Chapter 10

12 1 0
                                    

Yu

"G na, Sachna! Kwento na, antagal potek kanina pa'ko nag aantay oh!" Atat na akong pakuwentuhin ni Xyleena. Nandito pa din kami sa playground at nakaupo sa bandang damuhan.

Dahil mapilit siya ay ikinwento ko na sa kanila ang nangyari kanina simula sa paguusap namin ni Luke na mabilisan lamang at ang pagbibigay sakin ni Stacy Soriano ng sobre.

"Nasan yung sobre, Sach?! Ilabas mo dali, tignan natin ang nakasulat!" Bigla na lamang hinablot ni Threya ang bag na nasa harap ko at hinalughog 'yon. Nakisali pa ang dalawa sa pagkalkal sa bag ko kaya nataranta ako.

"Bukas!" Napaangat ang tingin nilang tatlo sa'kin at bakas ang pagtatanong sa itsura nila.

"Ako na muna ang babasa at BUKAS ko na sasabihin sa inyo kung ano ba yung nakasulat" Sa akin 'yon ibinigay kaya mas mabuting ako muna ang makaalam ng nakasulat don!

"Hays ano ba yan, Sachna! Oh" Pagmamaktol ni Xyleena at pahagis na binalik sa akin ang bag ko.

"Yup, may point ka do'n. So, let's just talk about that letter tomorrow" Ingles na sabi ni Shan. Bakit ba sila dito nakatira kung kaya naman niyang sa private na lang mag aral.

"Oh siya, tara na. Puntahan natin ang amo ni Xyleena, I mean alagang aso niya" Tumayo si Threya kaya naman napatayo din kami at nagpagpag dahil nga sa damo kami nakaupo.

"Oo nga puntahan natin si ano, oo s-si Omsim" Ano kayang mayroon sa utak niya at bakit ganon ang ipinangalan niya sa aso. Wala namang mali, basta.

"Ano ba! May problema ba sa pangalan ng aso ko ha?" Para siyang naghhamon ng away sa pamamaraan ng pagsasabi niya non.

"Let's go na, para makauwi na tayo at malaman kung aso mo ba talaga 'yon" Dahil sa pag aaya ni Shan ay napagdesisyunan na naming puntahan ang nagmamay ari ng aso kung hindi man 'yon kay Xyleena.

"TAO PO! MAY TAO PO BA" Nandito na kami ngayon sa tapat ng gate ng taong nasundan ni Xy no'ng nakita niya ang aso niya.

"MAY TAO PO BA! HELLO!!" Panay ang sigaw niya habang pilit na sumisilip sa loob ng bahay.

"Hoy!" Sabay sabay kaming napatingin sa sumigaw, si Shan pala at may tinuturo siya.

"There's a doorbell here, walang silbi yang pagsisisisgaw mo dyan"

"Ay meron ba, sana kasi kanina mo pa sinabi diba" Bigla na lamang tumakbo si Xy papunta sa doorbell at pinagpipindot 'yon, abnormal!

"Gaga kalmahan mo lang, baka masira mo pa 'yan" Awat sa kaniya ni Threya kaya't napatango naman ako.

"Nandyan naman si Shan, basic lang na palitan niya yan. 'di ba, Shan?" Huminto siya sa pagpindot at nilingon si Shan.

"Me? Yes, I can replace that" Sagot ni Shan na ngayon ay nakaturo naman sa sarili niya habang tumatango tango. Your mom can replace that*

"Oh hays nandito si Shan kaya wala tayong magiging problema kung masira man 'to" Ngingising sabat ni Xy at aaktong lalapit uli sa doorbell ngunit binatukan ko na siya.

"Aray naman Sachna, mapanakit ka" Angal niya.

"Itigil mo na 'yan tanga baka masira mo talaga 'yan--"

Through The Internet, That's How We MetWhere stories live. Discover now