"Hoy Sachna" tawag sakin ni Xyleena dahil bumili muna ako ng RC sa tindahan habang nagkukunikuni sila sa cellphone ko.
Lumapit ako sa kanila "bakit?" tanong ko dahil mukhang nanunukso yung tingin nila sakin.
"si Luke oh" sagot nya na mayroong nanunuksong tingin ang binibigay sa akin.
"Ah, sinong luke ba?" tanong ko sa kanya ng seryoso kahit alam ko naman kung sino yung tinutukoy nila.
"haynako Payne" sabi ni Shan na syang nagpakita sakin nung profile ni luke.
Luke Hinzente confirm- delete request.
"oh, ano gagawin ko dyan?" takhang tanong ko sa kanilang tatlo habang nakakunot ang noo ko.
"sus Sachna, wag kami." sabi ni Threya. Para naman silang timang.
"tss, edi iconfirm mo. Friend naman kami." baliwalang sagot ko sa kanila.
"awts friend daw sila" nangaasar nanaman si Xy, bwisit to.
"kung ako dyan iiyak nako" gatong naman ni Shan.
"Bakit? Na friendzone ba sya?" inosenteng tanong ni Threya akala mo hindi naka witness.
"alam nyo bang mahal ko kayo pero gusto ko kayo sampalin isa isa ngayon din." sabi ko sa kanila dahil hindi sila tumitigil kakaasar sakin.
"Hoy tigil na nga tayo, Iconfirm na lang natin" biglang sabi ni Xyleena at mukhang may binabalak syang hindi maganda.
Naikot na namin ang buong baranggay at alas singko na ng hapon. Pinag aadd nila muna sa facebook KO ang mga kakilala namin bago binalik sa'kin ang selpon KO.
"Sachna, mag picture ka kaya muna, para may iprofile ka naman" biglang suggestion ni Threya at sinangayunan naman ng dalawa.
Kinuha na lang nya sakin bigla ang cellphone. i-on na ang camera para ready to picture na daw. Humanap si Shan ng magandang background at don ako pinapunta sa arawan para daw sunkiss. Si Xyleena naman ang nagturo sakin kung pano pumose at si Threya naman ay may paluhod luhod pa.
"kapag ayan walang kwentang kuha sasampalin ko na talaga kayo" pagababanta ko sa kanila dahil binibilad nila ako sa araw.
"Hoy wag ka ngang madaming salita, mag pose kana" sigaw sakin ni Xyleena. At tinuruan ako na tumingin sa right side ko para kunwari stolen daw. Pero ginawa ko pa din naman.
"Oy, eto lagay mo sa tenga mo para magmukhang babae ka naman." sabi ni Shan at may dala pang maliit na bulaklak na kulay red.
"mukha ba akong hindi babae. Nakakainsulto ha, batukan kita dyan" sabi ko sa sa kanya at inirapan pero halakhak lang nya ang binigay nya sakin at tinanggap ko na ang bulaklak. Nagpicture taking na ulit. Madalas sumasama pa silang tatlo.
Tapos na Kaming mag picture picture at pauwi na kami. Nagpalit na din ako ng profile dahil sabi din nila. Hindi ko pa natitignan dahil sila ang namili non at tinago ko na din ang selpon sa bulsa ko. Kasalukuyan kasi kaming tumatakbo ngayon dahil hinahabol kami ng aso, bwisit si Xyleena tinahulan pabalik. Tumakbo sya, so, no choice kami kundi tumakbo din.
"whoa, kala ko katapusan ko na-- aray naman" sabi nya dahil binatukan namin sya dahil sa kabaliwan nya.
Habang nasa daan kami, may mga bata na naglalaro sa daan at nagtakbuhan papunta sa akin nung makita ako. May lumapit saking bata na sumesenyas na parang may sasabihin sakin kaya medyo yumuko ako para marinig ang ibubulong nya.
"ATE SI JHON AT JASS PO INAWAY SI IVAN KASI DAW PO---" sabi nung bata kaya naman dumiretso ako nang tayo dahil nabingi ako at yung laway nya tumatalsik sa mukha ko.
"Ayusin mo be, anong ginawa nung dalawang kapatid ko?" tanong ko sa kanya ng mahinahon.
"inaway po nila si Ivan, kasi daw po hindi daw po sila nisali, don sa ano, sa laro daw po." paliwanag sakin nung bata in a mahinahon way.
"Oh,bakit ba kasi hindi nyo sinasali?" tanong ko naman habang tinitignan silang naka pabilog sakin.
"Eh kasi po ano, ano po kasi te e, ano po. Ano ba yun? Ikaw nga magsabi Sean." sabi nya kaya naman napatingin ako ng masama sa kaibigan ko.
"Hoy Shan ano ba yon, bat mo pinagbabawalan yung kapatid kong makisali sa kanila?" tanong ko kay Shan at tinignan sya ng masama.
"Bobo ka Sach hindi ako. Ayan o, yung bata" sabi nya sakin habang nakaturo don sa isa pang batang may hawak ng tsinelas nya sa kamay.
"ay sorry naman. Ano ba nangyari? Bakit ayaw nyo sila isali?" baling ko don sa Shan na bata.
"kasi ate ayaw po namin sila kalaro" tipid na sagot nung bata. Aba, bakit ayaw nila kalaro yung kapatid ko. Kung ganon nga, dapat lang palang inaway sila ng kapatid ko. joke.
"Oh, bat ba ayaw nyo sila kalaro?" tanong ko sa kanila dahil bakit ayaw nilang kalaruin ang kapatid ko.
"ate kasi, hinalikan ni Jhon sa pisngi si Krisha po" sagot nung bata. Naiintindihan ko naman dahil kapatid nya yung Krisha. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nung Sean. Amp. Susumbong ko to kay mama.
"JHON, JASS UMUWI NA KAYO"
Sigaw ko sa kapatid ko para naman umuwi na sila at nagtakbuhan naman silang dalawa pauwi."cool naman ng kapatid mo Sach Sabi ni Xyleena sabay halakhak.
"pfft. kung ako yon sa lips agad" - Shan
"Hoy Shan. Anong lips agad? Baka nakakalimutan mong babae ka din? " Pangaasar naman ni Xyleena kay Shan at sinabunutan naman sya nitong isa.
"baka naman crush ni Jhon yon" - Threya
Nag asaran muna kami bago magsiuwi.
YOU ARE READING
Through The Internet, That's How We Met
AcakI just met him through the internet, not knowing he's the one who'll makes me feel that unfamiliar feelings . Credits to the owner who drew the cover haha. Nakuha ko lang kasi sa google.