Chapter 7

15 2 2
                                    

📌Sorry sa mga wrong grahams hihi.

TITA

"I told you to sleep early, Shan! Hindi ka nakikinig, Kapag gabi'y kukuhanin ko na 'yang cellphone at loptop mo! Walang masama kung gagamitin mo yang mga yan, but still know your limitation! Puyat ka nang puyat, sinasabi ko lang talaga sayo, nako." 

Nandito kami ngayon sa labas ng gate dahil tapos na ang meeting kanina. Kasama ko parin si mama, sila Xyleena pati ang mga mama nila.

"Grabe si tita Sarrah! nang wawarshock mag aalas syete pa lang ng umaga" Bigla na lang sumulpot sa tabi ko 'tong si Xyleena at bumubulong bulong. Simula kasi nung matapos ang meeting ay nagsimula nang magwarshock- este pagsabihan ni tita si Shan.

"Then go take my CP and that LT If it will make you quiet and satisfied, Mom." Kalmadong sagot ni Shan sa mama nya, amazing. Siya lang talaga ang nakakasagot sagot kay tita at nakakapagpatahimik dito.

Naalala ko noong nandon kami sa bahay nila at gumagawa ng project para sa PE. Doon namin napagplanuhang gumawa sa bahay nila Shan. Kailangang irecord ang sarili habang nagzuzumba, pwede daw by group or individual, kaya syempre by group namin ginawa. Ayokong mag isa lang habang gumagawa ng kahihiyan.
Matapos naming gawin ang project ay inanyayahan kaming magmiryenda na.

"Oh kumain lang kayo nang kumain, hwag mahihiyang kumuha okay" Paalala sa'min ni tita Sarrah kaya naman mas lalo kaming nahiya.

"Hala tita, andami naman po nito baka hindi namin--" Biglang sabi ni Xyleena habang nakatingin sa lamesang punong puno ng pagkain, nagkatinginan naman kami ng katabi ko sa right side, si Threya. Para kasing mayroong selebrasyong ginaganap kahit wala naman.

"Aha Xyleena iha, Don't be shy, Dear. Do you want this donut? It's from states, padala ng daddy ni Shan. Try it, I swear you'll like it, sweetie!" putol ni tita sa sasabihin ni Xy.

"It's too much for us to eat, Mom! We're not going to hanged after this, like we made such a crime" Tinignan ko ang nakakunot noong si Shan na nakatingin sa lamesang puno ng pagkain. Napaisip lang ako na bakit hindi sya tumataba kung ganito kadami maghain ng pagkain ang mama nya.

"I'm not telling you na ubusin ang lahat ng ito, anak. I just want your friends to know what a foods from states taste like, ngayon lamang sila makakakain nang mga ganito, hindi ba, Sachna iha?" Bigla s'yang bumaling sa akin at hindi ko alam ang sasabihin ko kaya't sumang ayon na lamang ako. Totoo din naman.

"Ah, opo, tita! Hindi pa po talaga"  Ayan na lamang ang nasabi ko dahil hindi naman ako nagkaroon ng interes na makakain ng imported na pagkain.

"See, Shan? Hindi pa sila nakakakain ng mga pagkaing tulad nito, kaya baka mapasarap at mapadami ang kain nila dito" Natatawang sabi ni tita at hindi ko nagustuhan ng pagtawa. Nangiinsulto ba siya? Dahil hindi pa kami nakakakain ng ganitong pagkain?

"Ahm Is there something funny po ba doon sa sinabi nyo po tita? gusto ko din po kasing matawa hehe" Nagulat ako sa nagsalita kaya't napalingon ako kay Threya dahil sa sinabi nyang yon, mukhang hindi naman siya affected dahil tumingin pa siya sa akin na parang nagtatanong kung anong mali kaya umiling na lamang ako, ramdam ko naman ang pagkabigla din ni Xyleena dahil katabi ko din sya.

Through The Internet, That's How We MetWhere stories live. Discover now