JANE'S STORY : CHAPTER TWO

313 5 0
                                    

JANE'S STORY : CHAPTER TWO

A/N: nainspire lang ako sa How did I fall in love with you habang ginagawa ko 'tong chapter na to....gusto nyo play nyo yung vid sa kabila para mas mafeel nyo yung intensity ng story....if ever there is....

Bukas pa naman ang computer. At yun muna ang nagsisilbing ilaw namin ngayon.

The scene was undeniably romantic, dim light, with only the two of us. A love song was playing. And here we are, looking at each other -- eye to eye. I can’t help but to touch his strong arms.

“Natatakot ako!” wika ko.

“Huwag mo nga kong hawakan, baka mahawa ako niyan sa sakit mo eh...” ani Matthew.

“Hoy, wala akong virus noh!” wika ko.

Sh-in-utdown ni Matthew ang computer. Ilaw lang ng cellphone ang gamit namin.

At ngayon, magkatabi kaming nakaupo sa sahig, ako nakakapit sa braso niya, habang siya ay tulala sa kawalan.

“Bat ka ba takot?” panimulang tanong ni Matthew.

“Kasi po, madilim, mamaya may biglang lumabas jan na kung ano” ang sabi ko.

“Think of me as your guardian angel just for now..”

dagdag pa ni Matthew...“from now on, you’ll always be safe when Im around”

Napatingin ako sa kanya, “Maybe you mean Devil?”

“Pwede rin, haha” wika ni Matthew. Pinangatawanan nga ang 'devil'...tawa pa lang eh, qualified na.

“Ano ba yan, nailock na nga tayo, wala pang ilaw” ang sabi ko.

“Baka may gusto silang mangyari?” ang sabi ni Matthew.

Tumingin ako kay Matthew...nagsisimula na naman.

“Tumigil ka nga jan” ang sabi ko.

Yumuko siya at tumawa, tumawa ng pagkalakas-lakas.

Inakbayan niya ako. Tumibok naman ng pagkalakas ang aking puso...

“Di ako papatol sa binabantayan ko, diba diablo dela guardia mo ko?”

Napatingin ako kay Matthew.

“Bakit disappointed ka?” tanong ni Matthew.

“tse!”wika ko.

Binuksan ni Matthew ang bag niya.

May dala palang pagkain ang mokong. Haaay salamat makakakain na ako.

At nagsimula na siyang kumain.

Maghintay ka Jane, bibigyan ka rin niyan...

Hintay pa...

Maghintay ka pa...

 Kumalam ulit ang sikmura ko.

Napatingin sa akin si Matthew.

“Ay, sorry, ubos na!” wika ni Matthew.

Gusto ko ng umiyak, gutom na gutom na kaya ako...tapos di man lang niya ko binigyan. Kumakain siya, pero ako, kumakalam ang sikmura.

Nakakabwisit talaga siya.

May paguardian-guardian devil pa siyang nalalaman. Devil talaga siya...ang sama-sama niya talaga.

“Oh, eto...” sabay bigay sa akin ng manufactured cake at juice.

Di ko to napigilan “burp..”

“Mag-excuse ka naman.” wika ni Matthew.

“sorry, teka ano nga palang sinasabi mo sakin kanina” ang tanong ko.

“Di ko nga inuulit ang nasabi ko na, diba?” dagdag pa ni Matthew, “ano tingin mo sa akin, cd, na pwede ireplay?” tanong ni Matthew.

“Sabi mo, kalimutan ko na si Prince...”

“ok, narinig mo naman pala eh, ngayon anong tanong mo?”

“Bakit?” tanong ko. Napabuntong hininga siya sa tanong ko.

“Minsan, mas mabuti pang itago muna ang isang bagay...”

“lalo na kung di pa kailangan” ang sabi ni Matthew.

“Bakit nga pala alam mo yung tungkol sa amin?” tanong ko.

Ngumiti siya...tinutunaw na naman ako nito.

“connections!” sagot niya.

May pagkachismo din pala itong ungas na to ha?!

Napatingin ako sa kanya. Id never seen a man this beautiful before. If I could only paint him. I would but..

*flash*

“Ano ba? nasilaw ako don ah!” wika niya matapos kong kuhanan ng picture. 

“camera shy ka pala?!” wika ko.

“well, sort of.” sabay pose..“Ano picture na!”

“Ewan ko sa yo..” sagot ko naman sa kanya.

“hoy! di libre yun ah..”

“Anong gusto mong kapalit?”

Nag-isip muna to...sabay hikab.“Patulog na lang jan sa lap mo” wika nito.

TO BE CONTINUE.....

Comment, *Please criticize*, Vote, FAn!

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon