Chapter 08: G8 Trio

164 7 0
                                    

Kat's POV

Lahat kami ay successful na nakarating dito sa storage room ngunit ngayon ay may panibago na naman kaming problemang hinaharap.

"It won't open," Inis na sambit ni Nigel habang pilit na pinipihit ang doorknob ng pintuan na nakasara, tila ba may nakaharang dito dahilan para hindi ito mabukas.

"Kiro! Hoy!" Dahil sa boses ni kuya Kino ay napatingin kami sa likod kung nasaan ang dalawa, medyo nanlaki na lamang ang aming mga mata nang makita si kuya Kiro na umakyat sa windowsill. "Hoy, ano bang ginagawa mo dyan?"

Agad namang lumapit sa kanila si kuya Kai at sumunod na ren ako, "Kiro, get down from there! What are you even doing there?"

"I'm heading to the rooftop," Sabi lang nito at nagsimulang maingat na maglakad habang nakaharap sa pader at nakahawak dito upang hindi sya mahulog.

Napabuntong-hininga na lamang sila dahil alam naman nilang wala na silang magagawa dahil hindi naman masyado nasunod si kuya Kiro sa kanila at dahil na rin sa nakailang hakbang na sya.

Nang babalik na si kuya Kai sa pintuan ay agad naman akong lumabas rin nang bintana at sinundan si kuya Kiro dahilan para masabihan din ako ng dalawa kong kapatid.

"Seriously, Kat?" Kunot-noong tanong ni kuya Kai habang nakasilip sa amin at sa baba naman namin ay ang kumpol ng mga zombies na naghihintay sa isa sa amin na mahulog para kanilang makain.

Sa isang maling hakbang lamang ay paniguradong mahuhulog kami at magiging pagkain ng mga nag-aabang na zombies.

"Pag-talaga kayong dalawa nahulog, di ko kayo sasaluhin," Ani kuya Kino dahilan para mapahinto kami ng kambal nya at tumingin sa kanya.

Kuya Kiro scoffed saying, "Even if we do fall, hindi mo naman talaga kami masasalo dahil hindi mo naman kaya. Tsaka ang layu-layo na naman. Ano? Mag-pa-pa-ka-superman ka?"

"Bahala nga kayo! Kayo ba? Ano kayo spiderman, ha?!"

Napailing-iling nalang kaming dalawa at nagpatuloy, hindi na namin sya nilingon kahit ilang beses nya pa kaming tinawag at halos mapaos na dahil sa pagsigaw, ilang segundo lang ay bigla na ren syang tumahimik dahil yata ay pinaggalitan na sya nina kuya Kai. Dahil nga balak naming pumunta sa rooftop ay kinailangan naming akyatin ang pader na nakayanan naman namin kahit na madulas ang aming kamay at muntikan pang mahulog.

"Here," Inalok ni kuya ang kanyang kamay na syang tinanggap ko naman para maalalayan nya akong makababa sa lupa.

Tahimik kaming naglakad at siniguradong walang tao sa paligid bago magpatuloy, wala rin kaming nadalang gamit o kahit weapon manlang bilang panlaban kung sakaling may zombie dahil nga kinailangan naming umakyat ng pader at baka mabitawan lang namin ito.

"Weren't there two students here? Earlier? Nung nasa gym pa tayo?" Tanong nya dahilan para tumango ako bilang sagot.

"Yeah, meron ngang nanonood sa 'tin kanina.." I trailed off, the two of us looking at each other, both of our minds wondering if they had something to do with the door being locked.

Unti-unti kaming nagtungo papunta sa pintuan para makapasok na sa loob ng building at bumungad sa amin ang isang hagdan pababa.

Dahan-dahan kaming humakbang dito, tahimik at alerto kung sakaling biglang may makasalumuhang zombies.

Hindi nagtagal ay biglang may narinig kaming tahimik na tunog sa di kalayuan, narating namin ang dulo ng isang pasilyo kung saan kapag lumiko kami ay paniguradong makikita namin kung saan nanggagaling ang ingay na kanina pa namin naririnig.

Agad kaming napahakbang pabalik nang may makita kaming tatlong estudyanteng nasa harap ng isang pintuan at para bang hinaharangan ito, base sa ingay na nagmumula rito ay paniguradong 'yun ang room na pinaggalingan namin kanina.

"P-pano kung nakagat pala sila? Anong gagawin naten??" Tanong ng isa sa kanila, halatang takot na takot sya dahil sa ekspresyon ng mukha nya at sa panginginig ng boses nya.

