JANE'S STORY : CHAPTER SEVEN - Girlfriend?

248 2 0
                                    

Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO!

By IhEaRtZeRoThEhErO

JANE’S STORY : CHAPTER SEVEN

Girlfriend?

Buong gabi, di ako makatulog…

Iniisip ko si Prince, siya kasi ang magiging partner ko bukas…

Tama ba to?

Ewan basta…

Bat di ako masaya?

Bakit may kulang pa ba?

Biglang sumaglit sa isip ko si Matthew…

Si Matthew…

Ba’t nagawa niya sakin yon?! bat niya ko ginamit para saktan ni Lynn? Bat ako pa?!

‘Kasi ikaw lang ang available!’

Available?

Bakit sinamantala ba talaga ni Matthew ang availability ko???

Sa pag-iisip-isip ko ay nabuo ang isang desisyon — lalayo na ako sa kanya

***

Umaga na, di pa rin ako tulog…

‘Adik ka siguro…’

Di ako adik noh! Di lang talaga ako makatulog dahil ginugulo nila ako…

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga…

Naligo.

Kumain.

Pumasok.

Ang PLAIN naman.

Parang nagdodrawing ako sa papel na kulay white din ang tinta ng pen.

PLAIN, COLORLESS, BORING.

Yun ang tingin ko sa araw na to. Tulad ng dati, walang direksyon. Walang patutunguhan. Walang kwenta. Walang halaga.

Lakad ako ng lakad pero di ko alam kung san ba ko papunta…sa daanan ba patungo sa kanya….o sa tulay papunta sa yo?

‘San ba ang gusto mo?’

Alam ko na ang sagot…sasabihin ko na lang sa susunod. Di pa naman kelangan. Tatapusin ko muna ito…bago ako tumuntong sa bagong kabanata ng balu-baluktot kong mundo.

Nakita ko si Lynn. Dahan-dahang gumuhit sa akin ang saket…sakit ng-

‘Bigo…’

Lumapit ako sa kanya…

‘Nagseselos ka sa kanya diba?’

………

………

………

Kasi ginamit ka ni Matthew para mapagselos siya…

Buti pa siya…

Buti pa ang bestfriend ko…

Ngumiti ako sa kanya…

“Ayos ka lang?” tanong ko.

Gumanti din siya ng ngite…

“Mukha ba kong SIRA?” ani Lynn.

Kung alam mo lang…

“Medyo!” wika ko.

“Sama nito…” sagot niya.

Mas masama ka…

“Sinong PARTNER mo?” tanong ko.

Tumingin siya sa kanyang relo…

“Si Arvie, sige, una na ko, ingat lage ah!” sagot niya

Bakit ganon, Di ko magawang magalit sa kanya?

‘Bakit, may KARAPATAN ka ba?’

Wala.

Pumasok na ako sa room. Umupo kagad ako sa upuan at nagbasa ng horror book.

Pero di ako natakot.

Kinilig ako!?

Ako at Ikaw ang bida eh…at least kahit sa kwento, nagkatuluyan tayo :’(

HANGGANG GANUN NALANG…

Lumapit sa akin si Prince…

“Practice tayo!” ani Prince.

Disappointed.

“Okay!” sagot ko.

Pumunta na kami sa likod ng room. Nagsimula ng tumunog ang music…bakit parang di ko maiproject sa isip ko ang music. Parang lahat non-sense. Di ko maappreciate. Pati si Prince.

Hinawakan niya ko sa bewang. Agad akong namula…at bumalik sa aken ang isang alaala…’di ko muna siya hahawakan’ ani Matthew.

“ARAY! Tapakan ba ang paa ko.” ani Prince. May bahid ng galit sa boses niya.

Natatakot ako.

“Jane, wag ka namang parang tuod, pakiramdam ko, nakikipagsayaw ako sa manikin e.

“At isa pa wag kang masyadong maarte, ha!?”

Maarte? Saan?

“Ilang na ilang ka, nung hawakan kita sa bewang mo, bakit wala pa bang nakakahawak sa yo?” ani Prince.

Ano bang nangyayari sa kanya? Di naman siya dating ganyan ah…di naman ganyan ang taong nagustuhan ko, 2 years ago…hindi na siya ang prinsipe ko.

Takot ang nangingibabaw sa aking puso..

’Think of me as your guardian angel just for now, no one can harm you, when Im around’ ani Matthew.

SINUNGALING!

Ngayon, nasan ka? Nasa impyerno nanaman ba?

Kung kelan kailangang-kailangan kita dun ka pa nawala!

Wala ka talagang kwenta…

MATTHEW, NASAN KA NA BA???

‘Tingin mo naman kay Matthew, si Edward Cullen, nakakabasa ng isip?’

Subok lang…

Malay ko ba…

‘Lakas ng tama noh?!’

At biglang may humila sa akin….

si Matthew…

Dumating din ang kumag sa wakas!

Sinapak niya si Prince, napaupo pa nga ito sa lakas…

“NEVER DARE TO TOUCH MY GIRLFRIEND, AGAIN!”

Si Matthew lang pala ang kailangan para muling makulayan ang araw ko…salamat Matthew, salamat Mahal ko.

Anu daw, girlfriend?

Itutuloy…

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon