Chapter 35: Exit

12 6 0
                                    

Ciaran's POV

"Nigel, bilis!" Tarantang sambit ko sa kaibigan ko at halos kaladkarin na sya makalabas lang kame stadium. Paano ba naman kase, ayaw nya pang kumilos at nagmamatigas pa ang ulo. Sabe nya ay ako nlng daw ang tumakbo pero hindi ko sya pinansin at hinila-hila na lamang. "Yung kotse!"

Agad na nag-liwanag ang mga mata ko sa oras na makita ko 'yung isa sa mga sasakyan na kanina naming ginamit para lamang makapunta dito. Kaya't agad akong tumakbo papunta dito habang mariin parin ang hawak kay Nigel para masigurong nakasunod sya sa akin.

"Pasok! Pasok!"

Madilim na 'yung daang tinatahak namin, hindi na gumagana ang karamihan sa mga ilaw sa poste dito at hindi namin alam kung anong oras na. Buti na lamang ay gumagana pa 'tong ilaw sa kotse kaya kahit papano ay hindi kame completely na bulag sa dilim. Sobra akong nakatutok sa dinadaanan namin ngunit napakunot ang noo ko at napatingin sa gilid nang may makitang pamilyar na mukha.

"Is that Kiro?—" Mahinang tanong ko pa sa sarili ko at medyo lumapit pa sa may bintana para sana subukang makumpirma kung sya nga ba talaga 'yon. Ngunit agad na napunta sa iba ang atensyon ko ng marinig ko ang boses ni Nigel.

"Ciaran!—" Nakita ko na lamang na inabot ni Nigel 'yung manibela at inikot ito pagilid. Everything happened so fast but thankfully, bago pa man kame makadiretso sa isa sa mga gusali dito ay agaran kong natapakan ang break na naging dahilan para biglaang huminto ang sasakyan.

Ilang segundo kaming nakahinto lang ni Nigel, pinapakalma ang sarili naming mga pusong mabilis ang pagtakbo. Huminga pa ako ng malalim at nilagay ang kamay sa may dibdin ko at hinayaan ang sariling maproseso ang nangyare ng ilang segundo bago ako lumingong muli sa kalye.

We almost hit someone!

Nakita ko ang pag-takbo ni Kino papunta sa babaeng muntikan na naming mabiktima. Dahil dito, agad akong bumaba at lumapit na rin para masigurong hindi talaga sya natamaan.

"Hannah, are you okay?" Tanong pa ni Kino sa babae na tinanguan naman sya at pilit na ngumiti. Pinaulet-ulet nya pa na okay lang sya dahil sa patuloy na pag-check sa kanya ni Kino kung sa kaling may injuries man sya.

"I'm sorry, I'm really sorry," Kunot ang noong sambit ko na nakakuha ng atensyon nila. Hannah said it was okay but I shook my head, insisting I should have paid more attention.

"Si Kiro!—" Nakita ko nalang na tumakbo palagpas sa amin si Nigel pagkatapos nyang isigaw ang pangalang 'yon. Agad siyang tumulong kay Kiro na muntikan nang malapitan ng isa sa mga zombie na humahabol sa kanya kaya agad rin kaming tumakbo para sumunod.

"Shit! There's too much!" Ani Kino at agad na hinila si Kiro para makalayo sa mga halimaw na walang tigil lamang sa pag-sunod at kahit anong gawin namin ay parami lang ng parami. "Tara na, dumadami lang sila!"

Nang makakuha kame ng tyansa ay agad kaming nag-takbuhan paalis at papunta sa isa sa mga malayo nang gusali para mag-tago muna dito at magpahinga. Nakasunod lang kaming dalawa sa tatlo na nangunguna sa pag-takbo. Bubuksan na sana ni Kiro 'yung pinto nang biglang maunahan sya dahil bigla itong natulak pabukas.

"AHH!—" Sabay pang mga sigaw namin dahil sa gulat na biglang pagbukas nito ngunit agad na napakalma nang makita ang pamilyar na mukha sa likod nito. Si Kat. Nakita ko ang pag-liwanag ng kanyang mga mata sa oras na tumama ang tingin sa kanyang mga kapatid. Mukhang hindi nya agad kami napansin dahil nga nasa likuran kami nung tatlo.

"Hahanapin ko palang sana kayo," Sambit pa nito at ngumiti sa kanila bago sya tumayo sa gilid para mapapasok kame. "Kai's awake."

As soon as mabanggit ni Kat 'yon ay para bang may kung anong nag-tulak sa tatlo para agarang bilisan ang kilos, pinanood namin sila ni Nigel na tumakbo papasok sa loob habang sumunod nalang kaming dalawa.

"Ciaran! Nigel!" Nakangitong ani Kat nang makita ang pag-pasok namin na syang nginitian naman namin. Ngunit agad na nangunot ang kanyang noo nang mapansing dalawa lang kame. "Kayo lang..?"

Napalingon 'yung iba dahil dito at nabalot kami ng katahimikan. Base sa mga ekspresyon ng bawat isa ay halatang lahat sa amin ay iniisip na ang mga pinakamasamang senaryo na pwede mang mangyare. Puno ako ng pag-aalinlangan at ayaw ko sana magpatuloy pa sa pagpapaliwanag pero mukhang 'yon ang hinihintay nila.

Tumingin pa ako kay Nigel, thinking if he could help me with this but he seemed too out of it again. Kaya napabuntong-hininga nalang ako bago ko binuksan ang bibig ko para simulan ang pagpapaliwanag sa kanila patungkol sa kung ano ang naalala kong nangyare matapos 'yung pag-sabog.

"May naging pag-sabog sa stadium," Panimula ko at napalunok pa habang inaalala 'yung eksaktong nangyare sa utak ko. Para bang may palabas na nag-play sa utak ko as I stared into nothing in particular. "I don't exactly know what happened to the others pero nung nagkaroon ulet ako ng malay eh nabalot na ng usok 'yung paligid namin. Everybody was running, both people and zombies everywhere. I didn't know where I was going pero eventually, nakita ko si Kavi.."

Sandali akong napahinto at tumingin sa kanila, base sa ekspresyon sa kanilang mukha ay halatang alam na nila na may masamang nangyare sa kanya.

"Sabe nya nakita nya raw sila Eya at Nigel kaya sinunod ko 'yung sinabe nya, iniwan ko sya—"

"What? Why would you?!—" Pagputol ni Kiro pero agad na pinigilan ang sarili nya at tinakpan ang sarili nyang bibig. Napailing nalang ako dahil dito, implying that I couldn't do anything for Kavi dahil nga nakagat sya nung time na 'yon.

"I followed Kavi's directions. Then nakita ko si Nigel sa isa sa mga kwarto," There was a huge lump in my throat, an odd feeling building at the pits of my stomach as I tried to get out what I remembered. "Si Eya. Si Eya, wala na rin sya."

That seemed to have snapped out Nigel dahil sa sandaling bitawan ko ang mga salitang 'yon ay agad na paulet-ulet na bumulong si Nigel, "It's my fault. I'm sorry! I'm sorry! Hindi dapat 'yon mangyayare. Ako dapat 'yung maiiwan eh—"

"Don't!—" Inis na putol ni Kino pero mukhang hindi sya narinig ni Nigel dahil nag-patuloy sya.

"She was injured and I refused to move. Dapat parehas kaming makakatakas eh! Pero sobrang dami ng humabol. We got ourselves into a room, I was just supposed to check the other door kung ligtas doon. But then when I turned around—"

"Tama na, Nigel!" Medyo pasigaw na ani Kino at galit ang ekspresyong tinignan ang aming kaibigan. Nakahawak sya sa buhok nya at halos hilahin nya na ito mula sa kanyang ulo sa inis. "We get it okay? We get it!"

Biglaan syang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at imalis ng kwartong kinaroroonan namin, shutting the door loudly and leaving using silence. Nabalot kame ng katahimikan, hindi alam kung ano pa ang sasabihin. Tanging ang boses lamang ni Nigel ang nanaig na patuloy nagpapasensya sa kaibigan naming wala na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon