Chapter 36: (Pambawi sa tatlong araw na absence :>)

81 0 0
                                    

(Ferio)

Nagiging masaya talaga kahit ilang oras lang basta kasama ko si Lia. Ibang saya eh, kumpara sa pag kasama ko yung mga kaibigan ko.

Tsaka para talagang matagal ko na siyang kakilala. Sa sobrang gaan ng loob ko sa kanya.

Naligo na si Lia pagkatapos umalis ni Carly. Nagpaalam ako na uuwi muna para makaligo at magbihis. Babalikan ko pa naman siya eh. *:)*

7:30 AM.

As I have said, binalikan ko nga siya. 45 minutes narin ang nakalipas.

"Aba~ naka-porma ka ata ngayon?? Mag-aayos lang ng booth, poporma pa." Tsss.

"Ganito naman talaga ako manamit noon pa ah?"

"Sige. Sabi mo eh."

Hindi na tumagal pa ang usapan namin mula doon.

Pati sa paglakad papunta sa school, tahimik lang. Magkatabi kami habang naglalakad pero walang umiimik.

Nahihiya narin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero nahihiya talaga ako...

“Ferio...”

“Uh... Uh, bakit?”

“Ang tahimik mo. Di ako sanay.”

“Ha? Hindi naman ah.”

“Hindi daw. Eh kanina ka pa walang imik.”

“Ah, wala lang. Hayaan mo na.”

“May bumabagabag ba sa’yo?”

Yes. Bumabagabag. Nose bleed!

“Hmm... Wala naman. Bakit?”

“Lately kasi, hindi kita nakakausap. Ah—! Oo pala. Sorry pala nung Saturday...”

“Saturday?” Ano yun? Ah...

## konting flashback lang... ##

Hinila ko siyang sumama sa’kin.

"Ferio."

Hindi ko siya sinagot.

"Ferio!"

Saka lang ako tumigil. "Bakit?"

The Song of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon