Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO!
Isinulat Ni IhEaRtZeRoThEhErO
Chapter Four
"Operation Patayin si Matthew!!!"
Lumapit sa amin si Matthew...
“Sige, take your time guys!” ang sabi ni Mica sabay abot sa cp ko at sibat.
Ano ba namang parusa to?!
Bakit ba kasi ayaw nilang maniwala sa akin na hindi talaga kami ni Matthew?!
Si PRINCE ang gusto ko! hindi si Matthew!
'si Prince na di ka naman naaappreciate?' tanong ng isip ko.
“Hoy, bat di ka pumasok kahapon?” tanong ni Matthew...
“Paki mo naman?” sagot ko.
Tumingin siya sa akin ng diretso..
“Tawag pala tayo ni Maam Valence...” ani Matthew.
Naku, kinabahan ako don ah....
Anu kaya sasabihin non sa amin?
Sana di ito tungkol sa kahapon...kung hinde....
At nagbalik sa alaala ko ang lahat...
Nung magkatitigan kami ni Matthew nung magbrown-out,
nung kuhanan ko siya ng picture,
nung matulog siya sa lap ko at...
at.....
at nung halikan niya ako!
Muling tumibok ang puso ko...
parang mabibinge na nga ako eh..
Naglalakad kami noon, siya ang nauuna at pagkapasok namin sa pinto ay....
“I now pronounce you, Man and Wife”
Ano to, shooting?
Naligaw ba kami ni Matthew?
Napatingin ako sa mukhang ewang mukha ni Matthew....
Haay, mukha lang talaga siyang ewan...
Kaawa-awa...
At may biglang pumasok na ideya sa isip ko...
Pano ko kaya papatayin si Matthew?
Pano?!!!!
Scene 1:
Ihuhulog ko sa ilog Pasig..yung parang pagpatay dun sa Mary Cherry Chua sa wattpad....yung urban legend ba yon? Kaya lang baka multuhin din ako....
Scene 2:
Ipapakain sa mga shark...pwede..kaya lang wala akong barko...
Scene 3:
Itetext ko si Light Yagami ng Death Note, tapos sasabihin ko na patayin niya si Matthew...PWEDENG-PWEDE!!!
Ngingiti-ngiti akong naglakad habang hawak ko ang phone ko...haha..eto na talaga...may cellphone # kaya ako ni Light....haha..patay ka na Matthew...wala ka ng kawala...haha..
Pero...bakit nakatingin sa akin yung mga tao?
Dito lang sakin nagsink-in yung lahat...
"Anong pinagsasabi mo dyan Dave?" tanong ko sa mukhang ewan din na kapatid ni Matthew...
Namula ako sa hiya. Napatingin ako sa kanya, imagination ko ba to o totoo talagang blood-red din ang mukha niya?
Kapatid ni Matthew si Dave..High school na rin yan kaya lang pandak...hehe...
Tinapunan ko ng aking EVIL EYE yung adik na si Dave...
'Pandak!' tawag ko sa isip ko sa bansot na batang madumi ang uniform...
Pero Jane..maghunos dili ka...magtimpi ka na lang...bakla din yan e...
Baka matalo ka pa sa sabunutan...
“May chemistry nga kayo...” ani Maam Valence n akanina pa pala kaming pinagmamasdan sa di kalayuan...
Kung minamalas kanga naman..
Bat ang malas ko ngayong week nato?
Di naman ata Friday The Thirteenth ah...
“Dahil jan, kayo ang magiging magpartner sa practical exam niyo sa dance sa Tuesday”
dire-diretsong wika ni maam.
“po?” tanong kong di makapaniwala.
“Just ask your classmates for the basic steps, you can go now.” wika ni Maam.
Ganun lang yon?
“Panu ba yan, parehas na kaliwa ang paa ko!” wika ko.
“Bat, sino bang nagsabing magaling ako sumayaw?!” tanong ni Matthew.
Lagot na!
Bigla akong nakaramdam ng vibration sa bulsa ko...
Ano kaya to?
Pagtingin ko...may reply...
"Ha?" ang nasabi ko...
Itutuloy....
A/N: Inedit ko sya...pero di bonggang-bongga...slite lang...thanks sa babasa...don't forget to like or comment!
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)
Novela JuvenilBook One - Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO! (Completed) Book Two - Kolehiyo (Hiatus)