Hala may readers akooo,omg hahaha bilang na bilang ko kayoo, thankkk youuuu!❤️🦋
SonSon?
"SACHNA, BUMANGON KANA. SASABAY AKO NGAYON SAYO PAPUNTANG ESKWELA BAGO DUMIRETSO SA PALENGKE. BILISAN MO NA DYAN" boses at katok ni mama sa pintuan ang nagpagising sakin.
Hays, anong oras naba? 5:00 am. Ang aga aga pa e. "Ma, 5 minutes pa" sagot ko kay mama habang nakapikit pa. Bigla na lang may humampas sakin ng unan. Hindi naman gaanong malakas, sakto lang para makaramdam ako.
"Bumangon kana dyan at maligo kana. Kakausapin ko pa ang titser mo. Bumangon ka na dyan." pumasok na si mama sa kwarto ko. Wow for the first time, napagpasiyahan nyang pumasok para gisingin ako, pwede pala 'yon. Lumabas siya ulit dahil mag piprito na daw sya ng hatdog at itlog para sa umagahan. No choice ako kundi ang sumunod na lang. Nakahiga pa rin ako habang nakatingin sa kung saan at may naramdaman akong matigas sa likuran ko kaya napilitan na akong tumayo nang tuluyan. Hala, yung cellphone ko, nahigaan! Dali dali ko namang chinek at nakitang wala namang syang gasgas kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo at maghanda na papasok.
Kasalukuyan kaming nag aabang ng trycicle ngayon ni mama dito sa kanto.
"Wala palang masyadong tao dito ng mga ganitong oras Sachna. Baka mamaya kung sino na lang ang lumapit sayo. Kapag ganoon ay sumigaw kana at tumakbo na lang ha. O mas magangdang ipapahatid na lang kita sa ama mo." sabi ni mama habang naghihintay parin kami ng tryc. Sasagot na sana ako para sabihin na may lumapit sa akin kahapon--
"Aling Judy" may biglaang tumawag kay mama. Yung tambay kahapon. Kinalabit ko naman si mama para sabihin na sana yung nangyari kahapon.
"oh, Sonson" bati din ni mama don sa tambay na Sonson pala ang pangalan.
"San ang punta nyo aling judy?" tanong nung tambay kay mama,pangisi ngisi pa. Parang ewan to, naka shades ke aga aga.
"Ihahatid ko lang tong anak ko sa eskwela" sagot naman ni mama. May sasabihin pa sana yung tambay kaso may umalingawngaw na wang wang, bigla na lang syang tumakbo. Tinitignan ko kung bakit sya tumakbo. Bakit kaya? Sinawalang bahala naman ni mama dahil may nakita na rin syang trycicle at hinila na nya ako papasok.
Kasalukuyan kaming nasa trycicle ni mama papuntang school.
"Ma,alam mo ba kahapon nilapitan ako nung tambay na iyon, wala naman syang ginawa, ang creepy lang ng dating sakin." sabi ko kay mama.
"Anu? Dapat sinabi mo sakin kaagad para nakausap ko dapat kanina yung nanay nya pati sya" sagot ni mama na nakapag kunot ng noo ko.
"Huh? May nanay sya, Ma?" tanong ko kay mama dahil kung mayroon syang magulang bakit ganoong nakikita ko sya sa lansangan.
"Yung tambay na iyon kanina, hindi sya drug addict. Mukha lang sa itsura nya, pero hindi. Nawawala lang sya sa sarili nya at hindi iniisip ang balak na gawin at gagawin. Mabait na bata yan noon. Noon ka ay, nanghihingi ka ng kendi sa kanya. Kaso ayon nga, katagalan naging ganyan sya. Mayroong rason kaya naging ganyan sya." paliwanag sakin na nanay.
"Huh? Ano po ba yung rason bakit sya naging ganyan ma? Tapos nanghingi ako ng candy? Sa kanya? dati? " naningkit matang tanong ko kay mama dahil bakit ako manghihingi ng candy doon sa lalaki eh pwede naman nya akong bilhan na lang.
"Nanghingi ka sa kanya ng kendi, siguro'y nasa limang taon ka noon sa pagkakatanda ko. Naguusap kami ng nanay nya at paglingon ko ay buhat ka na nya at may hawak na kendi" napa tango naman ako kay mama at naghihintay ng idudugtong nya sa kwento. "Ilang taon pa ang nakalipas ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Sonson at ang tatay nya kaya hindi sya nasama sa bakasyon papuntang probinsya nila. Dahil 19 anyos na nga sya noon ay naintindihan naman nya. Gabi na noon at biglang na lang nangalampag si Sonson sa pintuan natin at nagbalita ng masamang balita, may nangyaring trahedyang hindi inaasahan. Lumubog ang barkong sinasakyan ng pamilya ni Sonson. Tanging ina nya lamang ang nakaligtas dahil sa isang salbabidang pang isang tao lang ang kakasya. Si Lolita lang rin ang nakaligtas dahil na rin sa pag gabay ng asawa at isa pang anak nito na kasing edad lang din ni Sonson, Kaya't hanggang ngayon ay labis ang pagdadamdam ni Sonson dahil kahit nagtalo sila nung araw na iyon ay sa tatay nya mas malapit ang puso nya." sabi ni mama kaya naman nagets kona. Nakakaantig ng puso at nakakalungkot ding isipin na inilaan ng mag ama ang kanilang buhay para maligtas ang nagiisang babae sa pamilya, si aling Lolita.
"Pero bakit sya tumakbo nung may police mobile kanina, Ma?" tanong ko dahil kung hindi man sya adik, bakit sya natatakot sa mga pulis?
"Marahil ay na trauma siguro siya sa nangyari sa nakalipas na isang dekada najdhdhsiwkakzh" napakunot ako ng noo dahil hindi ko maintindihan yung sinabi ni mama. Napa Aray naman ako dahil din biglang nagpatakbo nang mabilis ang driver ng tricycle na sinasakyan namin kaya di ko maintindihan ang huling sinabi ni mama dahil sa hangin. Nasa highway pala kami, tanaw kona yung school.
"Nakulong siya nang higit tatlong bwan noon dahil sa pagnanakaw. Marahil ay naimplwensyahan s'ya ng mga naging kaibigan nya kaya nakagawa siya ng krimen. Nang makalabas sya galing sa pagkakakulong ay sobrang galit padin sa kanya ng kanyang ama at hindi padin matanggap ang nagawa nito kaya nga hindi siya nasama sa probinsya at doon nangyari ang hindi inaasahang inisdente" Pagpapatuloy ni mama habang naglalakad na kami papasok sa school. Naguilty naman ako nang medyo, dahil sa masasamang naiisip ko tungkol sa kanya.Naintindihan ko na ang kwento, sana'y magkaro'n sya ng kahit kaonting realization para sa sarili nya.
"Magandang umaga ho, Mrs. Bundeza ako po ang class adviser nila Sachna, maupo po kayo" Bungad sa amin ni Ma'am Turez nang makapasok kami ng guidance office ni mama. Maaga pala kami dahil wala pa sila tita Crizzy at tita Sarrah, speaking of them, maya maya ay dumating na sila kasama sila Xyleena at Shan
at nagsimula na ang meeting.
YOU ARE READING
Through The Internet, That's How We Met
AcakI just met him through the internet, not knowing he's the one who'll makes me feel that unfamiliar feelings . Credits to the owner who drew the cover haha. Nakuha ko lang kasi sa google.