Prologue: Epizó, Katsuko

395 9 0
                                    

"Hoy, kayong tatlo. Kailan niyo balak mag-impake?"

Agad na sambit ng binatang si Kai pagbukas niya ng pinto ng kwarto ng kanyang kapatid, nakaayos na sya at handa nang umalis samantalang ang tatlong nakababata nyang kapatid ay nasa kwarto parin at naglalaro ng online games.

Tumingin sa kanya ang kambal na sina Kino at Kiro na halatang gustong mag-reklamo dahil sa biglang pag-istorbo nito, samantalang ang nag-iisang babae at pinakabatang si Kat naman ay nanatili lamang ang tingin sa screen ng telebisyon habang busy ang kanyang mga kamay sa hawak na controller.

"May flight pa tayong hahabulin, kailan kayo tatayo dyan?" Muling tanong ni Kai.

Napabuntong-hininga naman si Kino at sumagot dito, "Nag-impake na kami, kuya."

"O, 'yun naman pala eh. Ano pang ginagawa niyo dyan?"

"May oras pa naman eh, doon ka na nga, panira ka eh!" Kinuha ni Kino ang pinakamalapit na unan at hinagis ito sa kanyang kapatid na agad naman nitong iniwasan.

"Pag si Mama talaga ang pumunta dito, lagot kayo."

"There's still time, kuya!" Nakangiting ani Kiro habang hindi tinatanggal ang paningin sa kanyang nilalaro. "Die, you monsters!"

Maya-maya pa'y dumating na ang kanilang ina kaya wala na silang nagawa kundi itigil ang laro't bumaba na.

..

Hawak ang kanyang cellphone, si Kat ay busy sa paglalaro ng online games habang naglalakad na sa airport, samantalang ang kapatid naman nyang si Kino ay nasa kanyang tabi at nakikinuod sa kanyang ginagawa.

"Ayun oh, patayin mo," Ani Kino habang tinuturo ang screen at nang mapatay nga ng kapatid nya ang target ay medyo pumalakpak pa ito. "Nice one."

"Kat, wag ka na maglaro. Papunta na tayo sa eroplano," Sabi ni Kai dahilan para tumango ang babae at itago ang kanyang cellphone.

Nang makapasok sa loob ng eroplano ay agad na inayos ng magkakapatid ang kanilang mga gamit at naupo ng maginhawa nang matapos.

Apat lamang sila na babalik sa Pilipinas, kailangan pang mag-stay ng kanilang parents sa Japan ng ilan pang buwan dahil sa may importante pa silang inaasikaso.

Dahil sa walang magawa ay naisipan ni Kino na manood na lamang ng palabas doon sa maliit na telebisyon na nasa harapan nya, agad nya itong binuksan at tumingin-tingin ng pwedeng panoorin.

"Napanood mo na ba 'to?" Tanong ni Kino kay Kat, na syang katabi nya at kasama nya para manood. Tinuro nya ang isang dark fantasy movie na nakita nya, base sa picture na nakalagay dito ay mukha itong zombie apocalypse na movie na for sure ay magugustuhan nilang dalawa dahil sa pagkahilig nila sa ganoong tipo ng istorya.

"Hindi pa, that's new," Sagot ni Kat at pinlay ang palabas na nagustuhan naman nila. Kahit nga naman ang kanilang paboritong online game ay may na-i-involve rin na zombie apocalypse kaya talagang nagustuhan nila ito.

Matapos ang napakahabang oras na paghihintay ay sa wakas ay nakarating rin sila sa kanilang destinasyon.

Agad na sinalubong sila ng hangin ng maynila at ang mainit nitong panahon dahilan para mag-reklamo ang kambal.

"I'm sweating," Ani Kiro na tinanggal ang kanyang jacket at kumuha ng pamunas sa kanyang bag.

"Me too," Sambit naman ni Kino habang pinapaypay ang sarili gamit ang kanyang kamay. "Ano pa bang ginagawa natin dito? Tumawag ka na ng sasakyan."

Kasalukuyan silang nasa labas ng airport at ilang minuto na ring nag-hihintay, dahil nga mainit ay mabilis silang pinagpawisan.

