Chapter Three - "Devil's Hour"

92 2 3
                                    

Pasensya nap o kung medyo natagalan. Akala ko na-post ko na siya dito sa  watty. Sorry po, lola na si author… hahaha

 

IheartZeRoThEhErO’s

KOLEHIYO

 

Chapter Three

“Devil’s Hour”

Madilim na nang makauwi si Jane sa kanilang bahay. Malapit na kasi ang setyembre kaya medyo mahaba na ang gabi sa araw.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa kanilang bakuran ay agadna siyang sinalubong ng masarap na adobong niluluto ng kanyang ina. Paboritoniya ito at itinuturing din niyang isang comfort food. Naalala tuloy niya angkanyang amang nasa Dubai. Parehas kasi nilang paborito ang adobo, lalo na kapagang kanyang mama ang nagluluto nito.

'Kelan kaya uuwi si papa?' tanong ni Jane sa kanyang isip.

Di niya namamalayang dinala pala siya ng kanyang mga paasa kusina kung saan tahimik na nagluluto ang kanyang ina.

“Oh Jane nandyan ka na pala di ka man lang nagsasalita,”wika ng kanyang inang may hawak na sandok at nakatalikod sa nilulutong ulam.

Ginising noon si Jane mula sa malalim na pag-iisip. “Ma?Magandang gabi po,” wika niya na may halong kalungkutan.

“Oh? anong nangyare? Nag-away ba kayo ni Matthew?”sunod-sunod na tanong ng kanyang ina.

“Hindi naman po ma, naalala ko lang po si papa,” wika niJane habang pilit na pinapawi ang sakit.

“Ganun ba?” wika ng kanyang ina na bahagyang dumilim angmukha.

“Kelan po uuwi si papa?” tanong ni Jane.

Matagal-tagal na rin simula ng umuwing Pilipinas angkanyang ama. Kung tama ang kanyang pagkakaalala ay second year high school pasiya nang huli niya itong makita sa personal.

“May problema po ba ma?” tanong muli ni Jane. Di na kasinagsalita pang muli ang kanyang ina.

“Wala naman. Sige hija, magbihis ka na’t malapit na itongmaluto,” sagot ng kanyang ina. Muli nitong hinarap ang nilulutong ulam.

Nagsimula ng lumakad paalis si Jane ng kusina nangmapansin niya ang paghikbi ng kanyang ina. Nilingon niya ito ngunit mukhanamang di ito umiiyak, subalit di pa rin niya ito tiyak sapagkat nakatalikodito sa kanya. Gayunpaman, di na siya nagtanong pa rito. Alam niyang maydinadamdam ito, subalit di niya lamang tiyak kung ano.

* * *

“Kelan ang Finals niyo Matt?” tanong lalaking nakasuot ngsalamin na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape. Puti na ang lahat ngbuhok nito at makulubot na ang balat, subalit batid pa rin sa matikas nitongkatawang kaya pa rin nitong magpatumba ng kalabaw.

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon