LETTER
"Sachna Payne, 'di ba?" Nagkatitigan kami ni Luke bago balingan ng tingin ang babaeng nasa harap namin.
"Uh, o-oo bakit?"
"Totoo nga na maganda na ang pangalan tapos maganda pa!" Nahiya naman ako bigla dahil sa sinabi niya, Uh compliment 'yon diba
"Buti nakita kita ngayon! Absent kasi ako nang ilang araw e, may iaabot lang sana ako sayo" Nakakunot parin ang noo ko habang pinagmamasdan siyang may kinukuha sa bag niya.
"Ito na, hmm may nagpapabigay lang sayo nito, ang torpe kasi nung lalaki na yon! Ako ang kinukulit niya para ibigay sayo 'to, by the way, sana'y basahin mo ang nilalaman, Sachna." Nakalahad na ang kamay ko para kunin ang sobreng kulay pink ngunit natigilan ang babaeng nasa harapan kaya't hindi ko agad nakuha.
"May problema ba?" Nakatitig na lang kasi siya sa lalaking katabi ko, starstruck ka gurl?
"S-sandali sino 'tong kasama mo, Sachna? May b-boyfriend ka na ba?" Binalingan ko ng tingin si Luke na nakahawak sa batok niya at hindi mapakali ang tingin ng mga mata. Naiilang siya.
"Huh? Ay hindi ko 'to boyfriend, magkaibigan lang kami. Ano ba ang pangalan mo at ano nga pala 'yang ibibigay mo?" Bumalik ang matamis niyang ngiti na para bang galak na galak siya sa kaniyang narinig.
"Ay sorry! Hindi pa pala ako nagpapakilala, pasensya hehe" Tumayo muna siya nang tuwid bago nagsalita. "I'm Stacy Soriano, Grade 10 student din katulad mo. Sa third floor pa ang room namin, baka lang gusto mong malaman. Ngayon na lang ako nakapasok at late na late na 'ko, buti talaga nakita kita dito-- anyways, kunin mo na 'to at kailangan ko na talagang pumasok sa klase ko hihi. Nice to meet you, Sachna Ganda!" Nilagay niya na lang sa kamay ko ang sobre at nagmamadaling umalis. Sinigaw niya pa ang pangalan ko habang nakatalikod na kumakaway. Sachna ganda, ako lang to.
Hindi na'ko nagkaroon ng tyansang magpaalam dahil nga sa pagmamadali niya. Stacy Soriano, hindi talaga siya pamilyar sakin. Wala namang sinabi si Luke or kahit anong comment man lang. Halata namang hindi siya interesado at sino ba naman kasi siya para magtanong, hindi naman siya nauna at hinintay padin ako.
"Anong gagawin natin dito, Sach?" Tapos na ang klase namin at uwian na pero inaya ko silang tatlo sa playground na malapit sa school namin. Nakisingit lang kami sa mga bata para makaupo dito.
"Pag uusapan natin kung bakit late si Xyleena" Nahinto kami sa paguusap ni Shan at napatayo sa swing nang marinig na sumigaw si Threya.
"Hoy, anong paguusapan, ano munang nangyari kanina sa paguusap niyo ni Luke, Sachna!" Tumatakbong nilapitan kami ni Xy at iniwan ang kasama niya. Narinig niya ang sinabi ko.
"Aray ko!" Nang makalapit ay napaangal siya dahil may humila sa buhok niya, si Threya na nakalapit na din pala.
"Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka, masakit ang pang upo ko ngayon! Gaga ka talaga!" Inawat na namin ni Shan ang dalawa bago pa gumanti itong si Xyleena. Wagwagan oh.
"Itigil niyo na nga yan, ano ba'ng nangyari, Threya?" Nagwagi naman kaming mapaglayo silang dalawa.
"Inaya niya akong maglaro sa seesaw, edi pumayag ako. Nasa mataas akong pwesto tapos bigla na lang siyang umalis!" Masamang tingin ang iginawad niya kay Xy na nakatingin sa akin.
"Si Sachna kasi may ikukwento tungkol sa nangyari kanina sa usapan nila ni Luke! Diba, Sachna?" Itinuturo niya pa'ko, wala ka pa ding lusot, sasabihin mo padin ang rason kung bakit ka late.
"Oo, sasabihin ko iyon kapag sinabi mo na ang rason mo."
"Agree, bakit ba parang hirap ka na sabihin samin 'yang rason ng pagiging late mo, Xy? Sabunutan na lang oh"
"Sus p-pano naman kasi baka ano lang--" Naputol ang sasabihin niya dahil kay Shan.
"Kung ayaw mong sabihin ngayon, then take your time Xy. Hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo kasi sino ba naman kami para sabihan mo ng sikreto, diba?" Tumabi si Threya sa kaniya kaya sumunod rin ako. Nasa harapan namin ngayon si Xyleena.
"Hayst, sino ba naman kasi tayo" Iiling iling pang sabi ni Threya habang may kalungkutan kuno sa itsura niya. Mukhang nakumbinsi naman don Si Xyleena.
"Sasabihin ko na, ampangit niyo talaga gumanap" Napabuntong hininga muna siya bago magsalita muli. Natauhan din.
"Yon Sa wakas!" Sabay sabay naming sinabi bago umupo sa damuhan. No choice sya e.
"Oh, tapos na. Ano nang nangyari kanina sa paguusap ninyo ni Luke, Sachna?" Kakatapos lamang niyang ikuwento sa'min ang nangyari kung bakit siya nahuhuli sa klase. Umay.
"A-ah yung nangyari kanina ano lang-" Nauutal pa'ko dahil kakatapos pa lang ng kwento niya ay bigla siyang mag ooff ng topic.
"Teka nga lang ha, hwag ka muna mag isip ng kung ano ano, Xyleena! Hindi pa natin sure kung siya ba 'yon" Napatango naman kami dahil sa sinabi ni Threya.
"Siya 'yon! Alam kong siya 'yon, kahit sa malayo, alam ko!" Napabuntong hininga na lang kami dahil konti na lamang ay maiiyak na siya.
"Teh kumalma ka, puntahan kaya natin mamaya?" Suggestion ko para naman manahimik siya sa pagmumukmok niya.
"Yup, agree ako. Kung hindi na ibalik sayo, we can buy a new one na lang, Xy?" Natigilang napatingin kami kay Shan. Wow, ikaw na afford bumili teh
"Shan hindi ka na makakahanap ng kagaya ni Omsim! kahit saang pet store kapa pumunta, nagiisa lang siya!" Ayan ang rason ni Xyleena. Tuwing umaga raw kapag papasok na siya ay nakikita niya ang kanyang aso na matagal nang nawala kasama ang bagong may ari, kasama ang aso habang nagjojogging. Wait, Omsim?
"O-omsim?" Pinilit kong ikunot ang noo ko habang nagtatanong.
"Oo, pangalan 'yon ng aso ko. Bakit may mali ba-"
"Mahal mo ba talaga ang aso mo?" Seryoso ang mukha ni Shan habang nagtatanong.
"Hindi ba obvious teh, bobo lang?" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hindi ko na napigilang tumawa.
"Omsim? Anong klaseng pangalan yan, parang jejemon nag isip ah" Naluluha nang sabi ni Threya kaya mas lalo kaming hindi makahinga sa tawa.
"Exactly, kaya nga ganon ang naging name ng aso dahil si Xyleena ang may ari" Napahiga na'ko sa kinauupuan ko dahil sa pinagsasabi nila, the accuracy, jk.
"Ah talaga ba" Napabaling ang tingin ko sa kaniya na masama ang tingin sa aming talo. "Si Sachna naman ang may ikukwento, tumahimik na kayo, pwede ba." Nahinto naman sa pagtawa ang dalawa at napabangon ako mula sa pagkakahiga, oks story time.
YOU ARE READING
Through The Internet, That's How We Met
RandomI just met him through the internet, not knowing he's the one who'll makes me feel that unfamiliar feelings . Credits to the owner who drew the cover haha. Nakuha ko lang kasi sa google.