Cellphone
"oh anak, nakauwi kana pala. Sakto may nag alok sakin ng selpon nato"
Sabi ni papa habang pinapakita ang cellphone sakin."hala, sakin yan pa? Totoo ba, no joke?" tanong ko dahil hindi ko alam kung nabibiro lang si papa.
"oo nga, sayo to. Second hand, pero bagong bago pa naman. Inalok sakin to nung anak ng kasamahan ko sa trabaho. Kaya binili ko na para din may mapaglibangan ka bukod sa pag gagala mo." sabi ni papa.
"hala pa, akin na yan ha. Walang bawian." sagot ko tapos iniwan ko muna yung pagkain ko para pumunta muna sa kanya at magpasalamat.
"oo nga, basta pagbutihin mo yung pag aaral mo ha. Wag mong hahayaang malason ng selpon na ito ang utak mo at ito muna ang unahin mo bago ang pagaaral ha. " pangaral sakin ni papa.
"opo" sagot ko at tinanggap ang cellphone. Mukhang bagong bago nga. Ang ganda bhie. Binuksan ko na kasi ito dahil sa excitement ko. Baka first time ko magkaron ng ganto hehe nakikihiram lang ako kasi kay Shan.
"Anak, tapusin mo muna ang pagkain mo bago iyan." sabi ni tatay sakin at kumuha na rin ng plato para kumain. Sabay kami kumain. Omg.
"Kamusta ang eskwela" paunang tanong ni papa habang naglalagay ng kanin sa plato nya.
"yung klase po ba namin?" tanong ko kay papa dahil ayoko namang pilosopoin sya lalo na kung tungkol sa school." "Wala kaming masyadong ginawa kasi nagkaron ng meeting ang mga teacher" sagot ko in a maingat way.
"mabuti kung ganoon" maikling sagot ni papa. Wow hindi madami yung tanong nya ngayon,Madalas kasi tinatanong nya ako kung may problema ba sa school or ako ang problema sa eskwela.
Pano ko ba kasi sasabihin na pinapatawag magulang sa school dahil sa pagiging late. Hmm. Kung kay mama kaya? Late nya naman akong ginigising diba? Pero busy din kasi sya sa mga kapatid ko na walang ginawa kundi maglaro sa labas,huhunes. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Sumusubo ng kanin habang nagiisip.
Tapos na akong kumain at naligo uli dahil napag usapan pala namin nila Shan kanina na mag ikot ikot ulit.
"Sachna"
"sach"
"peynn"Narinig kona ang mga boses nila, Kaya nagmadali nakong bumaba.
"Hi po tita, tito" bati ni Xyleena kila mama na akala mo mabuting bata.
"saan kayo pupuntang apat Mae?"
Tanong ni mama kay Xy. Pfft Mae kasi ang second name ni Xy at ayon din ang tawag sa kanya ni mama."haha si tita talaga patawa. Mag iikot ikot lang po kami nila Sach" sagot ni Xyleena na hindi alam kung ngumingiwi ba o natatae sya, Dahil ayaw nyang tinatawag sa second name nya. Parang ewan, bakit kaya ayaw nila na tinatawag sa second name nila? Eh, magulang nila nag pangalan sa kanila non.
"Sach nasabi mona ba kila tita na pumunta sya sa school para bukas?" tanong sakin ni threya kaya napandilatan ko sya ng mata.
"Ha? Bakit hindi mo sinabi sakin kanina Sachna?" tanong ni mama at nakakamatay ang titig nya.
"ah- hehe" kamot ulo at wala akong masabi sa tanong ni mama. Hayst ano ba kasing problema sa pagiging late atlis nakakapasok naman.
"haynako, bata ka. O sya pupunta ako bukas. Sasabay na lang ako sa pagpasok mo" sagot ni mama na nakapagpahinga sakin ng maluwag.
"okay po." sabi ko at namaalam na sa kanila. Dinala ko ang selpon na binigay sakin ni papa para ipakita ko sa kanila.
"Hoy bakit ka may selpon? Dapat wala"
Sabi ni Xyleenang bida bida haha."binigay sakin ni papa kanina pagkauwi ko. Nakaayos naman na yung mga apps siguro? Hindi ko alam basta second hand daw to e" sagot ko sa kanila habang panay slide, swipe up and down dahil hindi nga ako marunong sa selpon na ito. Mas gusto kong makipag exchange kay Shan, tutal sa kanya naman ako humihiram para maglaro ng mga games. Joke, yari ako.
"ako nga, patingin." volunteer ni Shan kaya pinagbigyan kona sya, sanay naman sya sa mga ganto dahil kumpleto sya sa gamit sa bahay nila, kasama ang gadgets.
"ano okay lang ba? Wala bang sira?"
Tanong ko sa kanya dahil ilang minuto na kaming nagaantay dito."okay naman, maayoss at mukhang bago talaga. Oh" binigay na nya sakin ang cellphone at may mga games katulad ng subway surfers.
"Patingin nga ako Sach, maganda ba camera?" epal ni Threya at biglang hinablot ang cellphone ko, Daig nya pa snatcher.
"wow, Iphone pala. Ang ganda ng cameraaa! Picture tayo." excited na sabi ni Theya kaya naman nag picture kaming apat.hindi naman sya nagsinungaling dahil maganda naman talaga ang camera.
"Woi may Facebook din, gumawa ka ng account mo Sachna" sabi sakin ni Xyleena. At sya mismo ang gumawa, Sa inyo na.
YOU ARE READING
Through The Internet, That's How We Met
RandomI just met him through the internet, not knowing he's the one who'll makes me feel that unfamiliar feelings . Credits to the owner who drew the cover haha. Nakuha ko lang kasi sa google.