Chapter 11

17 1 0
                                    

Twice?

Gabi nanaman, tapos na'kong kumain at tapos narin ang mga dapat gawin kapag gabi na. Wala rin naman kaming ginawa sa klase kanina kaya't walang assignment, yes. Nang malaman ni Xyleena na hindi niya 'yon aso ay sobrang panghihinayang at lungkot ang naramdaman niya, Miss na niya talaga ang kaniyang alaga.

Kukuhanin ko lang sana ang cellphone sa bag, ngunit nakapa ko rin ang letter na binigay ni stacy kanina! Ngayon ko ito babasahin.

Binuksan ko ang sobreng kulay pink, at kinuha ang laman na kulay puti sa loob, malamang nandito kung ano ang nakasulat. Binuklat ko na rin ang papel at handa na sanang magbasa nang may kumatok sa pintuan.

"Ate!" Agad kong binuksan ang pinto dahil narinig ko ang boses ng kapatid ko. Si Jhon, ito ang pinaka makulit dito sa bahay e.

"Ano? Bakit ha?" Kabubukas ko pa lang ng pinto, ay pumasok na siya. Ready na manggulo.

"Dito muna ako ate hhehe, in tri, tu wan, magiging si Four arms ako" Tumungtong siya sa kama ko at pinipindot ang the omnitrix, basta relo ni Ben 10 'yon. Nagsimula na siya sa pag iingay kaya hinayaan ko na lang at itinuloy ang pagbabasa ko sa letter. Sinimulan naman niyang tawagin lahat ng aliens sa omnitrix.

"Jetray!"

"Cannon bolt!"

"Heat blast!"

To: Sachna Payne

Magandang gabi, Sachna. Alam ko namang gabi mo na'to mababasa dahil busy ka tuwing may araw pa. Hindi ko masabi sayo nang personal 'tong nararamdaman ko kaya ito ang naisip kong paraan. Pasensya ka na kung corny ang dating nito sayo, hindi ko na rin hahabaan pa.

Hoksi ireon nareul alkkayo
Idaero sarajyeo beorimyeon andwaeyo
Ibeonen jeongmal kokkok naega meonjeo talk talk
Dajim ppuningeol maebeon dajim ppuningeol

(Twice TT 3:11- 3:26)

Isanghage saenggakaedo
Eojjeol su eopseo banhaesseunikka
You're my heart shaker, shaker
Notchigi shireo
You're my heart shaker, shaker
Eotteokae

Babocheoreom an gidaryeo
Naega malhallae banhaebeoryeottago
Niga mame deundago
Haru jongil bogo shipdago
Would you be my love?

(Twice Heart shaker 0:48- 1:12)

from: Roe

Jusko, ano daw? Napatunganga na lang ako sa papel na hawak at binabasa ang mga salitang naroon. Hok-si ire-on nare-ul alkayo istugudug. Wala akong maintindihan at hindi ko pa alam kung tama ba ang pagkabigkas ko, sure din kasi akong ibang lenguahe 'to. Kinuha ko ang selpon at palalabasin ko na rin ang kapatid ko para makapag isip isip.

"Ghostfreak!"

'Stinkfly!"

"Jhon, bumalik kana sa kwarto niyo at matulog. May gagawin pa si ate" Hinarap ko ang kapatid ko na patuloy parin sa pagtawag ng mga alliens.

"Ih ate maya onti pa, tulog na si Jass e" Pagpumilit niya at nahiga pa siya sa kama.

"Jhon wag nang makulit, bukas ka na lang pumunta ulit dito dahil may importante pang gagawin si ate huh" Oo, importante 'to.

"Ay ay alam ko na ate Na!" Nagulat naman ako dahil sa pagbangon niya bigla. "Ate laro tayo bukas tapos tapos ikaw si Grandpa Max ate ha, ikaw si Grandpa Max tapos ako si Ben 10, wag natin sali si Jass ate, tayo lang ah" Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya dahil pagkatapos niyang sabihin yon ay tumakbo na siya palabas ng pintuan. Hindi pa ako umo oo at ano daw? ako si Grandpa Max? Huhhh!

Humiga ako sa kama at naisipan na ichat sila Xyleena sa Gc na wala pang pangalan.

Sachna: Hoy!

1 minute
2 minutes
3 minutes

Pagkatapos ng sampung minutong paghihintay ay nagseen si Threya. Nagseen' siya, seen lang talaga.
Wala si Xyleena dahil nagdaramdam parin siguro sa aso niya, wala rin si Shan dahil kinuha ng Mom niya ang gadgets, pero may computer daw siya at siguro'y paglalaro ng online games niya ginugugol ang gabi. I guess it's just me and my thoughts, char.

Kinuha ko ang letter at gamit ang cellphone ay sinearch ko sa google ang lyrics ng unang sentence, kung sentence ba ang tawag dito.
Hoksi ireon nareul alkkayo
Idaero sarajyeo beorimyeon andwaeyo. Nang isearch ko ay lumabas ang TWICE-TT, bastos! Bakit ganito ang ilalagay niya sa letter, kaya pala hindi niya masabi sa personal dahil hindi naman pala karapat dapat na marinig. Itinago ko na lang uli ang letter dahil hindi na ako ginanahan malaman ang nilalaman non.

Napagdesisyunan kong mag facebook na lang para pampatulog. Habang nag iiscroll sa news feed ay naisip ko ang maaring rason bakit nagseseen lang si Threya madalas sa mga messages, May ka ldr siya na nakilala niya lang sa internet! Speaking of internet, rpw!  Doon niya nakilala ang ka ldr niya ngayon at alam rin nila Shan kung paano ang galaw sa rpw. Wala akong alam kung ano ba 'yon pero gusto kong subukan at malaman, para naman mapamukha ko kay Threya na mali ang ginagawa niyang paniniwala sa ka intenet love lang niya.

Through The Internet, That's How We MetWhere stories live. Discover now