"But Kalel, hindi naten alam 'yun. Baka survivors lang sila tulad naten," Sambit ng pinakamaliit sa kanila at base sa lace ng id nila ay juniors lang din sila tulad ko, grade 8 students to be specific.

"It's better to be safe than sorry," Seryosong sabi naman nung pangatlo at humalukipkip.

Napatingin kaming muli ng kapatid ko sa isa't-isa at tahimik na nag-uusap gamit ang aming mga mata.

"Let's not scare them-" Sabi pa ni kuya pero nang umatras sya ay aksidente nyang natapakan ang ilang kalat sa sahig dahilan para lumikha ito ng ingay at alertuhin 'yung tatlo.

"What was that?!" Rinig namin dalawa dahilan para mapabuntong-hininga nalang ako at pailing-iling na tumingin kay kuya Kiro habang sya ay nagkakamot ng ulo.

"So much for not scaring them," Sarkastikong sambit ko at dahang-dahang sumilip para makita silang nakaharap na sa aming direksyon at dahan-dahan nang naglalakad papalapit. "They're coming."

Nakataas ang dalawang kamay namin na para bang sumusuko nang magpakita kami sa kanila dahilan para medyo mapaatras sila at itutok sa amin ang mga kung ano mang bagay na pwede nilang gamitin bilang panlaban.

Mukhang namukhaan kaming nung dalawa base sa ekspresyon ng kanilang mukha habang 'yung isa naman ay medyo nakatago sa likod nila.

"S-sino kayo?? Kanina pa kayo nandyan??" Nanginginig ang boses na tanong ni Kalel. "Ba't kayo nandito?? Nakagat ba kayo??"

Sa lahat ng naging tanong nya ay 'yung huli lang ang nasagot namin, "No."

At halata namang hindi nila kami pinaniwalaan dahil hindi paren nila ibinababa ang mga hawak nila.

"We're not bitten. Hindi kami zombies. You can check for yourself," Ani kuya Kiro pero hindi paren sila naniwala, matalas ang kanilang mga matang tinignan kami mula ulo hanggang paa habang ang mga kilay nila ay halos magkasalubong na.

Isang nakabibinging katahimikan ang naging kasunod nito, walang nagsasalita at para bang nag-s-staring contest na kami dito dahil walang umiimik ngunit nabasag ito nang makarinig kami ng biglang pag-angil dahilan para magulat si Kalel.

"A-ano na naman 'yon? San 'yun nanggaling?" Tanong pa nito habang palingon-lingon sa paligod pero imbes na sagutin namin sya ay nakatingin lang kami sa kanyang katabi kung saan nakatayo si Gino dahilan para sundan rin nya ang aming tingin.

"S-sorry.." Ani Gino habang hinihimas ang kanyang tiyan at may nahihiyang ngiti sa kanyang mga labi. "Gutom na talaga ko eh."

"I-ikaw 'yon?" Tanong pa ni Kalel at unti-unti namang tumango ang kaibigan nya bilang sagot, napabuntong-hininga nalang sya ng maginhawa dahil hindi pala kung ano ang narinig nya.

"I don't know them.." Mahinang pabulong ni Ares na umiwas ng tingin habang iniiling-iling ang kanyang ulo, agad naman syang tinapik-tapik ni Gino sa kanyang sinabi pero hindi nya na ito tinignan.

Napawi na lamang ang atenyon ko mula sa kanila papunta sa kapatid ko nang makita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha sa gilid ng mata ko, dahil sa kanyang biglaang kinilos ay napatingin din sa kanya 'yung tatlo.

May kinuha sya mula sa kanyang bulsa at inialok ito kay Gino, "Here, eat this."

Agad naman nya itong hinablot at mabilis na kinain, napatingin naman ako kay kuya, silently asking him without actually saying anything.

"I got it from the gym earlier," Mahinang sabi nya dahilan para mapatango-tango ako at tumingin ulit sa tatlo.

The three eventually put their 'weapons' down but not before checking us, tinignan muna nila kung wala nga kaming kagat at nang makasigurado ay pinabukas rin namin 'yung pinto para makalabas na 'yung iba.

Agad naman silang nag-si-labasan at nagpunta sa kung ano-anong parte ng storage building, most of them were resting while the others including me decided to go to the rooftop, already planning for a new plan to finally reach the abandoned dorm building, the current safest place in the school.

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon