(Lia)
Pagdilat ng mga mata ko, madilim. Yung ilaw lang mula sa lamp sa side table ang liwanag sa kwarto na to. Bumangon ako. Tinignan ko yung damit ko. Nasa ospital pala ko... At yung kaliwang kamay ko... mainit. Nilingon ko ang direksyon nung kamay ko.
Si Ferio.
Hawak niya yung kamay ko.
Tss! Wag naman ganito, kinikilig ako eh. *kilig*
Nilingon ko yung orasan sa may lamp. 4:30 palang pala. Kainis. Naputol pa panaginip ko. Ay! Oo nga pala. Mamaya na kami mag-aayos ng booth!
Pero di muna ako bumangon. Ayoko pa siyang gisingin. Hindi na ako makatulog kaya nakatingin lang ako sa may bintana. Tapos may biglang sumulpot na kung ano. *Haha* Joke lang.
Ayun. Matagal-tagal din akong nagmuni-muni. Mga past 5 siguro nung nagising na si Ferio.
"Good morning, Lia."
"Good morning, Ferio."
"Kanina ka pa ba gising?"
"Ah... oo eh. Tapos hindi na ko makatulog kaya yun."
"Tara."
"Anong tara?"
"Malamang aalis tayo."
"Agad agad? Di ba pwedeng maligo o mag-ayos muna?"
"Hindi na. Hindi na natin maaabutan, sige ka."
"Ano ba kasi yun? Yung pag-aayos ng booth? Mamaya pa yun ah."
"Hindi yun. Basta. Tara. Bilis. Lilibre kita pag sumama ka."
Libre daw! Oh yeah.
"Sabi mo yan ha."
"Tch. Oo. Mukha ka talagang libre."
Hinugot niya yung kamay ko at saka niya ko hinila palabas ng kwarto.
Dinala niya ko sa rooftop ng hospital. Umupo siya at pinaupo niya rin ako.
Sunrise-viewing pala ang drama ng sira-ulong to.
"Oh di ba? At least nakita natin."
"Oo nga eh. Ang ganda."
"Tara na. Gutom na ko." Tss. Patay-gutom much talaga siya! Hinugot niya uli yung kamay ko. Pababa na kami pero...
BINABASA MO ANG
The Song of Fate
Romansa[FILIPINO] Kapag sapilitang naitadhana sa'yo ang tinadhana naman talaga para sa'yo, this one's for you! Isa na namang kwentong patungkol sa arranged marriage, na nilagyan ng konting twists and turns. (c) 2012