Chapter 2

28 5 1
                                    

ROLE PLAY WORLD

     Nagkatinginan kaming tatlo nila Shan bago hinatak si Threya papunta sa isang upuan at lugar na wala masyadong tao na pwedeng puntahan kapag mag chichismisan. Mag aala una na kasi ng Tanghali at tirik ang araw kaya't walang nalabas masyadong tao. Pero naglalakad pa rin kami dahil hindi ata kami human.

Pinaupo namin si Threya sa isang upuan at nakatayo kami ngayon sa harap nya.

"Threya pano kayo nagkakilala? Ldr ganon?" tanong ng hindi makapaghintay na si Xyleena.

"nagkita na ba kayo?" Tanong naman ni shan."

"Ldr nga ata tapos magkikita" sagot ni Xyleena na kala mo sya yung tinatanong.

"hindi ka naman sinagot diba" sabat naman nitong si Shan.

"kaya nga may ata diba" sabi ni xyleena na parang naghahamon ng away.

"Sino ba sya Threy?" tanong ko dahil baka wala kaming mapala kung mag aaway ang dalawa.

"bwisit ka Sach sabi ko wag ka muna maingay e" nabigla naman ako sa sagot nya dahil bwisit daw ako, totoo naman.

"luh, sorry agad mahal ko kasi kayo kaya di ko kayang magtago ng sikreto, Lalo na kung sasabihin naman din natin sa kanila hehe. Ayaw mo non isang paliwanag ka na lang." sabi ko dahil parang mangangain sya nang buhay.

Napabuntong hininga naman at magkukwento na sya."Ahm nakilala ko sya sa internet" simula ni Threya.

"Sa fb ba? Pogi?" nakakatangang epal ni Xyleena at inirapan naman sya ni Shan dahil umiiral nanaman ang kanyang katangahan.

"patapusin mo muna mag kwento si Threya anak" pilosopong paalala ni Shan.

"okay po nay" gatong ni Xy.

"Hoy Threya kwento na" singit ko dahil nababagot nako maghintay sa kuwento nya.

"ayon nga nag kakilala kami sa internet, facebook yon pero rpw....."  tapos huminto sya at tumulala tapos kami ay medyo nakayuko at naghihintay sa sasabihin nya pero bigla syang tumawa na parang ewan. Rpw ano ba yon? Pauso ng mga to.

"Hoy Threya ano ba seryoso kami, ano ba yung rpw na yon?" Tanong ni Xyleeena at halatang curios nga din sya dahil nakakunot ang noo nya. Napatango naman ako dahil hindi ko alam yon pero si Shan nakatingin lang sya kay Threya, hindi ko alam kung alam nya ba yon or hinihintay nya lang magsalita uli si Threya, dahil naka tingin lang sya nang diretso ay tinanong ko na sya.

"Shan alam mo ba yung rpw parang seryoso ka dyan ah" pangaasar ko sa kanya kaya naman napatingin si Xyleeena at Threya sa'ming dalawa.

"ah role player world yon diba Threy?" tanong nya at napatango naman si Threya. "isa iyong dummy account tapos yung port mo is pwedeng sikat na actress or anime kahit anong i dp mo basta hindi yung ikaw. Sa facebook yon gagawa ka lang ng ibang account tapos ayon nga ibang pangalan at sa profile hindi ikaw. Pero dapat hindi mo yon gagamitin sa pangbabash or kahit ano. Pwede kang makipagkaibigan or magkaron ng kainrelationshit. Basta pwede kang sumaya don tapos malulungkot din lalo na kapag nagdelete ng account yung kabigan mo e doon lang naman kayo magkakilala. Pwede ka din maglabas ng mga hinanakit mo sa buhay don. Magpost ka ng kung ano ano wala namang may pake sayo as long na hindi yon bastos, I mean, pwede din pero wag nang gawin. tapos pwede kang may masandalan kapag may problema ka. Kahit through chat lang atlis ramdam mo na may mag cocomfort sayo" mahabang litanya ni Shan na nakapagpaintindi sakin.

"wow naman port ano yon, port Santiago?" kunwaring namamangha si Xyleena.

"Fort Santiago yon tanga" sabi ko dahil nawawala nanaman sya sa katinuan nya.

"HAHAHA naalala ko na, rpw pala tawag don kala ko poser. Nag ganyan ako dati tapos nag ka friends din ako tapos ayon nga nag goodbye ako tapos delete account, hindi na kami nag kausap nung mga ka tropa or kaibigan ko don dahil nga sa secret formula na keep your identity as a secret, wala lang nakakalungot pa din isipin dahil kasi nasira na yung cellphone ko" nakangiti ngunit bakas ang kalungkutan sa matang Sabi ni Xy.

Matagal na kaming magkakaibigan at pansin ko na wala ni isa sa 'min ang nagoopen ng topic tungkol sa hinanakit sa buhay. Kapag nagkikita kami ay lagi kaming nagkakasiyahan pero kapag sa malulungkot na pangyayari na magkakasama kaming apat ay wala akong maalala, may mali ba? Bakit kailangan pang madiskubre yung rpw na yon para magkaro'n ng kaibigan na...Masasandalan?Magcocomfort? Anong silbi ng pagkakaibigan na'to kung hindi kami makakatulong sa isa't isa kapag may ganoong sitwasyon ang kung sino man saamin.Natahimik naman ako bigla dahil sa sariling naiisip pero sinawalang bahala ko na lang.

"Hoy bat naman hindi nyo sinabi sakin yon, ako lang walang alam dito mga peyk prends" sabi ko sa kanila dahil mga hampaslupa sila at hindi naman nila ako pinansin dahil wala naman daw akong selpon.

Nagpatuloy na sa kwento si Threya. "Nagkaron ako ng mga kaibigan don tapos may biglang nag chat sakin. Actually kakagawa ko lang nitong account ko last 2 month. Edi ayon nga may nagchat sakin lalaki nag hi sya ganon tapos nagtatagal pa din yung conversation namin hanggang ngayon, nililigawan nya ako through internet" paliwanag nya na animoy kinikilig pa.

"Hoy wag ka nga maniwala dyan. Through chat lang tapos ganyan, parang ewan" pag didisagree ko dahil hindi naman tamang ganong ligawan tapos hindi pa magkakilala. Jusmeyo pano yon.

"Ewan ko sayo Sach hindi mo maiintindihan kung hindi mo susubukan" sabi nya sakin habang nakangiti pa at tumayo dahil umuwi na daw kami.

Nakakunot pa rin yung noo ko dahil bakit sya naniniwala sa ganoon. Pero sinawalang bahala ko na lang at sumunod sa kanila.

"Hi ma nandito nako " bungad ko kay mama na nakaupo sa upuan at nanonood ng showtime or eatbulaga pero nakita ko si Jose Manalo kaya siguro Showtime to, charing dabarakads pala si mama.

"oh anak kumain kana dyan, nagluto ako ng piritong manok dahil sumahod ang tatay mo ngayon" sabi ni mama na nakapagningning ng mata ko at nagpakulo ng tyan ko kaya dali dali akong nagbihis at kumain na.

"Nasan nga pala sila ben and ten ma?" hanap ko sa mga kapatid kong si Jass at Jhon na mukhang Ben10 HAHAHAHA.

"Ah yung nga kapatid mo ba, nandon sa labas kalaro yung anak nanaman ni Rowel" napatango naman ako.  Maya maya lang ay dumating si papa at may hawak na box na white.

Through The Internet, That's How We MetWhere stories live. Discover now