IheartZeRoThEhErO’s
KOLEHIYO
Chapter Two
“My Cute Little Girl”
'Medyo umiepekto na ang alak kay Giov habang nag-iinuman kami sa bahay ng isa pa naming barkadang si Dolf. Ang set-up si Dolf ang tanggero, ako ang taga-kain ng pulutan at si Giovanne ang taga-inom. Takaw ko noh?'
The man in black shirt smiled as he was saying those in his mind.
“Hoy Matt anong tinatawa-tawa mo dyan?” tanong ni Dolf. He looks like a fool asking this to Matt ‘cause he was not listening to anybody. His mind was flying somewhere.
“Sabog ba ‘yan?” asked Giovanne. He was sitting adjacent to the two. Not also adjacent but also between them.
That word ‘sabog’ caught Matthew’s sensitive ears. His smile had changed to pout.
“Anong ‘sabog’? Baka kayo...O baka nga...” wika ni Matthew. Napatulala siya sa alapaap.
“Anong baka nga? Hoy! ikaw ah, h’wag na h’wag mong pag-iisipan ng masama ‘yung best friend ko,” wika ni Dolf.
“Ang dumi talaga ng isip ng mga ninyo!” ani Matthew sabay tayo at lakad papunta sa C.R..
“Tagay pa nga dyan tanggero!” wika ni Giovanne.
* * *
“Tambak na naman ng assignments,” ani Jane habang naglalakad papunta sa waiting shed kasama si Meriam.
“Asus, magsalita ka parang di mo kaya...” ani Meriam.
Nag-iba ang kulay ng mukha ni Jane. Biglang sumimangot.
“Alam mo Yam, napipikon na ‘ko sa kakaganyan mo,” ani Jane. “Hindi ‘ko kaya, pinipilit ‘ko lang talagang kayanin. Kasi kung di ‘ko aayusin ‘tong pag-aaral ‘ko, mawawalan ng saysay ‘yung pangingibang bansa ng tatay ko.”
“Sorry Jane.”
“Wala ‘yun.”
“Basta...”
“Basta sagutin mo ‘yung phone niyo kapag tumawag ako mamaya ah!”
Ngumiti si Jane. “Oo ba,” wika niya.
“Bait mo talaga...”
“I think I changed my mind.”
“Waaah! Ansama.”
“Di ka na nasanay sa ‘kin.” wika ni Jane. “Oh nandyan na pala sasakyan mo e.” Tinuro niya ang paparating na Multicab.
“So uwi na ‘ko?” tanong ni Meriam.
“LAYAS! H’wag ka ng magpapakita sa amin ha?!” wika ni Jane habang tumatawa.
“Lokaret ka talaga,” wika ni Yam sabay sakay sa Multicab.
“Kanino pa ba ‘ko mahahawa, edi sayo!” wika ni Jane.
* * *
“I’m home!” wika ni Jane pagdating niya sa bahay nila.
Bago pumasok sa gate ay napansin niyang sarado ang mga bintana subalit di naka-lock ang pinto. Nakasarado din ang kurtina kaya’t sobrang dilim sa loob.
'Walang tao?' tanong ni Jane sa sarili.
Kinapa niya ang switch sa kaliwang banda ng pinto.
Tick.
Nagliwanag nga ang paligid pero mas natakot si Jane na pumasok sa loob. Bumungad kasi sa kanya ang malaking salamin na nakaharap sa pinto. Dahil against the light siya (maliwanag pa kasi sa labas), tanging figure niya lamang ang nakikita niya. Parang pinapamukha ng reflection na iyon na siya lamang talaga ang mag-isa sa bahay. It was giving her goosebumps.
BINABASA MO ANG
Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)
Teen FictionBook One - Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO! (Completed) Book Two - Kolehiyo (Hiatus)