So ayon papakilala muna uli ako. My name is Sachna Payne Bundeza I'm just 15 years old nagmula ako sa mother ko HAHA charing so taga dito ako sa Lamarao, parang squater area tong lugar namin pero dito ako lumaki at sumaya.
START NA BHIE.
"SACHNA" sigaw nanaman ng nanay ko dahil late nanaman ako nakabangon panigurado.
"PO" sagot ko na boses kakagaling lang sa higaan.
"BILISAN MO AT BUMANGON KANA DYAN. KANINA PA AKO KATOK NANG KATOK DITO, LATE KA NA SA ESKWELA NYO. NAKAHAIN NA RIN ANG PAGKAIN AT IKAW NA LANG HINIHINTAY SEÑORA" bungad ni mama sa umaga ko. High blood nanaman ke aga aga.
"BABABA NA PO AKO" sagot ko naman dahil baka magwarshock pa si ina at narinig ko naman ang lakad nya paalis.
Napatingin ako sa wall clock ko na nabili ko sa palengke kahapon galing sa ipon ko na singkwenta pesos naman pero maganda at mukha namang matibay. Alas sais na pala. Late na ako sa school kaya nagmadali na akong maligo at magbihis dahil kapag binagalan ko pa ay mas lalo akong malalagot kay inay. Nasa'n ba kasi yung medyas ko dito sus. Kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis nako kaso yung isang pares ng medyas ko nawawala, nays, ito ang simula ng goodmorning.
"Ma, nakita nyo po ba yung isang pares ng medyas ko? " tanong ko kay nanay na nasa pintuan at nagwawalis.
"Wala ba don sa lagayan ng mga bimpo? " tanong nya habang patuloy pa rin sa pagwawalis.
"Wala nga po e" sagot ko habang papunta nako sa dining area este lamesa namin na bibigay na yung upuan, charing.
"Teka hahanapin ko, burara ka talagang bata ka." Napatingin ako sa kanya at nag piece sign. Pasiring nyang inalis yung tingin nya pero pumanik sya sa kwarto ko para hanapin yung pares ng medyas ko. Kaya mahal ko tong si mudra e.
"O anak, nasan ang mama mo? ". Napatingin naman ako kay tatay na kakapaligo lang at mukhang papasok na sya sa trabaho nya.
nandon po si mama sa kwarto, hinahanap nya yung nawawalang pares ng medyas ko hehe" sagot ko.
"ikaw talagang bata ka. O, eto na ang baon mo. Ok na ba iyan? " sabi ni itay at nagbigay ng isan'daan.
"salamat paps, okay na okay na po 'to". at nangiti naman ako nang malaki.
"O sya okay na yan ha, aalis nako at kumain na rin naman ako bago maligo. Pasabi sa nanay mo na wag masyadong linis nang linis at baka kuminang na itong buong bahay natin, maaga nagising ang mga kapatid mo, kaya baka naglalaro agad sa kapitbahay" tama naman si papa dahil bawat araw ay panay linis talaga si mama ng bahay.
"baka nandon sila kila mang Rowel kasi narinig ko kanina na inaya sila ni Conan, yung anak ni mang Rowel" Mga batang 'to, alas sais ng umaga, naglalaro na.
"sya sige na pasabi na umalis na'ko paalam nya at naglakad na palabas.
"Ingat ka po tay"
YOU ARE READING
Through The Internet, That's How We Met
RandomI just met him through the internet, not knowing he's the one who'll makes me feel that unfamiliar feelings . Credits to the owner who drew the cover haha. Nakuha ko lang kasi sa google.