"Mom said susunduin daw tayo ni Hannah," Sabi ni Kai habang medyo nakapikit ang mga mata dahil sa silaw ng araw.

"Eh nasan na 'yon?" Tanong ni Kino.

"She's coming, she said."

Si Hannah ay isa sa pinsan nila na medyo mas matanda kay Kai, siya ay 18 na habang si Kai naman ay mag-eighteen palang.

"There she is!" Sambit ni Kiro nang makita ang kotse na huminto malapit sa kanila at lumabas dito ang pinsang hinihintay nila.

"Finally!" Dali-daling pumasok si Kino sa kotse para magpa-aircon samantalang naiwan naman ang iba at inilagay ang kanilang bagahe sa likod ng kotse.

"It's been a while. Kamusta kayo?" Tanong ni Hannah nang mag-simula na siyang mag-drive pauwi.

"We're good. Ganon parin, same old, same old," Ani Kai habang nakatingin sa may bintana.

"Gwapo pa rin kami," Sambit ni Kino dahilan para matawa sila. "O, ba't kayo natatawa? I'm telling the truth. Mas nakakasilaw pa 'ko kesa sa araw."

"Di ka parin talaga nagbago, joker parin kayo eh noh? Di manlang kayo tumino?" Natatawang sabi ni Hannah na saglit tumingin sa rearview mirror para makita ang mga pinsan nyang nakaupo sa likuran.

"Anong joke? Totoo 'yun! Gwapo namin. Swag," Lumapit si Kiro sa salamin at tinignan ang sarili dito habang nag-pose pa kaya mas natawa naman sila. "Anyways, tara laro."

"Sige ba, panira kasi si kuya kanina eh," Isa-isang nilabas ng tatlo ang kanilang mga cellphone para laruin ang kaninang game na kanina pa nila nilalaro.

"O? Ba't naninisi ka naman?" Tanong ni Kai at nilabas rin ang sariling phone.

"Eh totoo naman eh. Mananalo na sana kami kanina eh kaso.." Sabi pa ni Kino at kunyareng naluluha sabay kanta. "Because of you~"

"Tara game na," Aya ni Kiro.

"Teka, sali ako," Sambit muli ni Kai at binuksan ang laro.

"Ano ba yang larong 'yan? Mukhang adik kayo, ah," Ani Hannah habang nakatingin lang sa daang kanilang tinatahak kaya si Kino naman ay nag-explain sa kanya.

Sa kalagitnaan ng paglalaro ay bigla na lamang nag-tanong si Kiro.

"Paano kaya kung nagkaroon ng virus, noh? Tas naging zombies 'yung mga tao. Ano kayang mangyayari?" Tanong nito.

"For sure ikaw unang mamamatay," Biro ni Kino, sunod nito ang tawa nung tatlo habang sinamaan naman sya ng tingin ng kanyang kambal.

"Grabe ka ah, isasama kita. Till death do us part tayo."

"Nako, wag po,"

Habang ang dalawa ay nag-aasaran, bigla na lamang napatingin sa daan ang lahat nang marinig ang malakas na pag-busina ng mga kotse.

Agad na lamang na nanlaki ang kanilang mga mata nang mapagtanto ang isa pang kotse na sasalubong na sa kanila at dahil sa panic ay agad na niliko ni Hannah ang sasakyan ngunit nung akala nila'y ligtas na sila, nakita nila ang isang truck na papalapit na sa kanila at malakas na bumubusina.

Sobrang labo ang paningin ni Kat nang subukan nyang imulat ang kanyang mga mata at sa sobrang hilo ay pakiramdam nya mawawalan na sya ng malay.

Wala syang maramdaman at merong tumataginting na ingay sa kanyang tenga na hindi nya malaman kung ano, unti-unti na lamang nyang naramdaman ang pagbigat ng kanyang mga mata at bago sya tuluyang mawalan ng malay, may narinig syang bumulong sa kanyang tenga na nagbigay ng kilabot sa kanyang sistema.

"Epizó, Katsuko."

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon