CHAT?
Nakauwi na ako sa bahay at kasalukuyang pinagsasabihan ni mama ang kapatid kong ben10.
"Jhon anak, hindi magandang hinahalikan ang babae lalo na walang pahintulot nila anak. Bakit mo ba hinalikan yung krisha?" tanong ni mama.
"ha? Kasi po ma ang kyut nya po saka po ma ano po, sa pisngi lang po iyon ma." sagot ng kapatid ko at tuluyan na din akong pumunta sa kwarto. Kahit ganito kasi yung bahay namin, hindi medyo malaki pero may taas no. Dalawang kwarto sa taas para sa kapatid ko tapos yung isa sa akin. Sila mama at papa naman ay sa baba lang. Tapos sa baba na ang cr at kusina, yung upuan talaga sa kusina namin ay mababali na talaga yung paa dahil sa kakulitan nila Jhon at Jass kaya nagkaganon. pfft.
"SACHNA KUMAIN KA MUNA DITO" tawag sakin ni mama pagkatapos kong maligo at magbihis. Sumunod naman ako sa kanya dahil nagugutom na din ako.
Tapos na akong kumain at maghugas ng plato kaya umakyat nako sa kwarto. Habang nakahiga ako at nakatulala sa kisame ay naisip kong buksan ang selpon ko, binisita ang facebook ko na ginawa nila Xyleena kanina.
150 notifications, 200 friend requests, 5 messages.
Tinignan ko muna ang notification ko at nakitang si ganto ay nagsent ng friend request kineme, commented on your photo, liked your photo, mentioned you in a comment. Kaya naman tinignan ko ang dp ko.
201 reacts
Tinignan ko yung mga nag react at nakitang yung mga ka schoolmates ko pala mula grade school hanggang high school.friendly kasi ako. Pero may naka agaw ng atensyon ko. Hala, ex Crush kona sya kaya wag nang kiligin. Tinignan ko naman ang messages ko, sa dami ng mga notification syang konti naman ng mga mensahe. Tinignan ko ang mga messages na galing kila Xyleena, Shan, Threya, at may gc din tapos kaming apat yung kasali.
Xyleena : hoy payne kamusta lablayp mo? HAHAHAHA
Sachna: ano? Baliw kaba?
Xyleena : wala pa rin bang message?
Sachna: sino ba? Di ko magets tanga.
Xyleena: ay, senpai nyo mahina HAHAHAHAH
seen'
Sineen ko na lang sya dahil hindi ko sya maintindihan. Binuksan ko naman yung message ni Shan.
Shan: hoy may nagmessage naba sayo?
Sachna: na ano ba?
Shan: luh, kunwari di alam. Wag ako Sach.
Sachna: tanga ka ba, sino ba yon?
Shan: ha?
Sachna: ang weird nyo ni Xy.
Shan: Hatdog
seen'
Sineen ko na lang din sya dahil nagsimula na syang mamilosopo. Binuksan ko naman yung kay threya na siguradong makakasagot ng tanong ko.
Threya: sis, kapag may nag message sayo balitaan moko ha
Sachna: sino ba yung magmemessage ha?
seen'
Oo sineen nya ko. Binuksan ko naman yung pang limang message. Galing pala sa pinsan kong si Frein na taga Helis ayon yung pangalan nung lugar nila na kailangan pang sumakay ng eroplano bago makarating doon.
Frein: Sachnaaa I miss youu so muchhhh <33
Sachna: missyou den
Frein: BUTI NAMAN NAISIPAN MONG MAG FB, BRUHA KA
YOU ARE READING
Through The Internet, That's How We Met
RandomI just met him through the internet, not knowing he's the one who'll makes me feel that unfamiliar feelings . Credits to the owner who drew the cover haha. Nakuha ko lang kasi sa google.