ANE'S STORY : CHAPTER EIGHT - His...

223 2 0
                                    

Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO!

By IhEaRtZeRoThEhErO

JANE’S STORY : CHAPTER EIGHT

His…

Tumingi ng masama si Matthew kay Prince.

Agad naman akong hinila ni Matthew palayo…

Ngumiti siya…

Nababaliw na ba to??

Tumingin siya sa akin…

“Di yun libre ha?!” ani Matthew.

“Bakit sinabi ko bang gawin mo yon ha?!”

Pabayad ba?

Di nalang gayahin si Deimos, Voltes 5, San Gokou, Eugene, Luffy, Shana, Allen Walker, Light Yagami, L, Train/Black cat and etc. Idol niya siguro si Mang Jose..haha, yung sa kanta ng Parokya, superhero na nagpapabayad. Anyway, di naman siya superhero…

“Magbayad ka na!” ani Matthew sabay tulak sa akin sa pader. Inilagay niya sa gilid ng ulo ko ang dalawa niyang braso…

Anlakas-lakas ng tibok ng puso ko…parang sasabog…pero masaya ako?! Ha? bakit naman?

“Be my partner!” ani Matthew.

Sus yun lang pala…kala ko pa naman kung ano na.

“Yun lang ba? oo naman, ikaw ang original partner ko e…” pero parang sasabog na talaga ang puso ko sa kaba.

“Pero di pa yun sapat…” ani Matthew…

“Bakit…anu pa bang gusto mo?”

Ano pa bang gusto nito? Nakakatakot na ah…

“Ang Oa mo!” wika ko.

His eyes was so beautiful,

It was chinky and brown.

His lips was so great,

It was so kissable.

His pearly-white was so nice,

NAKAKABALIW NA, HA?!

“Sama ka sa outing…”wika ni Matthew sabay ngite nito.

‘Tigilan mo na to, baka madala na ko…’

Kumawala ako sa kanya…

“Oo na, angkulit…” wika ko at pumasok na kami sa room ng marinig namin ang music sa room…

“Okay sinong pair ang ready ng magpresent?” tanong ni Mam Valence.

“Kami mam..” ani Matthew.

Excited?!

Di pa nga kami nakakapractice e…

At nagsimula na kaming sumayaw…

Bakit ganon? bakit confident na confident akong sumayaw kahit di naman kami nagpractice? Dahil ba sa partner ko siya?!

Ang gwapo niya talaga sa malapitan..sana di na matapos ang mga sandaling ito.

Feeling ko ako si Cinderella na nakikipagsayaw sa kanyang prinsipe.

Pero tapos na ang music.

Umupo na lang ako sa tabi…pinanuod ang mga classmates ko.

Lumingon ako sa gilid ko at nandon si Matthew, nakangite.

Kelan pa siya napunta dito?

“Lalim ng iniisip ah, ako ba ang nandyan?” ani Matthew.

Ano bang sinabi niya dati, yung parang taong feeling masyado…ah alam ku na!

“FEELER!” wika ko…

Natawa siya…

“Aba, may nakuha ka sa wordings ko, haha, ako nga ang iniisip mo…haha” ani Matthew.

“Angkapal..” wika ko.

“Okay na makapal na ang mukha ko pero dapat sumama ka sa outing ha?” ani Matthew.

“Oo nga!”

Itutuloy…

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon