Matthew's Story : Two -Harana

210 5 0
                                    

Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO!

By IhEaRtZeRoThEhErO

Matthew’s Story : Two

Harana

Parehas na kaming may tama ni pareng Giovanne nung mga oras na ‘yon.

“Alam na ni Jane…” wika ni Giovanne.

“Ang alin?” tanong ko.

“Ang lahat.” sagot niya.

“Ang LAHAT?” tanong ko.

Di naman dahil may tama na ko ay di na ko straight magsalita. Di pa naman ganun kalala.

“Kelan pa?” tanong ko…

“Nung Chapter SIX pa…” wika niya…

“Ganon na katagal?” tanong ko.

“Ay HINDE, paulit-ulet?” tanong ni Giovanne.

Tumayo ako at iniwan siya sa harap ng tindahan nila aling Len-len…

“Hoy Matty, sabi mo libre mo?” tanong ni Giovanne.

“Sapak, gusto mo? Anong Matty, pinagsasabi mo dyan, baka gusto mong sapakin kita, si JANE lang pwede tumawag sa akin non.” wika ko. “TSAKA NAGBAYAD NA KO.”

Tapos tumakbo na ko. Bahala na sila sa mga problema nila, sapakin ko pa sila eh, ang mahalaga ay makausap ko yung babaeng yon, yung babaeng mahal ko. Yung babaeng crush ko since kinder. Yung FIRST LOVE ko.

PWE! Angbakla ko!

Wala na akong paki sa kanila. Bahala na sila sa mga buhay nila…dahil si JANE na lang ang mahalaga sa akin ngayon…

Dahil simula ng tumapak siya sa buhay ko, di ko na maimagine na wala siya rito.

Nakarating ako sa bahay nila dala ang aking lumang gitara…tapos agad akong nagsimula i-strum ito…

MY ONE AND ONLY YOU (YOUR SONG)

By Parokya ni Edgar

http://www.youtube.com/watch?v=mZ7PQSo7FBY

It took one look

And forever laid out in front of me

One smile then I died

Only to be revived by you

There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

‘Bout the way life plays out

I take one step away

But I find myself coming back to you

My one and only, one and only you, ooh

Now I know

That I know not a thing at all

Except the fact that I am yours

And that you are mine

Ooh

They told me that this wouldn’t be easy

And no

I’m not one to complain

I take one step away

But I find myself coming back to you

My one and only, one and only you

I take one step away

But I find myself coming back to you

My one and only, one and only you…

Nang matapos ang aking kanta ay sumilip sa bintana si Jane…

Napangiti ako.

Tapos sumunod si Prince…

Wag ka ngang UMEPAL Prince…di ikaw ang hinaharana ko. Wag kang FEELER…

Tapos sinaraduhan ako ng bintana ni Jane.

REJECTED.

Lagi naman e…

Kaya nagsimula na kong lumakad ng may tumawag sa pangalan ko.

“Matthew!”

Napalingon ako.

REMEMBER THIS IS NOT A YAOI FICTION, OKAY?!

“Bakit Prince?” tanong ko.

“Wag kang magselos, hinatid ko lang naman si Jane e, tapos inaya ako ng mama niya na magdinner sa kanila…” wika ni Prince.

DI NGA ITO YAOI!

“Tanga, ba’t sinabi ko bang nagseselos ako?” wika ko.

“Mas TANGA ka!” wika ni Jane.

Nakatayo siya sa likod ni Prince…

Tanga na nga, kasi minahal kita.

Tapos iniwan na kami ni Prince.

“Antanga mo.” wika ko.

“Kasi di mo alam na simula pa lang…” dagdag ko pa, “mahal na kita.” wika ko.

“Tanga ka rin…” dagdag niya pa, “kasi di mo alam na mahal na kita.” wika ni Jane.

Itutuloy…

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon