Chapter 06: Reunited Again

202 8 0
                                    

Kat's POV

"Diba may dala kang cellphone?"

Itinaas ko ang tingin ko mula sa kamay ko papunta kay Eya na ngayon ay nakatingin rin sa akin pabalik, unti-unti naman akong tumango bilang sagot at hinintay syang magpatuloy.

"Then that's great! Why don't we call for help?"  Nakangiting ani nya at kita sa kanyang mga mata ang pag-asang bagong nabuo ngunit hindi ko sya inimik, nagdadalawang isip kung gagawin ko ba ang sinabi nya o hindi.

"I doubt they'd believe us," Sabi ko matapos ang ilang segundong pag-iisip at umiling-iling pa, agad namang nawala ang ngiti ni Eya at napaiwas rin ng tingin ang iba.

"We can still try.." Unti-unting humina ang kanyang boses at unti-unting napalitan ng simangot ang kanyang ekspresyon. "Let's give it a shot."

Napabuntong-hininga naman ako dito at pumayag na lamang, inilabas ko ang phone mula sa bulsa ko at binuksan ito, nang makita ko ang natitirang battery nito ay napalunok nalang ito dahil sa malapit na itong malowbat pero hindi ko na ito pinansin at dumiretso na para mag-dial ng emergency number.

Itinapat ko ito sa tenga ko at nag-hintay, it took a ring or two before they picked it up pero kahit kausap ko na ito ay hindi ko parin magawang umasang ma-re-rescue na kami.

At tama nga ang hinala ko nang sabihin ko ang kasalukuyan naming sitwasyon, rinig sa boses ng babae na nasa kabila ng linya na hindi sya naniniwala sa aking mga sinasabi kahit na tinanong nya ang lokasyon namin at sinabing wag kaming aalis, para bang gusto nyang tumawa dahil sa iniisip nya na prank call lang 'tong ginagawa ko at di nag-tagal ay nag-end ang call.

"Anything?" Agad ng tanong ni Eya nang ibaba ko ang phone, napakibit-balikat na lang ako at ipinakita ang phone sa kanya.

"She clearly doesn't believe me, parang gusto na nga nyang matawa eh," Ani ko dahilan para halos lahat sila ay mapabuntong-hininga.

"So there's really no hope for us? Are we just gonna die here?" Tanong naman ni Russell habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa pader, bakas ang pagod sa kanyang boses at panay na rin ang pagtulo ng kanyang pawis.

"Let me try!" Ani Eya at hinablot ang phone mula sa akin ngunit wala pang isang minuto ay natapos na ang tawag, dahil sa kanyang buntong-hininga at ekspresyon sa kanyang mukha ay alam na namin na hindi rin gumana ang ginawa nya.

"Try again," Mahinang sabi ni Alora, nag-alinlangan pa si Eya pero sumubok ulet at nag-dial ng number.

This time, the woman was actually concerned and sounded genuine, she told us to stay put and assured us that help will come but before we could tell her about the location, the phone suddenly shut down.

"No!" Halos lahat kami ay napasigaw na lamang at napayuko sa pagkadismayado. That was our chance, someone finally believed us but this time, my phone was the one to let us down.

"Now, what are we gonna do?" Naiiyak nang tanong ni Eya at nagtakip ng mukha, kinuha ko naman ang phone na binaba niya at napatulala na lamang dito habang kung ano-anong ideya ang pumasok sa isip ko.

"I'm pretty sure they can track the caller, right?" Tanong ko ngunit walang sumagot, lahat sila ay nakatulala lamang sa kawalan ha ang nakaupo sa sahig, wala nang pag-asa.

Nababad na lamang kami sa katahimikan nang biglang may malakas na ingay kaming narinig dahilan para matauhan kaming lahat at tignan ang isa't-isa.

Sunod na napunta ang paningin namin sa pintuan kung saan nanggaling ang malakas na kalabog, paulit-ulit ito dahilan para mapatayo kami at dahan-dahang lumapit dito, tila ba may pilit na humahampas sa kabilang hakawan ng pinto para mabuksan ito.

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon