Chapter 8

20 3 1
                                    

FRIENDS

"So pa'no yan Shan, edi hindi kana makakagamit ng gadget mamaya?" Tanong ni Threya kaya naman napabaling kaming tatlo kay Shan.
Nandito kami ngayon sa canteen dahil recess na at pinaguusapan namin ang nangyari kanina.

"Huh?" Kita ko ang pagtatanong sa itsura niya.

"Tanga ka, 'di ba nga sinabi ni tita na kukunin niya yung loptop saka cellphone mo. Sumagot ka pa nga ng then go take my CP and that LT If it will make you quiet and satisfied, Mom" Si Xyleena na ang sumagot habang ginagaya niya pa ang boses ni Shan, kanina.

"Ah oo nga pala. Well, siguro kukunin niya 'yong dalawa but I also have a computer. Hindi niya 'yon makukuha, isusumbong ko siya kay daddy kung pati ayon ay idadamay niya!" wow, napatango tango na lamang kami dahil sa sinabi niya.

"Ano ba'ng ginagawa mo, bakit ka napupuyat?" Ako naman ngayon ang nagtatanong, feel ko pwede kaming interviewer.

"Syempre, naglalaro ng online games, Sach, duh" malamang, ano pa nga ba ang magiging rason ng pagpupuyat kung kumpleto ka ng gadgets sa bahay, diba. Tetris lang kasi ang alam ko kaso nawala na ata sa fb, pwede ding friv or y8?

"Ikaw Sachna, bakit ka nagpupuyat kahit nung wala kapang cellphone?" Napatingin ako kay Threya nang nagtanong na siya.

"Kapag binibigyan ako nila papa ng pera, iniipon ko tapos ipinapambili ko ng mga libro. Alam nyo naman yon e, binabasa ko 'yon tuwing gabi at hindi ko na napapansin ang oras lalo na kapag maganda na yung takbo ng kwento" Kasama ko pa nga sila bumili ng libro kung minsan e. Napansin ko ang pananahimik ni Xy at ang hindi niya pananatili sa upo niya. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina, bakit nga ba siya late?

"Hoy Xyleena Mae--" tawag ko sa kanya at hindi ko naman inaasahang magugulat siya.

"Ay putang putang" Napatayo pa siya nang tinawag ko ang pangalan niya.

"Putang putang amputa" Nabibiglang napatawa naman ako sa sinabi ni Threya na ngayon ay humahawak sa tiyan niya at tumawa nang pagkalakas lakas, naiiling iling naman si Shan habang tumatawa rin. Ngayon ko lang ata narinig na may nagmura sa'min bukod sa tanga or kung ano pa.

"THE FOUR OF YOU, GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW." Eh? Napalingon kaming apat sa sumigaw, si Miss Minchin, joke. Si Ma'am Leni Corazon, a teacher facilitator.

"Jusko wala naman tayo sa library, daig niya pa librarian" Bulong sa'kin ni Xy pero nginisian kona lang siya habang tinitignan nang makahulugan at sinuklian niya yon nang masamang tingin. Hindi pa kami tapos sa topic kanina.

"Putang putang, anong klaseng salita yan Xyleena" Mukhang hindi parin makamove on si Threya sa nangyari kanina.

"Kingina, pwede pala magmura e" Ngingisi ngsing sabat naman nitong isa kaya napailing na lamang ako.

"Ay, may paguusapan pa tayo mamaya. Akala mo lulusot ka na sa--" Hindi na natuloy ni Shan ang sasabihin niya dahil may nauna na sa kanya.

"Ano pa'ng pinagbubulungan niyo diyan, sumunod kayo sa'kin sa guidance office" Bigla na lamang may nagsalita muli sa likuran namin.

"Mama" Napatigil naman sa pag hagikhik sila Shan at pansin ko ang pagiging magulatin ni Xy. Bigla na lang kasing nasa likod namin si Ma'am Corazon. No'ng tumayo kami ay saka ko lamang napansin ang mga estudyanteng nakatingin sa'min kaya napayuko kami habang sumusunod sa guro.

Nandito kami sa guidance office at ramdam ko ang tingin ng tatlo sa'kin. kahihiyan,kahihiyan. Nandito rin kasi si Luke at ang isa pang lalaki, mukhang nagkaalitan sila dahil namumula ang magkabilang pisngi. Ramdam niya siguro ang pagtitig ko kaya napaiwas ako ng tingin lalo na't naalala ko ang chinat nila Xyleena sa kanya gamit ang fb account ko, sheesh.

"Oh, kayo nanaman? Nagsama pa talaga kayo ng isa ha" Napayuko nanaman tuloy kami nang makita si Ma'am Turez. Feel ko sasakit ang batok ko mamaya.

"Ano ang pinagkakatuwaan ninyo at bakit kailangan pang sumigaw nang pagkalakas lakas, mga Iha? Ganoon ba ang way ngayon para magpaganda sa mata ng mga lalaki, huh?" EH? MAGPAGANDA DAW PARA SA LALAKI? Gusto kong matawa sa sinabi ni Ma'am ngunit pinigilan ko na lang kaya naging ngiti ang kinalabasan non. Nag angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ah- Sorry po Ma'am dahil sa pagiging maingay namin kanina, hindi na po namin uulitin" Tinitigan ko si Ma'am sa mata para makita niyo ang sinseridad ko, Jusko Ma'am paalisin niyo na po kami dito, geez.

"Siguraduhin niyo lang na hindi na mauulit, lalo na kayong tatlo!kakakita ko lamang kaninang umaga sa inyo dito" Napawi ang ngiti ko ngunit nanatili namang nakatingin kay Ma'am Corazon. Kailangan kong maging matatag dahil nandito si Luke, hindi ko na siya gusto pero-- ih nakakahiya padin na makita niyang pinapagalitan ako o kami mismo sa harapan niya!

May mga sinabi pa sila at inabot ng ilang minuto bago kami palabasin, Kasabay namin ang dalawang lalaking naroon sa guidance kanina.

"Sachna" Bakit parang ang ganda ganda ng pangalan ko ngayong araw, chariz. Rinig ko ang mahinang impit ng tatlo kong kasama at nauna naman sa paglalakad ang isang lalaki.

"H-huh?" Naiilang na nilingon ko siya.

"Pwede ba kitang makausap? Saglit lang" Bigla na lamang akong tinulak ni Xyleena palapit sa kanya pero hindi kami nagdikit dahil napahakbang din siya paatras, aray.

"Sachna, hintayin ka na lang namin sa room ah! Babye!" Paalam ni Threya sa'kin at tumakbo na sila patungo sa hagdan, second floor pa kasi ang room namin. Bakit pa kaya kailangan tumakbo.

"Ahm bibilisan ko lang 'to dahil may klase na tayo, gusto ko lang linawin ang sinabi ko kagabi" Napabaling ang atensyon ko kay Luke nang magsalita siya. Seryoso ang mukha niya.

"Na?"

"I'm sorry, Sach. I appreciate the fact that you like me--" Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"WAIT, HINDI KITA GUSTO" Natigilan muna ako dahil sa pagsigaw ko at sabay kaming napatingin sa hallway kung may tao ba, konti lang at ang iba ay nasa dulo kaya hindi narinig ang sinabi ko.

"Ahm, Luke look, Nagustuhan kita pero dati na 'yon hindi mo na kailangan humingi ng tawad dahil ako naman ang nagdesiyon na gustuhin ka" Napangiti naman siya sa naging sagot ko, ganito ang kailangan sabihin para mas mapadali ang usapan.

"Luke look" Inulit niya ang sinabi ko na para bang nakakatawa 'yon kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, anong nakakatawa don? Naiiling na lang ako habang tinitignan siyang nakangiti, baliw.

"I appreciate it, Sachna. Salamat sa pagkagusto sa'kin, If you won't mind kung maging magkaibigan tayo? Hindi na tayo nagkaron ng tyansang magusap simula no'ng--" Bago siya magpatuloy sa pagsasalita ay pinalo ko nang mahina ang balikat niya, hindi niya 'yon inaasahan.

"YES, magkaibigan na tayo, Luke. Wala namang problema e." Hwag mo na ituloy yang sasabhin mo, tol. Ramdam ko na nakahinga siya nang maluwag, Nagpalitan pa kami ng salita at ngiti bago napagdesisyunang bumalik sa klase.

"Sachna" May tumawag sa'kin habang naglalakad kami ni Luke na kasabay ko padin dahil second floor din kasi ang room nila.















Through The Internet, That's How We MetWhere stories live. Discover now