Eh para kay Melanie kasi siya ang nag-suggest ng theme ng story na to :))))
---------
(Ferio)
Umupo ako sa isang bench malapit sa school park. Wala lang. Trip ko lang magpahinga. Break ko naman. Nakakastress na rin ang college. Alam mo yun? Parang araw-araw may quiz. O kaya research paper. Dagdag pa yung lab works. Ewan ko ba at kung makapang-maliit yung other students sa mga Engineering students eh kala mo pa-easy-easy lang kami lagi.
Hindi kaya. Haha.
"Hi. Kain po."
Lumingon ako. Ay. Yung nakaupo pala sa other side nung bench. Huh? Kailan pa siya dito?
"No, thanks." I just returned to my siesta mode. ;)
"Tss. Sama mo."
Eh bakit ba? Gusto ko magpahinga eh.
"Sungit. Isssh."
Kailangan talaga magparinig?
"Heeeesh."
Aba't... Aaaah. Nakakapang-gigil ang babaeng to ah. Dahil lang sa pagkain nagkakaganyan siya?
"Hoy miss. Mawalang-galang na sa'yo ha. Ako ba pinaparinggan mo?"
Ngayong nagtatanong ako, hindi naman siya sumasagot. Ano to, gaguhan?!
"Hoy miss! Kung wala kang magawang matino, pwede ba manahimik ka nalang?" Tss. Walang pake? Fine. Makalayas na nga dito.
Kinuha ko na yung bag ko at nilagay yung earphones ko. Para wala na akong marinig. Dumiretso na ako sa Hahn building para sa 3pm class ko. Badtrip na babae yun. Kakaumpisa palang ng second sem eh. Nakakastress na nga mga school works mambabadtrip pa yung babaeng yun. Makita ko lang yun ulit...
Nasa gate na ako ng Hahn. Oop! Potek. Nasaktuhan pa ako ng first bell. Lagot na. Hindi pwede ma-late. Mapapahiya ako neto. Siya pa naman yung instructor ko sa Mech* last sem, kaya kilala na ako nun.
(* - Mechanics)
Saktong pagdating ko sa 6th floor saka nag-second bell.
Uh-oh...
"Mr. Altamirano, attendance has been checked." Tumingin siya sa relo niya. "And you're quite late."
Huh? Late na to? 5mins palang, late na?
Sabi ko nga, late na. Kasi lagpas na sa time.
"Well. Pagbibigyan kita sa ngayon dahil kasisimula palang ng sem. Go find a seat."
BINABASA MO ANG
The Song of Fate
Romance[FILIPINO] Kapag sapilitang naitadhana sa'yo ang tinadhana naman talaga para sa'yo, this one's for you! Isa na namang kwentong patungkol sa arranged marriage, na nilagyan ng konting twists and turns. (c) 2012