Chapter 15: Written Letter

104 6 0
                                    

Kiro's POV

Hinihingal akong napahinto sa pagtakbo habang naghahabol ng hininga matapos nang pangmatagalan at walang tigil na pagtakbong ginawa ko dahil sa bawat sulok na puntahan ko ay lagi akong may nakikitang zombies, iniyuko ko sandali ang tuhod ko at huminto sa gitna habang pinupunasan ang walang tigil na tagaktak ng pawis sa mukha papunta sa leeg ko.

Nang tumingala ako at ayusin ang pagtingin sa di kalayuan ay naaninag ko ang gate na kanina ko pa hinahanap, sa wakas, nakita ko na ang labasan at dahil dito ay muli akong umayos ng tayo at nagsimulang tumakbo kahit na pagod na pagod na ngunit muli akong napahinto nang biglang may tatlong nagbukas nito at dahang-dahang pumasok dito.

Sa pag-aakalang zombies ito ay tatakbo na sana ako pero hindi naman sila ganun katalino para gumawa ng ganon diba at saka parang ang ingat ng mga galaw nila kaya muli ko silang tinignan ng maigi at agad ko silang nakilala dahilan para manlaki ang aking mga mata ngunit sa takot na makakuha ng atensyon ng mga zombies ay hindi ko na sinubukan pang isigaw ng malakas ang kanilang mga pangalan.

"Kino! Kino!" Bulong ko na pasigaw at halos magmukha na akong paos dahil sa ginagaw ako, thankfully though, narinig naman siguro nila ako dahil lumingon ang kapatid ko at sa oras na magtama ang paningin namin ay agad syang tumakbo palapit, nagulat na lamang ako at muntikan pang matumba nang biglaan siyang yumakap sa aken ng mahigpit dahilan para magpumiglas ako. "Hoy! Aray naman! Di ako makahinga!"

"Sorry, I'm just glad," Paumanhin pa nito at kumamot pa sa ulo matapos na bumitaw. "Anyway, nasaan 'yung iba? Sila kuya Kai? si Nigel?"

"Bro, you don't have any freaking idea what your twin brother just went through," Ani ko pa at iniiling-iling ang aking ulo habang may malungkot na ekspresyon sa aking mukha, making everything much more dramatic than it should be. "Nahiwalay ako sa kanila so I had no choice but to go around every corner of this school! Just to get to this damn exit! Hinde ko pa naman kabisado ang part na 'to. I'm by myself."

"Kayo? Anong ginagawa niyo? Nakalabas na kayo eh, bat babalik pa kayo?" Dagdag ko pa matapos ng mahaba kong explanation at seryoso nang tinignan sya.

"We've met up with Kat and Ares outside, kaya ngayon, we split our group into two," Panimula ni Russell. "We came back para sa inyong naiwan pa dito sa loob habang 'yung kapatid mo naman ay ni-lead 'yung kabilang group para maghanap ng tulong sa labas, which I hope there is still one, marami ring mga zombies sa labas so posibleng hinde lang ang school naten ang may virus, it could be the whole city or something at mukhang wala na reng electricity."

"I see, then what are we waiting for then? Let's go!"

"Wait, wait! Sure ka bang gusto mong sumama? Pwede ka naman nang lumabas kung gusto mo, kami na bahala dito," Ani Kino na hinawakan pa ang braso ko dahilan para tignan ko sya as if what he just said was the most ridiculous thing I've ever heard. "Sumama ka nalang kila Kat, for sure di pa nakakalayo 'yon-"

"Ano ka ba, Kino? Gusto mo bang mahiwalay at maligaw na naman ako? Mas maganda kung sasama nalang ako sa inyo, baka mamaya eh nakalayo na pala sila Kat, pano naman ako?" Sambit ko naman habang nakaturo sa aking sarili.

Sa huli ay pumayag nalang ren si Kino at pinakita ang map na ginawa kanina na binigay sa kanya ni Kat at Ares para hindi kame maligaw at matapos nun ay nagpatuloy na kame at nagsimulang hanapin ang iba.

..

Kai's POV

Dapat pala di ko nalang siya iniwan, dapat pala sinama ko nalang siya. Anong klase akong kaibigan? Bakit ko hinayaan na masaktan sya? Bakit ko hinayaan na masugatan sya at makagat? Bakit? Bakit ko sya pinabayaan? Walang kwenta akong kaibigan!

Tahimik lamang akong nakaupo sa maduming sahig at malamig na pader habang nakatingin sa kawalan at habang kung ano-anong tanong ang pumapasok sa utak ko, bakit ko nga ba ginawa ang mga iyon? There has to be some kind of cure to this, right? There's always a cure.

Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon