Chapter 05: Zombie Virus

220 7 0
                                    

Kat's POV

Tahimik kaming naglakad hanggang sa makalapit kami sa pintuan ng storage room na balak naming pasukin, agad ko itong nilapitan at pinihit ang hawakan ngunit hindi ito bumukas dahilan para medyo manlaki ang mga mata ko, inulit ko ang pagpihit sa hawakan ngunit hindi parin ito bumukas, naka-lock ito.

Napapikit na lamang ako at hindi napigilang mapamura sa isip, nabuntong-hininga na lamang ako sa inis.

"Kat, ano na? Bukas na ba?" Tanong pa ni Eya kaya muli akong napabuntong-hininga at humarap sa kanila.

"Naka-lock," Mahinang sagot ko.

"What?" Everyone was frustrated, a frown of each of our faces as we look at each other, trying to think of a new idea.

"Ako nga," Tumabi ako at lumapit naman si Russell sa pinto at tulad lamang nangyari sa akin ay hindi nya ito nabukas.

"What are we gonna do now? We're surrounded! We've got no where to run!" Bulong pa ni Eya na halata ang panic sa mukha.

There were zombies everywhere, soon enough, makikita rin kami ng mga 'to, wala kaming matatakbuhan.

"Maybe try..slamming our bodies into the door?" Hindi siguradong ani Kavi dahilan para magkatinginan kaming lahat.

"Wait, no, no!" Sambit ni Eya at iniiling-iling ang ulo. "If you do that, you'll catch the zombies' attention! Maslalo tayong mapapahamak!"

"We have no choice, Eya," Sabi naman ni Tris, nakatingin sya sa akin at tinanguan ako, senyas na gawin na namin ang suhestiyon ni Kavi.

"No, no! We're basically commiting suicide here! Please no!" Pilit pa ni Eya pero hindi ko na sya pinansin at pwersahang binangga ang pintuan, dahilan para lumikha ito ng malakas na tunog. "No! Kat! No!"

Nang maagaw ko ang atensyon ng ilang zombies na malapit ay agad silang tumingin sa amin at mag-simulang lumapit dahilan para maslalo ko lamang bilisan ang paghampas ng katawan ko sa pinto ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ito bumubukas.

"It..won't open!" Nalakasan ko na lamang ang boses ko dahil sa galit at pinaulit-ulit ang paghampas dito. "C'mon!"

"Puta, ayan na sila!" Nigel exclaimed dahilan para mapatingin ako sa kanila, hawak nila sa kanilang mga kamay ang mga panglinis at ginagamit ito bilang pagtaboy sa mga zombies. "This shit isn't sharp enough!"

Malakas na hinampas ni Nigel ang walis na kanyang hawak sa sahig dahilan para mabali ang kahoy ditong hawakan at iyon ang ginamit nya bilang pangsaksak sa zombie.

"Continue on the door, Kat. We'll buy as much time," Ani Kavi. "Russell, help her."

"Let me do it," Tulad ng kanina ay sinubukan ulet ni Nigel ang pinto at paulit-ulit na inihampas ang sarili dito ngunit hindi ito bumubukas. "What the frick—just open, you damn door!"

Ilang sandali pa ay hindi nya napigilang mapaluhod dahil sa paulit-ulit nyang paghampas, kahit hindi man nya sabihan ay kita na masakit na ang katawan nya dahil sa malakas na pwersa na ginagawa namin.

Muli ay ako naman ang inihampas ang sarili sa pinto at pilit na pinipihit-pihit ang hawakan, nagbabakasakaling bumukas ito ngunit napahinto na lamang ay nang bumaba ang mga mata ko sa doorknob at bigla na lamang may idea na pumasok sa isip ko.

Lumuhod ako sa tapat nito at chineck ito at nang masiguradong pwedeng gumana ang plano ko ay tumingin ako sa mga kasamahan ko.

Agad na lamang dumapo ang mga mata ko sa hairpin na nasa buhok ni Eya dahilan para medyo mapangiti ako.

"Who here knows how to pick a lock?" Sandali pang napatigil ang iba para tumingin sa 'kin, halata sa kanilang mga mukha ang pagkagulo pero sumagot naman sila.

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon