Chapter Four - "The Invisible Thread"

132 4 8
                                    

IheartZeRoThEhErO’s

KOLEHIYO

Chapter Four

“The Invisible Thread”

-Jane-

Kanina pa kami naglalakad ni Matthew dito sa mall pero di ko pa rin maisip kung anong bibilin ng isang ito. Nakabili na nga ko kanina ng gift para sa mama niya, sana gano’n rin siya.

“Kanina ka pang tingin ng tingin dyan bakit bibilin mo?” tanong ko sa kanya. Naiirita na kasi ako sa kakaikot at kakatingin niya sa mga store dito sa mall. Bawat product, tinitingnan. Pinag-aaralan.

“Kanina ka pang tanong ng tanong dyan, bakit saleslady ka ba dito?” pambabara niya sa akin. Aba...

“Tse!” sabay lakad palayo sa kanya. Kaasar siya! Sana di na lang ako nagpasama sa asungot na ‘yun. Makapunta na nga lang do’n sa stand ng mga Manga.

-Matthew-

Mukha talagang ewan ‘yung isang ‘yon. Teka ano nga ba ang 'mukhang ewan'? ‘Yung mukhang di mo ma-explain? Meron ba no’n o ‘yung girlfriend ko lang ang may mukhang gano’n?

Ang swerte ko naman kung si Jane lang ang may mukhang ewan. Unique ang girlfriend ko, kung gano’n!

Ah nga pala, naalala ko na ‘yung kailangan ko. Buti na lang umalis na si ewan.

Hindi naman talaga ‘yung couple ring na kanina ko pang tinititigan dito sa store na ‘to ang gusto ko, kundi ‘yung isa pang singsing na katabi no’n. Mukha kasing bagay sa kanya, lalo na kung ako ang magsusuot no’n sa daliri niya.

Kaya lang nakakalula ang price! Pamatay naman. Pero pag-iipunan ko pa rin siya, kahit na maubusan pa ko ng allowance.

* * *

“Tingin mo okay lang ‘tong gift kong organizer sa mama mo?” tanong niya sa akin habang pina-park ko ‘yung scooter. Nasa labas na kasi kami ng bahay at as expected konti lang ang tao sa loob pero puno naman ng sasakyan dito sa labas. Andami kasing 'friends' ni mama.

“Okay lang nga ‘yan. Maniwala ka sa akin,” sagot ko naman. Hindi naman din kasi materialistic si mama. Practical kasi siyang tao. Mas gusto niya ‘yung mga bagay na nagagamit niya talaga kaysa sa mga bagay na pamporma lang.

Hinawakan ko ‘yung kamay niya at hinila siya papasok sa loob.

Awkward? Oo. Pero gusto kong hawak ‘yung kamay niya lage. Parang kapag kasi binitawan ko ‘yung kamay niya, maiwawala ko siya.

-Jane-

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayong hawak-hawak ni Matthew ang kamay ko. Sana di niya pansing kinakabahan ako. Kinakabahan hindi dahil sa mga tao kundi dahil mismo sa presence niya.

Kumakain na ‘yung mga tao sa table sa kitchen. Akala kasi namin nando’n ‘yung family ni Matthew, mga kasambahay lang pala nung mga bisita ang nando’n.

“Nasa likod siguro sila,” sabi ni Matthew.

Hinila niya ko papunta sa garden sa likod ng bahay nila at doon nga namin sila nakita - ang mga kapatid at parents niya.

Lumakad kami palapit do’n sa table ng family ni Matthew. Meron pa kasing ibang mga table at nando’n ‘yung mga bisita nila.

Napansin ng mama ni Matthew ang presence ko kaya’t nginitian niya ko sabay sabing andito na daw pala kami.

“Happy birthday po, tita!” wika ko sabay bigay ng gift ko.

Nginitian niya ako.

“Thank you, Jane. Ah kain na kayo,” wika niya sabay tayo at punta sa kusina.

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon