Chapter 16: Game Of Tag

90 6 0
                                    

Kino's POV

"H-help me..please. Is there anyone out there still listening to this? Anyone who've survived so far? Please, makakatakas pa ba tayo dito??"

Agad na napataas ang mga ulo naming magkakaibigan nang marinig namin ang boses ng isang estudyante na nagmamakaawa sa speaker, tahimik lang kaming nagtitinginan at hindi alam kung ano ang gagawin.

"We should help 'em," Kavi was the one to break the silence, nakakunot ang noo nyang tumingin sa amin habang hinihintay ang aming sasabihin.

"Either nasa studio 'yon o principal's office," Ani naman ni Kiro na tumayo na mula sa sahig at pinagpagan ang kanyang sarili. "We could help 'em if makalabas tayo ng buhay sa building na 'to."

Tumayo na ren ako at sinundan sya papunta sa pinto para sumilip at i-check kung may zombie ba sa hallway.

"Ano, meron ba?" Tanong ni Russell sa amin at sumunod na ren at dahil sa si Kiro ang nakaharang ay hindi ko naman makita kung meron nga sa labas.

"Hmm, wala," Mahinang ani nito at mas binuksan pa ang pinto dahilan para agad kaming mapagalaw.

"Teka, dre, wag muna, baka mamaya meron pala jan sa gilid," Agad na sambit ko nang mapigilan syang buksan ang pinto ng sobra pa.

"Aba, how am I supposed to know kung hindi ko talaga i-che-check?" Tanong naman nya dahilan para mapabuntong-hininga nalang ako at bumitaw.

"Bala ka jan, pag-hinila 'yang ulo mo, i-sa-sacrifice ka na namin," Pabirong sabe ko pa dahil sa ginawa nyang pagsilip.

"Fuck, meron!" Dahil sa gulat ay agad kaming nasandal at hindi sinasadyang naipit ang ulo nya dito sa pinto kaya agad kaming lumayong muli at hinila sya. "Putang ina naman!"

"Sabe sa 'yong wag mong gagawen eh, 'yan tuloy."

"Bat kase tinulak nyo agad? Ang saket ha!" Inis nyang hinawakan ang bandang leeg nya habang kami ni Russell naman ay paulet-ulet sa pag-so-sorry.

"So ano? Are we going?" Tanong ni Kavi nang matapos ang dalawa sa kalokohan nila dahilan para mapatingin kami sa kanya at magkibit balikat.

"Is it possible?" Ani Russell dahilan para muli kaming magkatinginan.

"Well, like I said earlier, either nasa principal's office or studio 'yung speaker. Either way, it's all the way in the main building. Baka mamaya pagdating naten dun umalis na 'yung nagsasalita at di naten matulungan," Sambit naman ni Kiro dahilan para matahimik kameng lahat.

"So what do you suggest?" Tanong ko naman.

"Another thing, this may sound heartless but we came back here to rescue our other friends, not the other students," Mahinang ani Kavi habang medyo nakayuko.

"That's true.." Pag-sang ayon naman ni Kiro. "But still, we could give it a shot cause we're gonna have to leave this place either way. Bakit hindi nalang nateng subukan 'yung humihingi ng tulong."

"Mhm..posible reng nandoon sa parte na 'yon si Kuya. We're gonna have to check as much place as possible if gusto naten silang mahanap, so isama nalang ren naten 'yung ibang pwede pang mailigtas," At dahil sa sinabe ko, lahat kame ay unti-unting nagkaroon na ng desisyon para lumabas na ng building na kasalukuyan naming tinutuluyan at magtungo dun sa kabilang building.

Dahan-dahan baming binukas ang pinto at tahimik na pinatay 'yung isang zombie na malapit sa amin pero siyempre ay ginawa namin 'to ng tahimik para wala nang ibang atensyon na makuha, pagkatapos ay agad kaming magtungo sa hagdan para makababa na.

"It's awfully quiet," Bulong pa ni Russell habang dahan-dahan kaming naglalakad at medyo nakayuko pa ang posisyon. "It's suspicious—..Fu—!"

Agad na lumipad ang isang kamay ko sa bibig ni Russell at 'yung isa naman sa braso niya para hilahin sya nang dahil sa muntikan na syang mahulog sa hagdan.

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon