
Pagkayukong-pagkayuko ni Matthew ay tumawa ito ng pagkalakas-lakas na lahat ng tao sa court, nahawa! Natawa nga rin si Lynn eh..
Gusto kong umiyak pero baka lalong tumawa yung mga ungas na ‘to.
Lumapit sa akin si Prince, at inabutan ako ng panyo.
“Punasan mo, lika, samahan kita sa clinic!” wika ni Prince.
Bawat pantig ay tila musika sa aking pandinig, teka concern ba talaga siya sa akin?
Iniabot ko kay Lynn yung draft na ipapasa ko sa office.. sabi niyang siya na lang ang bahala dun.
Inakay niya ko papunta sa clinic, nandoon yung nurse kaya agad nitong pinigil ang pagdugo ng ilong ko...
Ansakit nga eh, pero lahat ng sakit ay balewala basta kasama ko si Prince...haaay, ang bait talaga niya.
Nang dahil sa pagiging ilusyunada ko, di ko namalayang, nakaalis na pala si Prince.
Tinanong ako ng nurse kung nahihilo ba ko, sa totoo lang, kanina pang umiikot ang paningin ko, kaya pinahiga niya ako, ilang sandali lang ay nakatulog na ako.
Nagising ako sa uyog ng nurse.
Mag-aalasais na pala! Naku, may i-e-encode pa pala ako.
Agad naman akong kumaripas sa office. Bago makarating, nakasalubong ko ang editor-in-chief namin, si ms. Pabz....
Agad ko siyang tinanong kung may tao pa ba sa office at agad naman siyang sumagot ng oo, ang sabi pa nga niya ay may bagong recruit na journalist, nasa office daw. Natuwa naman ako dahil may makakasama na ako.
BINABASA MO ANG
Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)
Teen FictionBook One - Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO! (Completed) Book Two - Kolehiyo (Hiatus)