Chapter 11: Lost The Way

135 6 0
                                    

Kiro's POV

What are we gonna do now?

Iyon ang tanong na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko matapos masira nung lubid na dapat ay gagamitin namin para makapunta sa kabilang building, ngunit ngayong wala na ito, hindi na namin iyon magagawa.

Tahimik akong naglakad papunta sa kabilang side ng railings kung saan matatanaw ko ang malawak na field na puno ng mga estudyanteng nakagat na ng mga zombies.

Mukhang kami na lang talaga ang mga naka-survive dahil sa wala na akong makinang ibang estudyante na hindi infected, kung meron man ay paniguradong nasa kani-kanila silang mga taguan para lang hindi magaya sa ibang estudyante.

Hindi man kami makakagat ng zombies ay paniguradong mamamatay naman kami sa gutom at uhaw kung magtatagal pa kami sa lugar na 'to, kelangan naming makalabas at agad na makahanap ng tulong.

Isa-isa kong tinignan ang mga zombies na natatanaw ko sa field at nun ko lang na-realize na di naman pala sila ganoon karami dahil halos lahat sila ay nandito sa kabilang side ng building na tinutuluyan namin.

Napaikot ang tingin ko para kumpirmahin nga na nakapalibot nga sila dito sa may harapan ng gate ng abandonadong dorm at ang kanilang atensyon ay nandoon lamang kina Gael na nakatawid na nga.

Bumalik ako sa kaninang posisyon ko at pinagmasdan ang iba pang gusali ng campus na 'to, malaki ang school na 'to kaya hindi na nakakapagtaka kung maligaw ka pa dito.

Napako ang tingin ko sa iba pang gusali sa kabilang banda ng field, 'yun 'yung banda ng campus na hindi ko masyado pinupuntahan dahil sa pagkakaalala ko ay mostly building ng mga junior students ang nandoon.

"Ares," Tawag ko pa sa nag-iisang grade 8 student na kasama ko para kumpirmahin kung tama nga ako. "Your room's located over there, right?"

Lumingon naman sya sa tinuturo ko bago sya sumagot ng oo dahilan para mapatango-tango ako at dahilan rin para lumitaw ang isang ideya sa isip ko ngunit agad ding nawala.

"May exit ba doon?" Muling tanong ko pa at muli naman syang tumango. Ngapala, hinde lang nag-iisa ang entrance/exit sa school na 'to, there are three gates to enter and exit the school.

First is the main gate, Second is the gate located on the front corner of the school, to the left, which is usually used by senior students along with grade 10s and lastly, the Third gate is located at the back corner of the school, to the right, which is usually used by most of the junior students.

There are three of them but for sure, all of them are closed—

"I have an idea!"

My thoughts were interrupted by Ares, agad akong napatingin sa kanya at nakita ang nakangiting ekspresyon niya dahilan para mag-taas ako ng kilay, curious sa kung ano mang ideya na naisip nya.

At dahil nga medyo malakas rin ang kanyang pagkakasabi nito ay nakuha din nya ang atensyon ng iba dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

"I just remembered. Nasira 'yung lock nung gate sa area ng juniors," Sambit nito. "We can exit through that gate."

"If it broke, hindi ba dapat napagawa na agad 'yon?" Tanong ni Nigel dahilan para tumango rin ang iba.

"Sira nga 'yung lock, kahapon lang ng umaga nangyari, which was class hours so wala pang time para ipagawa 'yun tas nagkaroon pa ng virus," Eld then stated, remembering about the reports the student council received about students who tried to break out the school, resulting into them breaking it.

"Teka, pano naman kayo nakakasigurado?" Tanong naman ni Mael dahilan para muling sumagot si Eld.

"Student council. May mga junior students na nakasira ng lock ng gate, plano yata nilang mag-cut."

"Actually, it was our fault," Ares suddenly blurted out, looking down on his feet as he sighed. "Yeah, we planned to skip class but we failed.."

"You guys broke the lock?" Ulet na tanong ni Eld dahilan para dahan-dahang mapatango-tango si Ares.

"Well, technically, I'm not included. I didn't even touch the gate. Sina Kalel lang talaga 'yung matigas ang ulo at sinama ako."

"Okay, enough about that," Kai cut in after a moment of silence, changing the topic. "Ngayong alam na nating puwede tayong lumabas doon, we need to make a plan."

Agad namang napatango-tango ang lahat at nakinig sa sunod-sunod pa nyang mga sinabi.

"Alam niyo ba 'yung blueprint ng school? Diba may naka-drawing sa handbook ng school, naalala niyo ba?"

Agad na nag-taas ng kamay si Mael at sinabing, "I remember it. Kabisado ko."

He was asked to draw three of them so that we could used them as maps at since naka-ready na nga ang mga gamit namin ay wala na kaming masyadong kinailangang gawin pa kundi hintayin 'yung mga mapa.

Lahat kami ay bumaba sa unang palapag ng gusali at maghanap ng puwedeng maguguhitan ni Mael na buti nalang ay nahanap naman namin agad.

Hindi nag-tagal ay nag-sama-sama na kaming lahat, mga bag namin ay nakasabit na at ang mga may hawak na map ay sina Kat, Eld at Mael, nasa harap na kami ng isa pang pintuan ng gusali kung saan walang nakaharang na mga zombies at handa nang lumabas.

Nagkatinginan pa kami sa isa't-isa bago tuluyang buksan ni Nigel ang pintuan at lahat kami ay agad na nag-si-labasan.

Sinigurado naming tahimik at dahan-dahan kami, alerto at laging tinitignan ang mga paligid habang dahan-dahan kaming naglalakad.

"Ares!"

Tila ba nanigas na lamang kami sa kinatatayuan namin dahil sa biglaang sigaw na aming narinig at unti-unting lumingon para makita sa di kalayuan si Gino na patuloy na sumisigaw sa likod ng gate katabi sina Kino.

Hindi nagtagal at nalipat agad sa mga zombies ang paningin namin dahil unti-unti silang nag-tinginan sa 'min, nanlaki na lamang ang aming mga mata at labis na kaba ang aming naramdaman.

Agad namang tinakpan ni Kalel ang bibig ng kanyang kaibigan para hindi na ito makapagsalita pa.

"Gino, what have you done?!" Pabulong na ani Ares na halatang galit na dahil sa ginawa ng kanyang kaibigan.

"Okay! Screw the plan!" Malakas na sambit ni kuya Kai and as if on cue, dali-dali kaming gumalaw mataas nyang sabihin ang, "Takbo!"

We were planning to stay quiet and make our way to the other side slowly but now that the zombies' attentions are all ours, there's no way we'd be able to do that.

May ilang mga zombies ren na sumasalubong sa 'min dahilan para gamitin namin ang mga kagamitang nakuha namin bilang panlaban sa kanila.

"Putangina mo, Gino!" Mura pa ni Nigel at hinampas ang baseball bat na hawak nya sa ulo ng isang zombie dahilan para matumba ito.

"Isusumpa kita habang buhay pagnamatay ako!" Sunod naman ay si Mael na muntikan pa madapa pero agad na natulungan ni Nigel.

Halo-halo na ang mga emosyon naming lahat at panigurado nang isa na doon ang galit dahil sa ginawa ni Gino.

"Fuck! Get outta my way!" Inis na ani ko at sinipa 'yung zombie na sumugod sa akin.

At hindi rin magpapahuli si Ares na masama na ang tingin sa paligid na akala mo'y gustong-gusto nya nang pumatay habang may mahinang sinasabi sa kanyang sarili.

Sina kuya Eld at Kai lang yata ang wala pang mga nasasabing mura dahil naka-focus lang sila sa pupuntahan ngunit halata sa kanilang mukha na galit na rin sila.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang marating ang area ng mga juniors, I didn't dare look back, kahit hindi ko alam kung saan ako papunta, kahit pagod na ay pinilit ko paren ang sarili kong makatakbo, iniiwasan ko nalamang 'yung mga zombie na nakikita ko para hindi na makasayang sa oras.

"Kat! Dito!" Agad na tawag ko sa kapatid ko nang makakita ng paliko kung saan walang mga zombie. "Kat!—"

Nanlaki na lamang ang aking mga mata ko nang pagtingin ko sa likod ko ay hindi ko nakita ang kapatid ko, o kahit na sino man.

Don't tell me..

Agad na mas lumala ang kabang naramdaman ko at napahakbang na lamang pabalik, ngunit wala talaga sila, mag-isa lang ako at hindi lang 'yon, hindi ko alam kung nasaan ako at wala rin akong dalang mapa.

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon