Chapter 24: Frustration

42 6 0
                                    

Kino's POV

Tanging ang paghinga lang namin ang naririnig habang nagtatago kame ni Eya sa isang sulok matapos takbuhan ang napakaraming zombies na kanina ay humanol sa amin.

"Takbo!—"

Eya flinched, making a bit of sound to which made me held her close, calming her down habang wala kaming magawa kundi pakinggan ang mga sigaw nung kaibigan namin na maya maya'y unti-unting humina.

"Please let this nightmare end.." Eya trailed off, di ko naiwasan ang mapabuntong-hininga nang narinig ko na ang paghinga niya. Napakagat nalang ako ng labi at medyo napayuko at saka marahang tinabig ang kanyang ulo para sumandal sa dibdib ko.

Wala akong sinabe. Wala akong masabe dahil maski ako ay hindi alam kung kelan nga ba matatapos 'tong bangungot na 'to o kung matatapos pa nga ba ito, nagkahiwa-hiwalay na naman kame. Paniguradong paulit-ulit lang ang mangyayare sa amin kapag hindi pa kame makakakita ng isang safe zone o kung anong meron man na makakaligtas sa amen.

Maya maya ay binitawan ko si Eya at lumabas kame ng pinagtataguan namin nang masiguradong wala nang zombie sa labas. Tagaktak ang aming pawis kaya't nang maramdaman ang hangin ay di ko na naman napigilan ang mapabuntong-hininga at agad na nagpunas ng leeg.

Mas tahimik na kesa sa kanina pero naririnig pa ren namen ang tunog ng angil ng mga zombie sa di kalayuan kaya medyo may ideya kame sa kung saan ang dapat at di dapat puntahang direksyon.

"We should find an exit. Front entrance is definitely an option so, let's just hope na mahanap naten ang back exit," Sambit ko pang suhestiyon ngunit umiling-iling si Eya.

"Gawen nalang naten kung anong pinunta naten dito. 'Yung medication room, don nalang tayo pumunta."

"What? No, umalis na tayo dito, baka mamaya mapahamak pa tayo if we insist on doing just that."

"What about the others? May chance na ma-reunite tayo sa kanila kung pupunta tayo don, malay mo mapadpad sila don."

"That's a big what if.."

"Alam ko 'yung daan papunta don, tulad nga ng sabe ko habang nag-di-discuss tayo, I've been here before and besides, kelangan naten 'yung mga gamot, para ren sa 'ten yon."

Eventually, I agreed, though I do still think the best option is to head for the exit of this hospital pero since alam naman ni Eya 'yung daan papunta don, pumayag na ren ako at sumunod sa kanya.

..

Kat's POV

Wala kaming naging choice kundi mapalabas ng building nang dahil sa paghabol sa amin ng mga zombie, we locked the zombies in para di na makasunod pa sa amin. I just hope no one else goes for the back exit or else they'd be greeted with those horde na humabol sa amin.

"Ack!!" Inis akong napasabunot sa buhok ko habang unti-unting napaupo nalang sa lupa. Nabalot kame ng katahimikan na maya maya ay nabasag lang den matapos magsalita ni Nigel.

"We..should go back—"

"No! Hindi tayo babalik sa loob! Masyado nang delikado, lalo na't ganyan ang mga actions niyo," Putol ni Yasu bago pa man makatapos 'yung isa. "You've put all of our lives in danger!"

Sandaling natahimik muli ang lahat at napaiwas nalang ng tingin bago nagpatuloy si Yasu, "Naiintindihan kong gusto niyong iligtas ang mga kaibigan niyo pero di naman pwedeng basta-basta nalang kayo susugod. Kung ganyang di niyo iniisip yung mga resulta ng actions niyo, di na ko magugulat kung mamaya makita ko nalang kayong maging isa sa mga zombies na yon.."

May mga iba pang sinabe si Yasu pero di ko na ito napagtuunan ng pansin nang may mapansin ako, dahan-dahan akong tumayo at tumingala sa may pang apat na palapag na bintana kung saan may nakita akong animong tulay na kumukonekta sa kabilang building papunta sa ospital, para bang 'yung ginawa namin sa school.

"Saan ka pupunta, Kat?" Tanong ni Kavi nang mapansin ako.

"Don't do anything reckless," Paalala naman ni Yasu.

Narinig ko ang biglang galawan ng iba, marahil napansin na ren nila ang tinitignan ko at nalaman kung ano ang ideyang pumasok sa isip ko kaya't di na ako nag-aksaya pa ng oras at kumilos, "Let's go."

Pumasok kame sa building na katabi ng ospital at neto lang namen nalaman na hotel pala ito, tahimik kameng nilagpasan ang mga zombies na bumungad sa amen nang makapasok para di na naman mauwi sa isang marathon.

Mabuti na lamang at sa likod kame dumaan at hindi sa entrance dahil kundi ay malamang tumatakbo na naman kame ngayon dahil sa dami ng nakaabang sa lobby kung kaya't iniwasan namen ang parte na yon at naghanap na ng daan paakyat.

Okay lang kame nung una, lumipas ang ilang minuto ng walang nangyayare ngunit syempre, nothing ever goes right. Nakaakyat na kame ng second floor non nung bigla kameng nagtakbuhan dahil sa bumungad sa aming mga zombie at bawat hallway nalang ay may nakaabang, nagkanda watak-watak kame at nagtungo sa iba't-ibang direksyon dahil dito.

"Shit! Nigel, dito!"

"Kavi! San ka pupunta!"

Ciaran!"

"Ahh—" Naputol ang pagtili ko matapos akong biglang hilain ng kung sino, napaurong ako sa gulat nang biglang paputukin ni Yasu ang kanyang baril sa isang zombie na dadakmain na pala ako kung di lang nya ako hinila at saka nya ako pinapunta sa isang room at sinara ang pinto.

"Fuck!" Mura nya pa at kinasa ang baril nya habang nakasandal sa pinto. Dahil nga sa malakas na ingay na ginawa ng baril nya ay narinig ito ng marami pang zombies at ngayo'y kumakalabog na sa pintuan kaya't dali-dali akong inusog ang pinakamalapit na makakapagharang dito para di ito mabukas.

Natahimik kaming dalawa at di napigilan ang mapalabas ng buntong-hininga, inis akong pumadyak sa sahig at saka naglakad palayo habang hawak na naman ang aking ulo.

"We need to get out of here.." I trailed off, clenching my jaw as I looked around in frustration. "We need to get out of here!"

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon