KOLEHIYO (Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO! SEASON TWO)

212 2 0
                                    

KOLEHIYO (Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO! SEASON TWO)

by IhEaRtZeRoThEhErO

FINALLY, nagkainLABan na si Jane at si Matthew...pero sapat na ba ‘yon para sa ating mga FANS nila? Siyempre hinde, kasi gusto pa nating malaman kung ano nang susunod sa kanila, kung meron batalaga silang patutunguhan...kung ang ‘first love’ really never dies :)

Abangan sa mga susunod na chapter ng KOLEHIYO...

***

Namamasyal sa isang mall sina Jane at Matthew ng mapadaan sila sa isang store na may couple ring...Napansin ni Jane na kanina pang nakatitig si Matthew sa naturang singsing.

“Kanina ka pa tingin ng tingin dyan, bakit bibilin mo?” tanong ni Jane.

“Kanina ka pa tanung ng tanong kung bibilin ko, bakit, sales lady ka ba dito?” tanong naman ni Matthew.

“Tse...” wika ni Jane sabay punta sa isang stand na may mga Manga(Comics)...

Nang makalayo na si Jane ay nagsalita na si Matthew...“Di ko muna bibilin para sayo, wala pa kong pera e.” Wika nito sabay tingin sa price...“Kahit na maubusan ako ng allowance, bibilin ko pa rin ‘to. Mukhang bagay sa kamay ni Jane e, lalo na kung ako ang magsusuot niyan sa kamay niya.”

***

Oh eto pa...

“Dun ka na sa classmate mong model ng shampoo, magsama kayo, mga may kuto!” wika ni Jane sabay lakad palayo kay Matthew.

Subalit pinigil siya ni Matthew at hinawakan sa kamay...“Wala naman akong kuto e. Meron lang akong damdamin para sayo...” dagdag pa ni Matthew, “Wala kong paki don sa model na ‘yun. Sabunutan ko pa siya e. Dito na lang ako sayo kahit di ka pa magshampoo.” Wika ni Matthew, sabay hila kay Jane palapit.

Subalit, sapak ang natanggap ni Matthew mula kay Jane...“Okay na sana yung sabunutan mo siya e, pero yung di mo ko pagshampoohin, ibang usapan na yun!” sagot ni Jane.

***

Abangan niyo din sina Aidan and Meia, ang mga bagong characters na susubukin ang tatag ng atinhg mga bida!

ENJOY the next chapters! :)

Salamat din sa mga sumubaybay sa Season One nito! Sana nakapagbigay ngiti ako sa inyo :)

Bago Matapos Ang Hayskul Layp KO! and KOLEHIYO (Season One And Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon